Nagbabalik sina Ariel Rivera at Rey Valera bilang mga hurado o Jukebosses ng Sing-Galing: Sing-lebrity Edition, ang video katatawanan singing competition ng TV5.
Para kay Ariel, ang Sing-Galing ang pinakapaborito niya sa lahat ng kanyang mga TV show.
“Thank you so much for supporting our beautiful show,” mensahe ng jukeboss na binansagang "Chief Sing-Patiko."
Read: Jessica Sanchez is America's Got Talent Season 20 winner
REY VALERA ON HITMAKERS
Ang mga kaibigang sumakabilang-buhay ang inalala ni "Sing-Nior" judge Rey nang tanungin ito tungkol sa pagbalik niya bilang isa sa mga hurado ng Sing-Galing.
Saad niya: “Natutuwa ako dahil buhay pa ako kasi alam ninyo naman, di ba?
"Si Hajji [Alejandro], kasama ko yon. Si Rico Puno, kasama ko yon.
"Si Marco Sison, buhay pa yon, saka si Nonoy Zuñiga. Tatlo na lang kaming natitira sa Hitmakers.
"Ngayon, parang balak naming palitan yung pangalan namin, ang tawag na lang namin, The Survivors.
“I was talking about realities ng buhay na akala mo, tayo ang may kontrol sa buhay.”
Read: Kirk Bondad of the Philippines wins Mister International 2025
CELEBRITY EDITION OF SING-GALING
Ang bagong Sing-lebrity edition ng Sing-Galing ang pinakamalaki—48 ang bilang ng mga kasaling contestants.
Kabilang dito sina Patricia Javier, Rufa Mae Quinto, Bobby Andrews, Maui Taylor, Romnick Sarmenta, Nikki Valdez, Troy Montero, Valerie Concepcion, Laila Chikadora, Cedrick Juan, Dominic Ochoa, Gio Alvarez, Andrew Muhlach, Lloyd Samartino, Carmi Martin, Nathalie Hart, Krissha Viaje, Jay Gonzaga, Jeffrey Tam, Meryll Soriano, Leandro Baldemor, Almira Teng, Noel Comia, Chad Kinis, Miss Grand International 2024 CJ Opiaza, at ang broadcaster na si Gus Abelgas.
Maglalaban-laban ang Sing-lebrities para sa kanilang beneficiaries o "bidaficiaries" at sa titulong "Ultimate Bida-oke Sing-celebrity."
Mananatiling mga host o Sing Masters na Sing-Galing: Sing-lebrity Edition sina Randy Santiago, Donita Nose, at K Brosas.
Mapapanood ang Sing-Galing: Sing-lebrity Edition simula sa darating na Linggo, Setyembre 28, 2025.
Read: Heart Evangelista clarifies complete separation of assets with Chiz Escudero
