GORGY RULA
Sinubukan namin ni Morly Alinio, co-host ko sa radio program namin sa DZRH, na pumunta sa burol ng namayapang kapatid nina Claudine at Marjorie Barretto na si Mito Barretto, sa Heritage Memorial Park, Taguig City, noong Miyerkules, September 24, 2025.
Hindi na ako tumuloy dahil naunang dumating si Morly doon, pero pinakiusapan daw siyang huwag nang i-cover ang burol.
Ayaw raw ng pamilya ng namayapa na i-cover ang burol dahil hindi naman sila showbiz.
Sumunod si Morly, kaya hindi siya kumuha ng video at photos sa loob ng chapel ng Heritage.
Read: Marjorie, Claudine mourn the passing of brother Mito Barretto
Ini-report na lang ni Morly sa programa namin na inistima siya nang maayos ng magkapatid na Marjorie at Claudine.
Wala pa raw si Claudine pagdating ni Morly, kaya si Marjorie muna ang nag-asikaso sa kanya.
Pagdating ni Claudine ay ito na raw ang nag-asikaso sa kanya.
“Ang ganda ng pagpayat ni Claudine. Lalo pa siyang gumanda,” bulalas ni Morly nang pinag-usapan namin ito sa radyo.
Hindi raw niya nakitang nagkausap ang magkapatid na Claudine at Marjorie. Pero ang dalawa raw ang nag-asikaso sa iba nilang mga kamag-anak na dumating sa burol.
Read: Jessica Sanchez is America's Got Talent Season 20 winner: "I cannot believe...that I am the winner."
GERALD ANDERSON AT THE WAKE WITH EX JULIA BARRETTO
Nagulat daw si Morly nang lumapit si Gerald Anderson at bumati sa kanya.
Nandoon daw ang Kapamilya actor kasama ang ex-girlfriend na si Julia Barretto.
Kung si Morly raw ang tatanungin, at base sa naobserbahan niya, parang hindi naman daw nag-break ang dalawa.
“Ewan ko lang kung nakiramay lang siya dun, o nagkabalikan ba ang dalawa. Nag-break ba sila?” tanong pa sa akin ni Morly.
Sa pagtatanong pa niya, hindi pa raw pumupunta sa burol si Gretchen Barretto.
Nang paalis na si Morly ng Heritage ay nakasalubong niyang dumating si Mommy Inday Barretto, na sinalubong daw at inasikaso ng anak ni Marjorie na si Leon Barretto.
Read: Gerald Anderson-Julia Barretto breakup confirmed
JERRY OLEA
Ang chika ng mga mosang at marites ay ilang buwan nang hiwalay sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Noong Setyembre 18 naglabas ng official statement ang kani-kanyang management — ABS-CBN Star Magic at Viva Artists Agency — na hiwalay na nga ang dalawa.
Nali-link na si Julia sa ibang lalaki, at si Gerald ay nali-link na rin sa ibang babae.
Out of the picture ang ex ni Julia na si Joshua Garcia, maging ang ex ni Gerald na si Bea Alonzo.
Nakakatuwa yung meme kung saan sama-sama ang pictures ng mga aktres na naging kasintahan ni Gerald, na pawang naging modelo ng iba’t ibang brand ng shampoo.
Ano raw ba si Gerald, dandruff?!
Read: Gerald Anderson and Julia Barretto: A relationship timeline
NOEL FERRER
Nakikiramay tayo sa pamilya Barretto na matindi ang pinagdaraanan sa mga panahong ito.
Lagi na lang may pagsubok sa pamilya, pero ang nakakamangha ay kung paano nila ito naglalagpasan lahat.
Ipagdasal na lang natin na maayos na silang lahat!
