JERRY OLEA
Pagaspasan ang pagpagan sa papag ni Dax (Roman Perez Jr.) at ng kanyang ga (Ghen Gabriel) sa “Lakad” episode ng L anthology na nag-streaming noong Setyembre 5, 2025 sa VMX.
Nagtalop si Direk Roman! Humarurot sa hubaran at harutan!
“Oh, my God!” bulalas ni Direk Roman nang makahuntahan ng PEP Troika sa opening ceremony ng Sinag Maynila 2025 indie filmfest noong Martes, Setyembre 24, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
“Because of Jon Red, because of Direk Jon Red, no. Pinapunta ako ni Direk Jon sa isang shooting niya.
“Sabi niya, magsu-shoot daw kami. ‘Anong shoot natin?’ ‘Meron kang gagawing eksena.’ ‘Sige!’
“Ipinaliwanag niya sa akin. Sexy pala.”
Katatawanan ang eksenang kangkungan, este, sex scene.
Ano ang pakiramdam niya nang siya ang nagtanggal ng saplot sa katawang alabok, and all?
Pagtatapat ni Direk Roman: “Nakakakaba rin. Pero nung ginagawa ko yun sa stage before, ginagawa ko sa stage noon ang makipagbembangan, pero siyempre, iba ito ngayon.
“May mass audience, e. Kumpara sa stage, pag-uusapan ka lang.”
NOT THE FIRST NUDE SCENE OF DIREK ROMAN
Naghubad si Direk Roman sa dulang Pataya sa entablado ng FEU Theater Guild, either 2002 or 2003.
Pagbabalik-tanaw ni Direk Roman, “Ginawa ko siya na hubo’t hubad. Payat pa ako noon. Saka iba ang role ko ngayon. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Iba na, daddy policeman na. Dati, taumbayan, snatcher, ganun yung role ko. Iba din, iba din yung experience.”
Masusundan ba ang pagbobomba o pakikipagbombahan niya sa VMX?
Natawa si Direk Roman: “Ay! Hindi na ako maghuhubad! Napasubo lang tayo, napasubo lang tayo. Kasi, ano lang, e, in-advise lang ako ni Direk Jon.
“Sabi ni Direk Jon, ‘May gagawin tayo. Oo, gusto mo, ikaw ang ganito, ikaw ang ganito.’ So, kaya naman ako sumali.
“Sexy pala, hubaran pala.”
As we write this ay nasa Top 10 pa ng VMX ang “Lakad” kung saan nasa cast din sina Gold Aceron, Vern Kaye, Paula Santos, Horace Mendoza Jr., Earl Ignacio, Jay Leando, Bianca Pineda, Ayra Salvador, Kyla Arellano, Allen Legazpi, Karlo de Leon, Edward Vincent Thompson, Cecilia Anne Ibay, at Portia Rutaquio.

GORGY RULA
Sa Oktubre 31 nakatakdang mag-streaming sa VMX ang remake ng pelikulang Balahibong Pusa, na idinirek ni Roman Perez Jr.
Tampok sa pelikula sina Margaret Diaz, Christine Bermas, Itan Rosales, Mark Anthony Fernandez, at Yda Manzano.
Natapos na ni Direk Roman ang shooting nito.
Sabi ni Direk Roman, napakahusay ng disiotso-anyos na si Margaret na bida sa Balahibong Pusa.
“Parang may theater background. And higit sa lahat, parang Lovi Poe yung kanyang appeal,” sabi ni Direk Roman.
“Bago, bago, bagong product. Bago na puwedeng maging Pantasya ng Bayan.”

Mas pinagkagastusan ba itong remake ng Balahibong Pusa kumpara sa ibang VMX movies na halatang tinipid?
“Iyong tatlong remakes — Balahibong Pusa, Tres Ekis, at Scorpio Nights 4 — malalaki ang mga ito,” pagtatapat ni Direk Roman.
“Malaking-malaki, itong tatlong remakes na dadating.”
VMX STAGE PLAYS
Teka, tuloy pa ba iyong stage plays ng VMX?
“Matagal na naming pinaplano. Dalawang stage plays iyong pinaghahandaan namin,” pagsisiwalat ni Direk Roman.
“Isang sexy, isang thriller. Wala pang venue. Ang isang play, yung Junk Shop na gagawin sana sa November.
“Kasi, yung dalawang artista ko, hindi na pinayagan. So, naghahanap kami ngayon ng cast.
“Sana, before the year ends, makapag-prep na kami ng isang project, iyong rap musical na Pataya.”
Matutuloy ba this year ang CineSilip filmfest?
Tumango si Direk Roman: “Sa November na. Nagkakaroon lang sila ng problem sa MTRCB.
"At saka iyong sinehan na pagpapalabasan, gusto ba ipa-edit pa hanggang mag-R-16 yung movies.”
NOEL FERRER
Creative producer si Direk Roman Perez Jr. ng mocumentary na Republika ng Pipolipinas, isa sa sampung full-length films na kalahok sa 21st Cinemalaya filmfest na gaganapin sa Oktubre 3-12 sa Shangri-La Plaza, Ayala Malls Cinemas, at Gateway Cineplex 18.
Ang Republika ng Pipolipinas ay idinirek ni Renei Dimla, at credited silang dalawa ni Direk Roman sa poster bilang executive producer.
Nasa cast nito sina Geraldine Villamil, Alessandra de Rossi, Kakki Teodoro, Natalie Maligalig, JM Salvado, Bon Lentejas, Lian Silverio, Shun Mark Gomez, Mitzi Comia, Yian Gabriel, Brylle Parzuelo, Sigrid Polon, Sisa Bernardo, Antonio Vasquez, Xiao Chua, at Chad Kinis.

Relevant ang Republika ng Pipolipinas kaugnay sa mga kaganapan nowadays sa bansa “Saktung-sakto!” bulalas ni Direk Roman.
“Saktung-sakto kasi tungkol ito sa corruption, tungkol sa contractors. Tungkol lang din sa pag-agaw ng space ng Koreans doon sa pelikula.”
Ang logline ng mockumentary: “When the local government threatens to evict her from her own land, a farmer renounces her Filipino citizenship and builds her own micronation.”
