PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon at Ian de Leon, may hidwaan?

Hindi nag-aabot at hindi nagkakausap ngayon ang magkapatid.
by PEP Troika
Published Sep 21, 2025
Lotlot de Leon, Iande Leon with their siblings
"Hindi kami nakakapag-usap ngayon," ang sagot ni Lotlot de Leon (left photo, white shirt) nang tanungin tungkol sa kapatid niyang si Ian de Leon (right photo, left). Kasama pareho nina Lotlot at Ian sa magkahiwalay na photos ang mga kapatid na sina Kenneth (left photo, left), Matet (left photo, 2nd from left), at Kiko (left photo, right).
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Ayaw mang idetalye ni Lotlot de Leon, pero halatang may hidwaan sila ng kapatid niyang si Ian de Leon.

Nakapanayam namin ang aktres sa premiere night ng pelikulang Isla Babuyan na ginanap sa Robinsons Magnolia noong Biyernes, September 19, 2025.

Lotlot de Leon
Lotlot de Leon at "Isla Babuyan" mediacon.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikita kasi sa ilang post ng mga kapatid niya na nagsasama-sama sila nina Matet, Kiko, at Kenneth, pero wala si Ian de Leon.

Ang recent na nakita namin sa social media ay kasama ni Lotlot ang tatlong kapatid maliban kay Ian.

“I think he was invited naman. But I don’t know… maybe busy siya, hindi ko alam,” kaswal na sagot ni Lotlot.

Napapadalas daw ang pagkikita nilang magkakapatid, bukod lamang kay Ian. Hindi naman niya sinagot kung may tampuhan o may problema silang dalawa.

Basta, hanggang doon lang daw muna ang puwede niyang sabihin.

“Kami ni Ian? Hindi kami nagkikita. Dun lang muna,” napangiti niyang sagot.

Kaya sinundan namin ng komentong, tila wala siyang reaksyon at masasabi bang okey silang dalawa?

“Ano… wala! The last time we spoke to him was when? Siguro, a month and a half ago, mga ganun po siguro.

“Yun na lang muna. Basta hindi kami nakakapag-usap ngayon. Hindi kami nakakapag-usap. Ang lagi kong nakakausap, si Matet, si Kiko, si Ken,” sabi lang ni Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala kaming ideya kung ano talaga ang sanhi ng hidwaan nina Lotlot at Ian. In-assume ng iba na baka may kinalaman ito sa mga naiwang properties ng namayapa nilang Mama Guy, ang Superstar na si Nora Aunor.

Kamakailan lang ay may dinaluhang pagtitipon si Ian sa Iriga City, kung saan ay binigyan ng parangal ang kanilang ina.

Maaring inayos na rin doon ni Ian ang mga lupaing naiwan ng kanilang ina. Si Ian naman daw ang lahat na nag-aasikaso nun, ayon kay Lotlot.

Ang balita nga namin, bago pumanaw si Ate Guy ay naibalik pa raw sa kanya ang una nilang bahay sa Iriga, na naibenta nang walang pahintulot ng namayapang superstar.

Pero nilinaw uli sa amin ni Lotlot na hindi nila ito pinapakialaman kay Ian na siyang nag-aasikaso lahat.

“Siya [Ian] lahat. Whatever mom left, ahh... si Ian lahat ang nag-aasikaso. Hindi ako, hindi si Matet, hindi si Kiko, hindi si Ken. Siya lang,” muling paglilinaw ng aktres.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang buwan pa lamang ang lumipas nang magkakasunod na pumanaw ang mga mahal nila sa buhay, kaya nandiyan pa rin daw ang kanilang pangungulila.

“On and off siya, e. Saka September… limang buwan pa lang wala sa pamilya namin… di ba, ang mommy ko, si Mamita [Pilita Corrales], si Kuya Ricky [Davao].

“Five months? So… work helps. The work helps. Keeps me busy, helps kahit papaano. At siyempre pag mag-isa ka na lang, ahh... yun medyo ano,” saad ni Lotlot.

Nagpapasalamat siyang marami naman siyang ginagawa. Sa trabaho na lang daw nila ibinubuhos ang kanilang pagdadalamhati at kung ano mang isyung hinaharap nilang magkapatid.

Tumutulong si Lotlot sa promo ng Isla Babuyan, na launching movie ng baguhang singer-actress mula London na si Geraldine Jennings.

Isla Babuyan poster
Photo/s: Solid Gold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa October 1 na ang showing nito sa mga selected cinemas. Nabigyan ito ng R-18 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kaya hindi ito mapapanood sa SM cinemas.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Jameson Blake, Paolo Gumabao, James Blanco, Nathalie Hart, Dave Bornea, at Samantha da Roza, sa direksyon ni Jose Abdel Langit.

