PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cesar Montano: “Kailangan talagang magprotesta!"

"We're being robbed."
by PEP Troika
Published Sep 20, 2025
Cesar Montano at Selda Tres mediacon
Kabilang si Cesar Montano sa celebrities na sang-ayon sa mangyayaring kilos-protesta laban sa korapsyon na magaganap sa Linggo, Setyembre 21, 2025. Aniya, “Mali yung nangyayari. So, dapat lang na sumuporta tayo dito sa rally na ito. Dapat lang."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Napapanahon ang pelikulang Selda Tres na bida sina Cesar Montano, Carla Abellana, at JM de Guzman, sa direksyon ni GB Sampedro.

Tumatalakay sa katotohanan at katarungan ang Selda Tres, na isa sa limang full length films na kalahok sa 7th Sinag Maynila filmfest.

From left: Direk GB Sampedro, Cesar Montano, Carla Abellana, and JM de Guzman.
From left: Direk GB Sampedro, Cesar Montano, Carla Abellana, and JM de Guzman.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Injustice happens every day,” sambit ni Carla sa mediacon noong Setyembre 19, 2025, Biyernes sa Limbaga 77 restaurant, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

“Kahit naman sabihin po nating walang nangyayari ngayon sa bansa natin, applicable naman po siya, relatable naman po siya anytime.

“It happens every day, ang injustice po, at dapat every day po nating ilalaban kung ano po yung tama.”

Ngiti nang ngiti si Cesar habang nagsasalita si Carla, na tinaguriang "Patron Saint of Concerned Citizens."

“There’s so much truth about what she was saying. Totoo naman iyon, totoo yung sinasabi niya,” pagmamatwid ni Cesar.

“And nakakatuwa yung ginawa siyang 'Patron Saint,' at saka to fight for righteousness is what we need to do.

“You have to fight for righteousness kahit ano pang mangyari sa iyo. A very good example to that is Charlie Kirk.”

Polarizing ang views ng American political activist na si Charlie Kirk. Matapos siyang i-assassinate noong Setyembre 10, 2025, sa Orem, Utah ay itinuring siyang icon ng modern American conservatism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Cesar, “Yes, polarizing din yun, of course. But siyempre, faith yun. Faith yun. But, of course, yung rightneousness, makukuha mo naman yun, e.

“Sa ating great God naman galing lahat iyan. Doon nagsimula iyan. So, yun.

“I was smiling dahil at the same time, I’m learning. I have a lot of growing up to do. So, dahil sa kanila, natututo ako.

“I’m so happy to learn something. Bago yun sa akin.”

Sabi naman ni JM, “Medyo nakaka-trigger na yung mga nangyayari sa bansa natin. Andami nang… paano ko ba sasabihin iyon?

“Siguro I’m hoping, na sa pelikula po namin ay may mensahe kaming maibigay, at may mapulot din po yung audience natin with regards nga po doon sa nangyayari sa bansa natin.”

Nasa cast din ng Selda Tres sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Perla Bautista, Jeffrey Tam, Tanjo Villoso, at Johnny Revilla.

Ipapalabas ang mga kalahok sa 7th Sinag Maynila sa Setyembre 24-30, 2025, sa Gateway, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, SM Mall of Asia, SM Fairview, Trinoma, at Market Market.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Punong-abala sa Sinag Maynila sina Sir Wilson Tieng at Direk Brillante Mendoza.

Selda Tres poster
Photo/s: Five 2 Seven PR Material

NOEL FERRER

Sa mga kaganapan nowadays, ano ang realization ni Cesar Montano bilang Filipino citizen na nagbabayad ng buwis?

Natigilan si Cesar bago sumagot, “Sa aking mga nasagap at natutunan... ahhhh, tayo kasing mga Pilipino, sa nangyayari ngayon, this is the product of our kabaitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masasabi kong kabaitan. Alam mo, pag sobra kang mabait, masama. Lahat ng sobra, masama.

“Ang Pilipino, mabait. Kaya lang, sumobra. Inano natin, kinunsinti natin yung kamalian.

“Why am I saying this? I’m pretty sure, sasang-ayon kayo na marami sa ating mga leaders, hindi sila dapat mga leaders.

“Because they cannot lead with righteousness, correct? Pero sino ang nag-upo sa kanila? Tayo.

“So, do you hear in some provinces, minsan pa nga, nagko-compare pa iyan pag eleksyon, ‘Magkano ang kinita mo? Magkano ka binayaran?’

“We are selling our souls… we are selling our souls for how many years?! Five years lang ba, ten years lang ba?

“No! Longer than that! Naging kultura na natin ito. Hindi ito minsanan lang—kultura.

“Ugali na natin. Ang hirap tanggalin pag sinabi mong, ‘Oy! Huwag kang…’ Lalo na ang mga mahihirap, nasa probinsiya iyon.

“Pag sinabi mong huwag ibenta, 'tapos may offer sa kanya, ang boto niya, P10,000. Isang boto mo. ‘Pambiling bigas na ito saka ano,’ di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Of course, these voters, thinking about kung ano ang kakainin nila ngayon at bukas.

“But they’re not thinking kung ano ang magiging future ng anak nila at ng apo niya. Nandidito lang tayo sa araw na ito, e.

“Dapat kasi, iniisip natin kung ano ang magiging future din ng anak o apo natin.

“We should not, never… sell our votes. Next time po, sana sa susunod na eleksyon talaga.

“At the same time, above everything, this country needs healing. Kailangang gamutin ito.

“And according to the Scripture, we should humble ourselves and pray together.

“Ano ito, sakit. Sakit ng bansa natin ito. We should humble ourselves and pray na sana, ma-heal itong bansa natin at magbago tayo ng disposisyon sa buhay.”

GORGY RULA

Lalahok ba si Cesar sa kilos-protesta kontra katiwalian sa Linggo, Setyembre 21?

Saad ni Cesar, “This protest is very important. Kasi, dito natin ipinapaalam na hindi tayo sang-ayon sa nangyayari sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, hindi lamang para sa buong bansa, kundi rin sa ibang bansa na malaman nila na we’re not agreeing, we don’t agree to what is happening.

“We’re being robbed. Kailangan talagang magprotesta! Even the President himself is supporting the rally…

“So, dapat talaga tayong sumali dito. E, mismong Presidente nga natin, sumusuporta, e. He’s not disagreeing. Sabi niya, tama ito.

“Mali yung nangyayari. So, dapat lang na sumuporta tayo dito sa rally na ito. Dapat lang.”

Susog ni Direk GB Sampedro, “Very important din kasi, yung ilabas natin yung boses natin, and marinig tayo.

“For so long, nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan ang mga tao. So, as long as hindi siya political. As long as ito’y pagbo-voice out lang ng nararamdaman.

“And as long as peaceful, we support the rally.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Cesar Montano sa celebrities na sang-ayon sa mangyayaring kilos-protesta laban sa korapsyon na magaganap sa Linggo, Setyembre 21, 2025. Aniya, “Mali yung nangyayari. So, dapat lang na sumuporta tayo dito sa rally na ito. Dapat lang."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results