PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana, gusto talagang magpakulong ng animal abusers

"Para safe po tayo..."
by PEP Troika
Published Sep 20, 2025
Carla Abellana
"Alam naman po ng tao or ng public, ng aking mga followers, ng fans, kung saan po ako talagang nakatayo. They know my stand, and all that. Hindi man po ako magiging parte, or hindi man nila ako makakasama, of course they have my full support," sabi ni Carla Abellana na nagpauna nang hindi makakadalo sa kilos-protesta na magaganap sa Linggo, Setyembre 21, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ano ang natanto ni Carla Abellana sa mga nabunyag na katiwalian sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH)?

Sabi ng tinaguriang "Patron Saint of Concerned Citizens": “It’s a never-ending cycle unless we step up, use our voices, and say, ‘Enough!’ Parang ganoon po.

“Hindi naman po ito bago. Kahit hindi man po kasing-viral ngayon, nangyayari po ito, ilang taon na po, ilang dekada na po.

“Ilang generations na po, hindi po ba? Ngayon lang po talaga siya medyo nabibigyan ng pansin.

“So ako, honestly, in a way, I have hope sa younger generations. Nakita naman po natin yung results ng recent elections po.

“So, yung bulk of the voters, of course, are the younger ones, millennials, Gen-Z onwards na po iyan.

“So, kahit papaano, kahit parang nakakawalang-gana po, kahit parang hopeless na po yung ating sitwasyon…

“I’d like to cling on to that hope po, doon sa mga younger pa. Na maging wiser po tayo. Matuto po tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na po excuse ang pagiging ignorant, or walang alam. At saka kahit papaano, sa kanila po ako kakapit.

“Kasi they know what is right, and mas vocal po sila ngayon. So, sana po, tuluy-tuloy lang po yung pagboto po nang tama, pag-exercise po ng kanilang rights.

“And of course, hopeful pa rin po kahit nga sabi po natin, ‘Ang hirap mong mahalin, Pilipinas!’

“Hopeful pa rin po na kahit papaano, sandali, maitigil na po ito. O magkaroon na po talaga ng pagbabago.

“Yung significant po na may managot na po talaga. Wala na pong makakalusot.

“At magkaroon po tayo ng pag-asa na mabawi po natin kung ano yung nakuha sa atin.”

Nakapanayam si Carla pati sina Cesar Montano, JM de Guzman at Direk GB Sampedro sa mediacon ng pelikulang Selda Tres noong Setyembre 19, 2025, Biyernes, sa Limbaga 77 restaurant, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Ang Selda Tres ay isa sa limang full-length films na kalahok sa 7th Sinag Maynila filmfest na gaganapin sa Setyembre 24-30, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapalabas ang entries ng Sinag Maynila 2025 sa Gateway, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, SM Mall of Asia, SM Fairview, Trinoma, at Market Market.

Carla Abellana with
Carla Abellana with "Selda Tres" co-star JM de Guzman.
Photo/s: Selda Tres still photo

NOEL FERRER

Magpa-participate ba si Carla Abellana sa kilos-protesta kontra katiwalian sa Linggo, Setyembre 21 sa Luneta o EDSA?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako po, honestly, I cannot attend any of the protests or what. May schedules po ako sa araw na iyon, gustuhin ko man po,” pagtatapat ni Carla.

“Pero alam naman po ng tao or ng public, ng aking mga followers, ng fans, kung saan po ako talagang nakatayo.

“They know my stand, and all that. Hindi man po ako magiging parte, or hindi man nila ako makakasama, of course they have my full support…

“Sana’y maging maayos po, maging safe po at peaceful yung kaliwa’t kanang mga protesta po sa Linggo.

“Karapatan naman po iyan ng mga tao. So, kung saan po sila, kung saang lugar po, kung anong posisyon man nila—nirerespeto ko po iyon.

“Sinu-support ko po sila, basta para sa tama po tayo!”

GORGY RULA

Marami raw gustong ipakulong o ipa-selda si Carla Abellana.

“Pero more on… para safe po tayo, yung mga animal abusers,” pagsisiwalat ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyan po ang aking focus. Naku po! Araw-araw po iyan. Naku, napakadami po! Nagkalat.

“Ahh, of course, merong Animal Welfare Act. Alam po natin iyan, na may rights po ang animal.

“And hindi man po natin alam lahat, pero every day meron din pong injustice na nangyayari when it comes to animal welfare.

“So sana, lahat po sila, makulong! Sana, lahat po sila, magbayad ng multa.

“Minsan, pangit man po sabihin or isipin na kung paano nila inabuso yung hayop, sana, ganoon din po ang mangyari sa kanila.

“Mga ganoon pong bagay. So, marami pong animal abusers. Sa politics, iba na lang po ang sasagot doon.”

Siyanga pala, ang gala screening ng Selda Tres ay nakatakda sa Setyembre 26, Biyernes, 7:00 PM sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City.

Cesar Montano (left) and JM de Guzman (right) in a scene from
Cesar Montano (left) and JM de Guzman (right) in a scene from "Selda Tres."
Photo/s: Selda Tres still photo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang logline ng Selda Tres: “After a brief and wrongful incarceration, a law office messenger helps defend his former cellmates in court as a paralegal.”

Kasama sa cast ng Selda Tres sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Perla Bautista, Jeffrey Tam, Tanjo Villoso, at Johnny Revilla.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam naman po ng tao or ng public, ng aking mga followers, ng fans, kung saan po ako talagang nakatayo. They know my stand, and all that. Hindi man po ako magiging parte, or hindi man nila ako makakasama, of course they have my full support," sabi ni Carla Abellana na nagpauna nang hindi makakadalo sa kilos-protesta na magaganap sa Linggo, Setyembre 21, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results