JERRY OLEA:
Mapangahas AF sina Joni McNab at Juan Paulo Calma sa sex-comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee, sa direksyon ni Alejandro “Bong” Ramos.
Nakaka-shookt! Hindi na sila nailang sa mga eksenang puksaan o pokpokan dahil nagkatrabaho na sila sa dalawang pelikula ng AQ Prime, sa La Traidora (2022) at sa hindi pa naipapalabas na Lady Whisper.
Si Direk Bong din ang direktor ng La Traidora. Noon pa man ay nasilayan na ni Joni ang private part ni Juan Paulo sa shooting ng La Traidora, kaya natatawa na lang siya nang mag-hello muli si “junjun” sa isang rehearsal nila para sa Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee.
Nakatalamitam ng PEP Troika sina Juan Paulo at Joni sa rehearsal noong Setyembre 26, 2025, Biyernes ng gabi, sa office ng AQ Prime sa Victoria Sports Tower, EDSA, Quezon City.
Pagbabalik-tanaw ni Juan Paulo, medyo nadarang siya sa sex scene sa unang pelikula niyang Ang Bangkay (2022) na sinulat, idinirek at pinagbidahan ni Atty. Vince Tañada.
Aniya, “Yung parang meron lang akong ano, muntik lang naman yung tumayo. Kasi, yung parang kiliti ko sa gilid.”

Bakit napigil niya ang tuluyang pagtirik ni manoy? “Kasi naturally na din siyang umano, e. Yung nag-ano, nung na-pressure na ako sa lines kahit napakaikli,” tugon ni Juan Paulo.
“Nawala na siyempre, tapos nag-cut-cut. Yun yon. Tapos wala, nung time na yun, hilaw pa ako. Debut ko nga yun, e, yung movie ko na yun.
“Kaya yun, wala talaga. Hindi mo maano sa yo yung l*b*g ba, hindi talaga magbi-build up kung nape-pressure ka.
“Dalawang lines lang yun, ha?! Kaya nga po tinatawanan ako ng direktor ko nun.”
Si Direk Bong ay associate direktor sa pelikulang Ang Bangkay, kunsaan tampok din sina Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, at Mercedes Cabral.
Naulit pa ba iyong pag-iinit ni Juan Paulo habang may karomansahan sa shooting?
“Hindi na. Dahil hindi ko naman pinayagan ang sarili kong mapahiya uli. Kahit papaano, hindi naman sobrang galing, at least, hindi rin naman ano, yung may masasabi agad… yung parang ganun."
Kabilang sa VMX movies ni Juan Paulo ang Kiskisan, Kabitan, 69, Donselya, Pintor, at Paraluman.
Ang unang stage play niya ay Walong Libong Piso, kunsaan alternates sila nina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, at Drei Arias. Nag-frontal nudity siya roon.

Read: Vice Ganda's "kunyari close-close tayo" comment draws speculation
NOEL FERRER:
Masama ba ang loob ni Juan Paulo Calma dahil pinalitan siya ni Jorge Guda sa rerun ng psychological play na Walong Libong Piso?
Mabilis na tugon ng hunk actor, “Hindi, e. Kung choice nila iyon, wala naman po akong ano. Pero ayun, open pa rin po ako sa lahat.”
Ang Walong Libong Piso ay sinulat at idinirek ni Dante Balboa, na co-star ni Juan Paulo sa Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee.
Sa Walong Libong Piso ay mag-isa sa entablado si Juan Paulo sa loob ng humigit-kumulang isa’t kalahating oras.
Ibang-iba ang dynamics niyon kumpara sa Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee na marami siyang kaeksena sa mahigit dalawang oras.
“Kahit papaano, nag-improve na ako. May mga moves ako na nadagdag sa macho dancing scene,” pagsisiwalat ni Juan Paulo.
“Then, another knowledge kasi, yung mga blocking. Nagiging mindful na po ako ngayon, sobra.
“Ayun po ang mga blessing. May mga learning po na additional dito.”
Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa co-actors sa second stage play niya?
“Sobrang sarap po nilang kasama. Kasi, ayun nga, nag-teatro na sila before kaya ako yung mas may natututunan sa kanila,” saad ni Juan Paulo. “Magaan silang ka-work.”
Maliban kina Juan Paulo, Joni, at Dante, nasa cast ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee sina Paul Jake Paule, Dolf Lopez, Mark Monares, Abet Raz, Mika Mendez, Gerald Balbacera, Alfe Alabastro, Alpie Ragmac, at iba pa. Hindi na kasama sa cast sina Andres Vasquez at Julian Roxas.

Read: Annette Gozon-Valdes defends Shuvee Etrata from critics
GORGY RULA:
Straight na macho dancer si Diego, ang karakter ni Juan Paulo Calma sa dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee.
Katorse anyos pa lang si Diego ay pinagpasasaan na ng isang baklang gurang ang kanyang katawan. Sa dami ng karanasan sa kamunduhan, eksperto na sa pakikipagniig si Diego.
Na-internalize ba iyon ni Juan Paulo?
“Pagdating sa sex naman, hindi puwedeng hindi nasa-satisfy iyong ka-partner ko,” napangiting sagot ng hunk actor.
“Siyempre, kailangan po talagang mag-internalize pagdating sa role. So, kung gaganapan ko iyong ganoong karakter na maraming naka-sex, bakit hindi ko gampanan?
“Dahil iyon po talaga ang makakatulong at makakaganda ng pagsasadula namin.”
Ang technical dress rehearsal ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee ay nakatakda sa Setyembre 29, Lunes ng gabi, sa Teatrino sa Promenade, Greenhills, San Juan City.
Strictly invitational ito para sa sponsors, partners, at media. Ang pagtatanghal ay sa Nobyembre 15 at 22, doon din sa Teatrino.
Ang halaga ng tiket ay P2,000 (VVIP), P1,500 (VIP), at P1,000 (regular). Ang dulang ito ay handog ng La FilmAna Media & Prods, Inc.
