JERRY OLEA
Humingi ng panalangin ang beteranang aktres na si Deborah Sun nang makita namin sa opening ceremony ng Sinag Maynila 2025 indie filmfest.
“Nagka-colon cancer ako,” sambit ni Deborah kagabi, Martes, Setyembre 23, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
“Nalaman noong June 14 last year. Stage 2. Nag-oral chemo ako, at in less than a year, which is seven months of medication, I’m cancer-free.
“Pero siyempre dahil the great cancer ka, naka-monitor. At least five years, dapat naka-monitor.”
Read: Lorna Tolentino and Deborah Sun finally end rift after 37 years
Baka bumalik daw ang kanser niya.
“Ngayon nga, nag-PET scan ako. Yung PET scan, may nakitang maliliit na bukol sa chest ko,” salaysay ng 66-anyos na aktres.
“So, pina-CT scan ako. Nag-CT scan ako two weeks ago, nakita naman, bukol sa breast.
“Kaya magso-sonogram ako sa October 9. Ipag-pray mo na sana, wala. Nakakatakot, ano?
“May ipinapagawa ngang test sa akin ngayon na ubod ng mahal! Dyusko, hundred plus thousand! Dyuskupo, nakakaloka!
“Pero ito naman, may GL [guarantee letter] ako. Kahit paano, nakakatulong. Pero yung ibang test, cash talaga.
“Yung ganun, nakakaloka talaga. Kailangan, may hanapbuhay.”
Read: Mika Salamanca apologizes, unfollows Kitty Duterte on Instagram
CELEBRITY DONORS
Huling napanood si Deborah sa FPJ’s Batang Quiapo.
Naaksidente siya sa set noong Enero 2024, kaya natigil siya roon. Sinagot ni Coco Martin ang hospitalization niya.
Kabilang sa mga tumulong sa kanya nang magkakanser siya ang tito niyang si Phillip Salvador.
Dagdag ni Deborah, “Siyempre, walang kamatayang tulong, Boy Abunda! Maricel Soriano. Si Ara Mina, nahihiya na ako sa kanya.
“Yung bahay na lang, malaking bagay na yun. Dyusko! Pero tumutulong si Ara pag nag-ano ako roon.
“Tumutulong si Ara pero iniisip ko, OK ako ngayon. Nakuha mo? Pag nag-ano ako dun, ‘Nak…’ Send agad yun, GCash! GCash agad.
“Pero alam niya siguro, OK ako, hindi ako nag-aano sa kanya. Pero pag nagsalita ako dun, ay! Dyusko, ayan agad.
“Yung bahay na lang, sobra-sobra na yon. Di ba? Ilang taon na ako dun. Magte-ten years na ako sa March. Imagine mo!”
Read: Deborah Sun, pitong taon nang nakatira sa condo unit ni Ara Mina nang libre
Ang opening film ng 7th Sinag Maynila ay ang Jaguar (1979) kung saan bida ang tito ni Deborah na si Phillip Salvador.
Kasama ni Deborah na um-attend ang dalawang anak na sina Jam Melendez at Jemmalyn Salvador.

GORGY RULA
Natakot ba siya nang malaman na meron siyang kanser?
“Siyempre, siyempre. Pero siguro, alam mo sa akin, ang katuwiran ko, ano yan, e. Kasi, positive ako, e,” tugon ni Deborah Sun.
“Saka ano ako, happy ano. Kasi, ang katuwiran ko, siguro binigay ni Lord yan, pagsubok, e. Alam mo yung ganun.
“Kaya tingnan mo, in less than a year, seven months treatment, I’m cancer-free. Di ba?
“Matigas kasi ang ulo ko. Lahat ng bawal kasi kinakain ko, e. Yung mga processed food, bawal, yung mga red meat. Hala!
“Nung bago nga mag-eleksyon, nagpunta ako sa Senate, sabi ni Senator Bong Revilla, ‘Hay, Deborah! Ikaw sa lahat ng may kanser ang ubod ng taba!’
“‘E kasi, Senator, lahat ng food, kinakain ko.’ ‘E ba’t mo kinakain?’ At saka si Senator [Lito] Lapid pala, tumutulong sa akin yan!”
Read: Alexa Miro reveals breakup with boyfriend; names Franki Russell as alleged third party
NOEL FERRER
Ang ganda ng disposisyon ni Deborah Sun kahit dumaan siya sa kanser. Parang hindi siya naaapektuhan?
“Kasi kung didibdibin ko… like sabi nga, yung ibang may kanser, inaano, niyayakap nila,” sabi ni Deborah.
“Kaya ang tendency, lumalala. Umaano. E, ako, tingnan mo, ang taba-taba! Kasi ang katuwiran ko, pagsubok na ibinigay ni Lord iyan. Pagsubok yan, e.
“Kailangang kayanin ko, kasi may mga anak pa ako. Sabi nga ni Tito Phillip, ‘Hindi ka puwedeng mawala dahil kailangan ka pa ng mga anak mo at mga apo mo.’”
Naiisip ba niya minsan na handa na rin siya, if ever, kung ano man?
“Umiiyak ako siyempre minsan. Kaya lang, kung idadaan ko sa ganun, walang mangyayari,” tugon ng aktres.
“Kailangang lakasan ko ang loob ko. Kailangan kong lakasan. Kung hindi, walang mangyayari. Kahit ako, gusto ko siyempreng magkatrabaho.
“Nahihiya na akong humingi ng tulong sa ibang tao. Gusto kong magkatrabaho. E, ang alam kong trabaho dito, pag-aartista lang, e. Alam mo yung ganun?
“Wala naman akong pam-business. Alam mo yung ganun? Di ba, alam mo ang ibig kong sabihin?
“Gusto ko siyempreng magtrabaho, ipinagpe-pray ko yun every day. Pero pag may sakit ka, walang kukuha sa iyo siyempre.
“Nagka-cancer pa ako, imadyinin mo. Di ba? Di ba?”
Inulit ni Deborah ang pag-abot ng dasal na huwag bumalik ang kanser niya.
“Sabi ko, ‘Lord, huwag Mo akong kunin! Paabutin mo ako ng 90 years old, o kaya 100.’ Di ba? Ha! Ha! Ha!” pagtawa pa ni Deborah.
