PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine-Andres launching movie, sinuportahan nang todo ng fans

Andres Muhlach: "Grabe talaga!"
by PEP Troika
Published Sep 23, 2025
ashtine andres minamahal premiere
Andres Muhlach overwhelmed by the outpouring of support from fans at the premiere of Minamahal, his launching movie with loveteam partner Ashtine Olviga: “Grabe talaga! We’re so appreciative talaga, for all the people that have supported me and supported us. Kakaiba talaga!”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ngayon ko lang nasaksihan kung gaano kalakas sa fans ang AshDres loveteam nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach.

Ang daming fans na nagkagulo sa premiere night ng first movie nilang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna na ginanap sa Cinemas 2 and 3 ng SM Megamall noong Lunes, September 22, 2025.

Nang nasa red carpet na sila, sumabay lang ako ng interview kay MJ Marfori ng TV5 dahil wala akong masyadong alam kina Ashtine at Andres.

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

Kinakantiyawan nina MJ at Ashtine si Andres dahil naiiyak na raw ito nung nagsimula silang rumampa sa red carpet.

Nabanggit daw ni Ashtine na may pagkaiyakin talaga si Andres.

“I’m not crying!” bulalas ni Andres na natatawa sa kantiyaw ni MJ.

Masaya lang daw talaga sila ni Ashtine dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng fans.

Sabi pa ni Andres: “I don’t know what to say. I’m grateful for everything. You know, everything that we did… we sacrificed a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We worked hard, really, to put out the film that we hope that you guys can enjoy.

“And we really appreciate, we’re truly blessed, and we’re grateful for everything that’s happened.

“It’s just a beginning, and if there’s a lot… more to come.”

Ganun din daw ang nararamdaman ni Ashtine.

Saad niya: “Sabi nga ni Andres, ibinigay namin ang puso namin dito. Kaya, sobrang ganitong suportang natatanggap namin, grabe ang lahat ng pagod, ang hirap, nawala talaga lahat.

“Habang naglalakad kami, sabi niya, ‘Nag-sink in na sa yo?’ ‘Hindi pa…’”

Sabi pa ni Andres: “Grabe talaga! We’re so appreciative talaga for all the people that have supported me and supported us. Kakaiba talaga!”

Read: Lotlot de Leon at Ian de Leon, may hidwaan?

ANDRES MUHLACH'S CHARM

Hindi na kami magkarinigan sa loob ng sinehan dahil sa lakas ng tilian sa mga nakakakilig na eksena.

Magaling palang umarte si Ashtine, at siya nga ang nagdala ng pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matutuwa ka naman at mai-in love kay Andres.

May kakaiba siyang charm na maaring nakuha niya sa kanyang amang si Aga Muhlach.

Kahit medyo nahirapan siya sa ilang Tagalog lines, hindi mo mapapansin yun dahil matutuwa ka na lang sa kanya.

May mga eksena pang nakakaawa siya sa kanyang kalagayan, na dahil ayaw niyang maging abala sa kanyang mga kapatid ay nagtiyaga na lang siyang matulog sa labas ng bahay o kaya'y magpalipas ng gabi sa eskuwelahan.

Maaawa ka talaga sa kanya, na parang gusto mo na lang siyang ampunin.

Read: Cong TV, Viy Cortez clap back at bashers over corruption protest post

NOEL FERRER

Proud si Direk Jason Paul Laxamana na siya ang direktor ng first movie ng AshDres.

May kakaibang chemistry raw ang dalawa at nakikita niya kung paano sila magtulungan.

“Halimbawa, merong isang eksena na challenging, talagang you see them sa sulok, they try to... nagbabatuhan sila ng ideas kung papaano magagawa yung eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Ash minsan, tinuturuan niya si Andres sa Tagalog lines niya.

“So, di ba, ang ganda? Meron silang initiative or meron silang kusa.

“May couple-coded. Wow!” masayang pahayag ni Direk Jason Paul.

Kampante siyang tatangkilikin ang Minamahal at lalo pang aalagwa ang loveteam ng AshDres.

Kaya ang payo ni Direk Jason Paul sa dalawa: “After nito, mapa-series man or movie. So, kung ano mang attitude na meron kayo nung ginagawa natin yung pelikula, dalhin niyo lang, and you’ll go far.”

Doon na rin sa premiere night nila sinilebreyt ang kaarawan ni Direk Jason Paul.

Read: Ilang taga-showbiz sangkot sa anomalya sa flood control projects?

Andres Muhlach and Ashtine Olviga with director Jason Paul Laxamana
Andres Muhlach and Ashtine Olviga with director Jason Paul Laxamana
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Maaring maka-relate ang mga Gen-Z sa Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna na tumatalakay sa challenges ng relasyon ng mga kabataan ngayon.

May ilang eksenang nagawa na sa sangkatutak na romance film, pero iba ang atake rito at nandoon pa rin ang kilig.

Kaya hindi magkamayaw ang fans na sobrang saya sa pelikula nina Ashtine at Andres.

At ang takeaway raw ng pelikulang ito, ayon kay Ashtine: “Gusto namin ipakita dito, hindi lang yung buti ng pagmamahal. Hindi lang siya laging puro saya.

"May mga problems din siya at ipakita dito kung paano iha-handle yun, pag na-experience nila yun.”

Para kay Andres: “Ako naman, I want the fans to takeaway na love is worth it, you know.

“That’s all the premise of this film. It’s about how great and how important love is in all of our lives.

“I think we can relate when see this. How worth is this love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas, Setyembre 24, Miyerkules, ang showing ng launching film ng AshDres tandem, kasabay ang The Ride nina Piolo Pascual at Kyle Echarri.

Read: Arnel Pineda charged with Anti-VAWC rap over marital infidelity

SINAG MAYNILA 2025

Raratsada na rin umpisa bukas ang 7th Sinag Maynila indie filmfest sa SM Mall of Asia, SM Fairview, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, Trinoma, Market! Market!, at Gateway Cineplex. PHP250 ang admission price.

Ipapalabas sa Sinag Maynila 2025 ang remastered versions ng Jaguar (1979) ni Philip Salvador, at Atsay (MMFF 1978) ni Nora Aunor.

Ang limang full-length films sa Sinag Maynila 2025 ay Selda Tres, Cande, Altar Boy, Jeongbu, at Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.

Bida sa Selda Tres sina Carla Abellana, JM de Guzman, at Cesar Montano, sa direksyon ni GB Sampedro.

Tampok sa Cande sina JC Santos at Sunshine Teodoro, sa direksyon ni Kevin Pison Piamonte.

Nasa cast ng Altar Boy sina Mark Bacolcol, Shai Barcia, at Pablo S.J. Quiogue, sa direksyon ni Serville Poblete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maghahatid ng hilakbot sina Aljur Abrenica, Ritz Azul, at Empress Schuck sa Jeongbu, sa direksyon ni Topel Lee.

Kukurot sa puso ang Madawag Ang Landas Patungong Pag-Asa (The Teacher) starring starring Rita Daniela, Jak Roberto, and Albie Casiño, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Read: 7th Sinag Maynila: Limang pelikula pasok sa feature film category

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andres Muhlach overwhelmed by the outpouring of support from fans at the premiere of Minamahal, his launching movie with loveteam partner Ashtine Olviga: “Grabe talaga! We’re so appreciative talaga, for all the people that have supported me and supported us. Kakaiba talaga!”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results