PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shookt na aktor, na-ghosting ng nililigawang ka-loveteam

Anong nangyari sa loveteam na inaakala ng marami na muntik maging team real?
by PEP Troika
Published Sep 28, 2025
Shookt na aktor, ghinosting ng nililigawang ka-loveteam
Shookt na aktor, nanligaw sa aktres na ka-loveteam, pero bigo makamit ang oo ng dalaga.
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA:

Matagal nang pinag-usapan ang pagiging malamig ng dating magka-loveteam na sikat na aktor at aktres.

Hopia ang mga fans at mga malalapit sa kanila na magkakatuluyan sila.

Pero pagkatapos ng showing ng kanilang pelikula, wala na tayong balita sa kanilang dalawa. Hindi na sila kasing-close noong pino-promote pa nila ang kanilang pelikula.

Kung anu-ano na ang mga kuwentong naglabasan tungkol sa kanila. Parang mas marami pa ngang alam ang mga fans, pero walang makapagsabi kung ano ba talaga ang nangyari.

Iniiwasan na nilang sagutin kapag natatanong kung magsasama pa sila ulit sa isang film project. Ano ba talaga ang nangyari?

SHOOKT NA AKTOR, NAIWAN SA ERE?

May nasagap ang PEP Troika na isa pang bersyon ng kuwento.

Ayon sa isang reliable source na nagkuwento sa amin, pursigido na raw si aktor sa panliligaw niya kay aktres. Noong nasa shooting sila ay may paandar na regalo si aktor sa ka-loveteam niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan ay nagugulat na lang si aktres na may flowers na nadadatnan niya sa set.

Ipinaparamdam daw talaga ni aktor na nanliligaw siya, at okay naman ang response ni aktres, lalo na’t kailangan nilang i-promote ang kanilang pelikula.

Pero shookt si aktor, dahil pagkatapos ng showing ng pelikula ay tila na-ghosting na siya ni aktres. Dedma na raw ito, hindi na raw siya pinapansin.

JERRY OLEA:

Hindi pa rin daw mawari ni aktor kung bakit nag-iba bigla ang pakikitungo sa kanya ng aktres.

Ano kaya ang nakita o naobserbahan ni aktres sa kanya?

Nagalit na rin daw si aktor. Ginamit lang ba siya ng dating ka-loveteam? Hanggang sa ngayon ay palaisipan pa rin kung bakit na-ghosting si aktor.

NOEL FERRER:

Cause and effect. Batas ng Karma ba ang umiral dito?

Sabi nga, “Every action, thought, or word has an equal and corresponding reaction.” What goes around comes around. E, di ba, na-ghosting din ni aktor ang isang singer-actress na hopia na magiging magkasintahan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumbaga, iyong ginawa ni aktor kay singer-actress, dinanas lang niya sa naka-loveteam na aktres.

PEP BLIND ITEMS:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shookt na aktor, nanligaw sa aktres na ka-loveteam, pero bigo makamit ang oo ng dalaga.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results