PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ciala Dismaya, "no-show" sa September 21 episode ng Bubble Gang

GMA-7, nangunguna pa rin sa overall ratings.
by PEP Troika
Published Sep 22, 2025
ciala dismaya bubble gang
Ciala Dismaya, the new character of Michael V. in Bubble Gang, did not appear on the September 21, 2025 episode of the Kapuso gag show.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Maaaring nasa rally nga ang karamihan noong Linggo, September 21, 2025, kaya wala gaanong tumutok sa telebisyon.

Bumaba ang viewership kung ikukumpara noong nakaraang linggo.

Bumaba ang rating ng Bubble Gang, na naka-8.7%.

Hindi nasilayan si Michael V bilang si Ciala Dismaya. Pero marami silang sketches na tumatalakay sa isyu ng contractors at ghost projects.

bubble gang ratings
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sumunod na The Voice Kids ay bahagya ring bumaba sa 11.6%.

Kahit ang mga panghapong programa ay bumaba rin.

Ang All-Out Sundays ay 3.3%, at ang ASAP Natin ‘To ay 1.2%.

Sumunod ang Regal Studio Presents na 3.1%, at ang Resibo ay 3.5%.

Pero tumaas ang FPJ sa GMA na naka-4.2%.

Bukod sa Bubble Gang at The Voice Kids, okay na rin ang ratings ng ilang programa sa primetime.

Ang 24 Oras Weekend ay 8.9%, ang Frontline Pilipinas Weekend ay 1.4%, at ang TV Patrol Weekend ay 1.3%; na sinundan ng Isumbong Mo Kay Tulfo na naka-2.1%.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 15.7%, at ang sumunod na The Boobay And Tekla Show ay 3.3%.

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

JERRY OLEA

Hindi gaanong umaalagwa ang ratings ng It’s Showtime sa free TV. Pero malakas ito sa online, at laging nagte-trending.

Noong Sabado, September 20, ay nanatiling 5.6% ang rating ng It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang My Father’s Wife na naka-6.6%.

Ang Tadhana ay medyo tumaas sa 6.1%.

Ang Wish Ko Lang! ay 5.2%, at ang Maka Lovestream ay 4.5%.

Pagdating sa primetime, sinimulan ito ng 24 Oras na naka-8.3%. Ang Frontline Weekend ay 1.5%, at ang TV Patrol Weekend ay 1.5% din.

Sumunod ang Pepito Manaloto na naka-9.2%, at ang katapat na Rainbow Rumble ay 2.3%.

Na-maintain sa 8.2% ang Stars on the Floor, at medyo tumaas ang katapat na Idol Kids Ph na 5.6%.

Ang Magpakailanman ay 7%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 2.4%.

Sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na 4.1%.

Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda, Cardinal David’s views on death penalty

NOEL FERRER

Noong nakaraang linggo ay pumasok na si Maris Racal sa FPJ’s Batang Quiapo.

Bahagyang tinaasan ng teleserye ni Coco Martin ang Sang’gre noong Huwebes, September 18.

Ang Batang Quiapo ay 12.6%, at 12.3% naman ang Sang'gre.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong Biyernes, September 19, ay nagkadikit sila. Ang Batang Quiapo ay 11.6%, at ang Sang’gre ay 11.5%.

batang quiapo

Ratsada pa rin ang Sanggang Dikit FR na naka-8.6%, at ang It’s Okay To Not Be Okay ay 5%.

Narito ang ratings ng iba pang programa noong Biyernes:

Ang It’s Showtime ay 5.2%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang My Father’s Wife ay 6.8%, ang Cruz vs. Cruz ay 7%, at ang Akusada ay 6.4%.

Sumunod ang Fast Talk with Boy Abunda na naka-4.1%, at ang My Ordinary Day ay 2.5%.

Ang Family Feud naman ay 8%; at ang halos katapat nitong Frontline Pilipinas ay 2.2%.

Ang 24 Oras ay 14.2%, ang TV Patrol ay 3.3%, at ang Totoy Bato ay 2.6%.

TOTAL RATINGS NUTAM

Nakuha rin ng PEP Troika ang total ratings sa NUTAM mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 midnight.

Ang GMA-7 pa rin ang nangunguna na nakakuha ng 4.6%, ang TV5 ay 1.4%, ang GTV ay 1%, at ang A2Z ay 0.6%.

Sa People Shares, 46.4% ang sa GMA 7.

Ang TV5 ay 14.6%, at ang GTV ay 9.8%, at ang A2Z ay 6.4%.

Kung bumababa man ang TV viewing, lumalawak naman ang pagba-blog, TikTok, at pagkahumaling sa social media, kahit sa news.

Interesting na mapag-aralan ang data.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Erich Gonzales breaks social media hiatus after three months

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ciala Dismaya, the new character of Michael V. in Bubble Gang, did not appear on the September 21, 2025 episode of the Kapuso gag show.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results