PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kumusta ang Ashtine-Andres launching movie sa takilya?

Minamahal, tinatayang aabot sa P40M hanggang P50M ang kikitain sa takilya.
by PEP Troika
Published Oct 8, 2025 | Updated Sep 25, 2025
andres muhlach ashtine olviga minamahal
Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Stella, the launching movie of Ashtine Olviga and Andres Muhlach, opened in cinemas nationwide on September 24, 2025.
PHOTO/S: Viva Films

GORGY RULA

Wala pang inilalabas na figures ang Viva Films kung magkano ang kinita ng pelikulang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules, September 24, 2025.

Wala raw kasing checker ang Viva kaya hindi pa namin nakuha ang eksaktong figures ng kinita nito sa first day of showing.

So far, ang nakuha lang namin, as of 3:00 P.M. noong Miyerkules, mahigit PHP2 million na ang kinita nito sa 200 sinehan.

Puwedeng malaki pa ang itinaas nito pagdating ng gabi, dahil marami talagang fans ang AshDres.

Read: Jessica Sanchez is America's Got Talent Season 20 winner: "I cannot believe... that I am the winner."

block screenings

Malaking bagay rin ang mga block screening na ini-sponsor ng fans nila.

Pinag-usapan sa premiere night ng Minamahal noong Lunes, September 22, halos sold-out daw ang tickets na ibinebenta kapag nagmu-mall show ang mga bida ng pelikula sa promo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki raw talaga ang naitulong ng block screenings.

Kaya kung tuluy-tuloy raw na maganda ang performance nito sa mga sinehan, ang tantiya ng aming reliable source ay baka aabot ito ng PHP40M hanggang PHP50M sa dalawang linggong showing nito.

Kasabay ng Minamahal ng AshDres ang The Ride nina Piolo Pascual at Kyle Echarri, pero hindi matao ang mga sinehan nito.

Ganundin daw ang kaso-showing lang na pelikula ng Viva Films na 100 Awit Para Kay Stella.

So far, naka-PHP50M daw ito sa loob ng dalawang linggong showing sa mga sinehan. Okay na rin yun kahit hindi ganun kalakasan ang iba pang nakasabay na local film.

Read: Albie Casino, may tirada kay Ellis Co at sa pamilya nito

NOEL FERRER

Promise, siguradong hahabulin kong panoorin itong pelikula nina Andres and Ashtine sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Balita namin mula sa nakapanood na, napakalakas ng chemistry nina Andres at Ashtine.

Sana, lahat ng kabataang iniidolo sila ay suportahan talaga ang pelikulang ito sa mga sinehan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana, kahit may bantang pagbagyo ay magtuluy-tuloy pa rin ang panonood ng mga moviegoers, lalo na ng mga kabataan, sa launching film ng bagong pares na iidolohin.

Masaya tayo kung may mga ganitong Next Generation of possible movie idols na nagpapatuloy ng magandang tradisyong nasimulan ng mga nauna ng stars sa kanila — kabilang na roon ang ama at ina ni Andres na pawang mga anak ng industriya rin!!!

minamahal poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sabay na nag-open sa mga sinehan noong Setyembre 24 ang Pinoy films na Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna at The Ride.

Exclusive sa SM cinemas yung The Ride nina Piolo Pascual at Kyle Echarri.

Anim na foreign films ang nag-open din sa mga sinehan that day — One Battle After Another, Afterburn, BTS Movie Weeks, Chainsaw Man The Movie - Reze Arc, Gabby's Dollhouse, at ang exclusive sa Ayala Malls cinemas na Cha Eun-Woo: Memories in Cinemas.

Noong araw ring iyon ay nag-showing ang mga pelikula ng 7th Sinag Maynila indie filmfest sa SM Mall of Asia, SM Fairview, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, Trinoma, Market! Market!, at Gateway Cineplex 18.

Read: Heart Evangelista clarifies complete separation of assets with Chiz Escudero

SINAG MAYNILA 2025

Limang full-length films ang magkakakumpitensiya sa Sinag Maynila 2025 na tatagal hanggang Setyembre 30, Martes.

Ang mga ito ay Selda Tres, Cande, Jeongbu, Altar Boy, at Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok din sa duration ng Sinag Maynila 2025 ang restored versions ng Jaguar ni Phillip Salvador, at Atsay ni Nora Aunor.

Sa kabila ng mga bagyo, nawa’y tangkilikin ng moviegoers ang Pinoy films. Dinadagsa ng mga tao ang mga pelikulang gusto nila.

Dalawang banyagang pelikuka ang rumatsada sa takilya recently, hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide.

Una, ang Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba The Movie — Infinity Castle na nag-showing noong Agosto 20, kasabay ang Pinoy movies na Posthouse at Mudrasta: Ang Beking Ina!.

At ikalawa, yung The Conjuring: Last Rites na nag-showing noong Setyembre 3, kasabay ang Beyond the Call of Duty at Ang Aking Mga Anak.

Sa pagitan ng playdates ng Demon Slayer: Infinity Castle at The Conjuring: Last Rites, nag-showing noong Agosto 27 ang Outside de Familia at Some Nights I Feel Like Walking.

Sabay naman noong Setyembre 10 ang showing ng Magellan at 100 Awit para kay Stella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE CONJURING UNIVERSE

Yung The Conjuring: Last Rites ang ninth installment sa The Conjuring Universe.

Nauna rito ang The Conjuring noong 2013, na sinundan ng Annabelle, The Conjuring 2, Annabelle: Creation, The Nun, Annabelle Comes Home, The Conjuring: The Devil Made Me Do It, at The Nun II.

Pinakamalakas sa mga ito ay ang The Conjuring: Last Rites, na ayon sa Box Office Mojo ay umabot na sa $402M ang worldwide gross. Ang production budget nito ay $55M lamang.

DEMON SLAYER

Mas NKKLK yung Demon Slayer: Infinity Castle na ang production budget ay $20M lamang.

Ang worldwide gross nito ay umabot na sa $559M.

Kinabog pa nito ang pinakamalakas na Marvel movie ngayong 2025 na The Fantastic Four: First Steps.

Read: Marjorie, Claudine mourn the passing of brother Mito Barretto

TOP GROSSINGS FILMS OF 2025

Ayon sa Box Office Mojo, ang worldwide grosses ng pinakamalalakas na movies so far ngayong 2025:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
  1. Ne Zha 2, $1.902B
  2. Lilo & Stitch, $1.037B
  3. A Minecraft Movie, $958M
  4. Jurassic World: Rebirth, $867M
  5. How To Train Your Dragon, $635M
  6. F1: The Movie, $624M
  7. Superman, $615M
  8. Mission: Impossible — The Final Reckoning, $599M
  9. Demon Slayer: Infinity Castle, $559M
  10. The Fantastic Four: First Steps, $521M
  11. Captain America: Brave New World, $415M
  12. The Conjuring: Last Rites, $402M
  13. Thunderbolts, $382M
  14. Sinners, $367M
  15. Final Destination: Bloodlines, $313M
  16. Weapons, $264M
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Stella, the launching movie of Ashtine Olviga and Andres Muhlach, opened in cinemas nationwide on September 24, 2025.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results