PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, kinumpirmang annulled na ang kasal nila ni Lian Paz

Paolo, masaya para sa pagpapakasal nina Lian at John.
by PEP Troika
Published Sep 26, 2025
Paolo Contis confirms court granted annulment of his marriage with Lian Paz.
Paolo Contis (left), kinumpirma sa PEP Troika na ilang buwan na silang annulled ni Lian Paz (right). Taong 2012 pa nang maghiwalay sila. At nitong September 25, 2025, ikinasal na si Lian sa longtime partner na si John Cabahug.
PHOTO/S: @paolo_contis / @liankatrina Instagram

GORGY RULA:

Hindi gaanong idinetalye sa akin ni Paolo Contis ang tungkol sa annulment ng kasal nila ni Lian Paz.

Kaagad kong itinanong ito sa kanya nang mag-post si John Cabahug ng wedding photo nila ni Lian noong Huwebes, September 25, 2025.

Read: Lian Paz finally married to John Cabahug

Ikinasal sina John at Lian sa tanggapan ni Mayor Jonkie Ouano ng Mandaue City.

Nasa caption ng Instagram post ni John, kalakip ng white heart and eternity emojis, “I love you forever, Lian."

Kaya kinlaro ko kay Paolo kung kailan lang naibigay ng korte ang annulment na isinumite nila ni Lian.

“Yes,” lang ang sagot ni Paolo.

Ilang buwan lang daw ang nakaraan nang na-grant ng korte ang kanilang annulment.

Matagal din nila itong hinintay, dahil yung unang pag-file nila ng annulment ay na-drop ito ng korte.

Mabuti at naibigay na ito sa kanila sa pangalawang pag-file nila ng annulment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang hearing din ang kanilang nadaluhan bago ito na-grant ng korte.

Noon lamang Agosto naisapubliko na nagkaayos na sina Paolo at Lian, at nadadalaw na ni Paolo ang dalawa nilang anak na sina Xonia at Xalene.

Nalaman ito nang mag-post si Paolo noong nag-birthday si John. Nagpasalamat siya sa kabaitan, magandang pakikitungo sa kanya, at pag-aalaga ni John sa kanyang dalawang anak.

Hiningan ko ng reaksyon si Paolo sa pagpapakasal nina John at Lian. “I’m happy for them,” matipid niyang sagot.

Congratulations kina John at Lian, na finally nangyari na rin ang matagal na nilang hinihintay.

Ang isa pa palang binanggit sa akin ni Paolo ay natuwa raw siyang kaagad na nag-number one trending sa Netflix ang pelikula nilang ConMom ng Mavx Productions.

NOEL FERRER:

Gamit na ni Lian Paz ang apelyidong Cabahug sa kanyang Facebook account.

Nagpadala ng ilang katanungan ang PEP Troika, pero hindi pa siya nakasagot.

Read: Former EB Babe Lian Paz details love story with Cebuano partner, how he accepted her kids

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost niya ang litrato ng panganay niyang anak na si Xonia na nakasalampak sa sahig.

Nagpasalamat siya sa pag-host ni Xonia sa kanilang wedding reception.

Bahagi ng caption nito para kay Xonia, “Your effort, na minsan lang, on this day, your poured it all! You wore dress and sandals you don’t normally do, even when you don’t like the color pink. You made our day, focused on ours for the Lord!”

Lian Paz says daughter Xonia was the host at the wedding reception.
Lian Paz says daughter Xonia was the host at the wedding reception.
Photo/s: @liankatrina IG
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Na-touch din daw si Lian sa mensahe ng isa pang anak na si Xalene para sa kanila ni John.

Lian Paz thanks daughter Xalene for her touching message at the wedding reception.
Lian Paz thanks daughter Xalene for her touching message at the wedding reception.
Photo/s: @liankatrina IG

Ipinost din ni Lian ang kuha nitong naka-wedding gown pa kasama ang dalawa niyang sister-in-law. Kitang-kita sa mukha ni Lian ang sobrang kasiyahan na isa na siyang Mrs. Lian Cabahug.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Lian Paz thanks John's sisters for being her glam team
Lian Paz thanks John's sisters for being her glam team
Photo/s: @liankatrina IG

JERRY OLEA:

Nakaka-good vibes ang balitang kasalan nina Mr. & Mrs. Cabahug, matapos ang September 18 announcement ng hiwalayan nina Julia Barretto at Gerald Anderson, at iyong pag-unfollow nina Jake Cuenca at Chie Filomeno sa Instagram account ng isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya rin tayo na nag-number 1 sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines today, September 26, iyong ConMom na nag-showing sa local cinemas noong Mayo 21, 2025.

Hindi na nag-presscon noon ang ConMom na bida sina Kaye Abad, Paolo Contis, Patrick Garcia, at Empoy Marquez. Nakuha na kasi ito ng Netflix bago pa man mag-theatrical release.

Streaming na rin sa Netflix ang romcom movie na She Said Maybe, kunsaan dalawang beses nabanggit ang “Nepo baby.”

Ang kuwento ng She Said Maybe ay may bahid ng Crazy Rich Asians (2018) at The Princess Diaries (2001). Kung ang main setting ng Crazy Rich Asians ay Singapore, at iyong The Princess Diaries ay sa fictional European principality na Genovia, ito namang She Said Maybe ay sa Istanbul, Republic of Turkiye.

Read: Lian Paz details how Paolo Contis reached out to visit kids

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (left), kinumpirma sa PEP Troika na ilang buwan na silang annulled ni Lian Paz (right). Taong 2012 pa nang maghiwalay sila. At nitong September 25, 2025, ikinasal na si Lian sa longtime partner na si John Cabahug.
PHOTO/S: @paolo_contis / @liankatrina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results