JERRY OLEA

Napag-usapan din ang pagiging hardworking nilang magkakapatid.

Naikuwento ni Lotlot de Leon na wala siyang driver. Siya lang daw ang nagmamaneho sa mga pinapasukan niyang tapings at shootings.

Lahat naman daw talaga sila ay pinalaking hindi umaasa sa iba kundi sila ang nagtatrabaho.

Kagaya ni Matet de Leon na napaiyak pa ito minsan nang nag-live selling.

“She [Matet] has kids. Lahat tayo, may responsibilidad sa buhay. Kailangan masipag. So, ganun naman kami pinalaki. Independent, masipag, bawal ang ano, tamad,” napangiting pahayag ni Lotlot.

Kahit siya raw ay ipinapakita sa kanyang mga anak ang pagiging hardworking. Kaya proud naman siya dahil masipag daw ang lahat ng mga anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You have to lead by example, e. Siyempre, kung ano yung nakikita nila, yun ang gagayahin nila. E, nakikita nila na, ahhh... ako din naman kasi when they were younger, I don’t stop.

“Kumbaga, lahat na yata na puwedeng ibenta, nabenta ko nung lumalaki sila. Nag-RTW ako, nag-alahas ako, nagpagkain rin ako. So, they see the hard work and they do know what it means to work hard for the family,” saad ni Lotlot.

By the way, yung playdate ng Isla Babuyan ay nasa pagitan ng dalawang filmfest kung saan maraming magagandang pelikulang Pinoy ang matutunghayan.

Setyembre 24-30 ang 7th Sinag Maynila filmfest kung saan limang full-length films ang magtatagisan—Selda Tres, Cande, Jeongbu, Altar Boy, at Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.

Mapapanood din sa duration ng Sinag Maynila 2025 ang restored versions ng Jaguar starring Phillip Salvador, at Atsay na pinagbidahan ni Nora Aunor.

Ang Sinag Maynila 2025 films ay ipapalabas sa SM Mall of Asia, SM Fairview, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, Trinoma, Market! Market!, at Gateway Cineplex 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Oktubre 3-12 naman ang 21st edition ng Cinemalaya indie filmfest na ang tema ay “Layag: sa Alon, Hangin, at Unos.”

Ang sampung full-length films at sampung short films ay ipapalabas sa tatlong partner venues—Shangri-La Plaza, Ayala Malls Cinemas, at Gateway Cineplex 18.

Kabilang sa sampung full-length films ng Cinemalaya 2025 ang Padamlagan ni Ely Buendia, Child No. 8 starring JM Ibarra, documentary na Bloom Where You Are Planted, Cinemartyrs ni Nour Hooshmand, at Raging starring Elijah Canlas and Ron Angeles.

Andiyan din ang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan starring Dolly de Leon at Zanjoe Marudo, Open Endings with Janella Salvador and Klea Pineda, Warla starring Kaladkaren at Lance Reblando, Republika ng Pipolipinas ni Geraldine Villamil, at Paglilitis ni Rissey Reyes-Robinson.

Of course, looking forward din tayo sa historical film ni Jericho Rosales, yung Quezon na Oktubre 15 ang playdate.

Moreover, andiyan ang Pinoy movies na mag-i-streaming soon sa Netflix Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Setyembre 25 ang streaming ng ConMom nina Kaye Abad, Paolo Contis, Patrick Garcia, at Empoy Marquez.

Oktubre 2 ang streaming ng Out of Order nina Alden Richards, Nonie Buencamino, at Heaven Peralejo.

Oktubre 9 ang streaming ng Only We Know nina Charo Santos at Dingdong Dantes.

At Oktubre 16 ang streaming ng The Time That Remains nina Carlo Aquino, Jasmine Curtis-Smith, at Beauty Gonzalez.

NOEL FERRER

Ahh, talaga? Nakakalungkot naman kung totoong may di pagkakaunawaan ang mga naiwan ni Ate Guy.

Pero pamilya sila. Pasasaan din at kapag lumaon ang oras ay malilinawan din ang lahat—kung anuman.

Harinawa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi kami nakakapag-usap ngayon," ang sagot ni Lotlot de Leon (left photo, white shirt) nang tanungin tungkol sa kapatid niyang si Ian de Leon (right photo, left). Kasama pareho nina Lotlot at Ian sa magkahiwalay na photos ang mga kapatid na sina Kenneth (left photo, left), Matet (left photo, 2nd from left), at Kiko (left photo, right).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results