PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joni McNab, may nakaeksenang aktor na walang plaster

Joni McNab: "Kasi, kung mag-iinarte ka pa, wala pong mangyayari."
by PEP Troika
Published Sep 28, 2025
Joni McNab shares experiences in shooting sexy scenes
Joni McNab, hindi naranasang mabastos sa mga shooting ng sexy scenes: "Nasa girl din po yun, e, kung ii-entertain mo yung the way kung paano mag-initiate yung guy or kung sino man yung magiging partner mo."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Isang pugad, tatlong ibon! Ka-foursome ni Joni McNab ang tatlong hombre sa sukdulan ng sex comedy play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee (ABNMRL).

Ipinagkibit-balikat iyon ng sexy star nang makapanayam ng PEP Troika sa rehearsal ng dula noong Setyembre 26, 2025, Biyernes ng gabi sa office ng AQ Prime sa Victoria Sports Tower, EDSA, Quezon City.

Read: Juan Paulo Calma, hindi nailang sa frontal nudity sa bagong play

“Matagal na ho akong nanahimik sa stage play. Last year ko pa po ginawa yung Room 448 sa San Sebastian College sa Manila,” lahad ni Joni.

“Parang mas na-excite po ako sa bagong play dahil kakilala ko na po iyong ibang cast, pati yung direktor [Alejandro “Bong” Ramos].

“Magaan din naman sa akin yung work load. Kasi, andiyan si Direk, nagga-guide sa amin.

“And also yung SM [stage manager] namin, nandiyan, na kinokorek kami lalo sa mga blockings, andaming ikut-ikot!”

Nakatrabaho ni Joni si Direk Bong sa pelikulang La Traidora, na nag-streaming noong 2022 sa AQ Prime. Kapartner niya roon si Juan Paulo Calma na kasama rin sa dulang ABNMRL.

May isa pa silang movie ni Juan Paulo na hindi pa nare-release, yung Lady Whisper na prinodyus din ng AQ Prime.

JONI MCNAB ON DOING A PLAY

Pakiwari ni Joni, iyong kapangahasan niya sa La Traidora, nadoble sa ABNMRL.

“Iba po pag live. Sa mga makakapanood ng play, baka ma-scare sila at isipin, paano kaya namin nagawa iyon?” natatawang sambit ni Joni.

“Habang nire-rehearsal mo kasi, pag love mo iyung ginagawa mo, mag-e-enjoy at mag-e-enjoy ka lang sa ginagawa mo.”

Maliban kina Joni at Juan Paulo, nasa cast ng ABNMRL sina Paul Jake Paule, RR Lo, Dante Balboa, Mark Monares, Mika Mendez, Gerald Barbacena, Alfe Alabastro, Alpie Ragmac, Abet Raz, Kate Arguelles, Bernard Laxa, Skelly Skelly, Tonny Abad, at Ricjun Aguilera.

“New environment, new friends,” pakli ni Joni.

“Tapos, ang maganda po dito, after rehearsal, nagkaka-bonding pa po kami outside para mas makilala namin ang isa’t isa, para matanggal iyung kaba namin na magkakaeksena.

“Hindi lang po yung co-actors ang ka-bonding kundi pati po sina Direk Bong, Papa Doms [Almoete].

“Pag break time po, parang walang nangyari. Kain-kain po kami, tapos nagtatawanan. ‘OK, break, 20 minutes!’ After 20 minutes, seryoso po ulit.”

JONI MCNAB ON MALE CO-STARS

Mas daring nga ba ang mga lalaki kesa sa mga babae sa cast ng ABNMRL?

“Parehas lang po. Ang ipinagkaiba lang po, mas maraming guys ang nag-frontal unlike sa girls,” sey ni Joni.

Nag-rehearse na ba sila na nag-frontal ang guys?

“Ay! Andoon na po! Nagpa-polish na lang po kami ngayon,” sabi ni Joni.

Kumusta nang makita niya ang private parts ng mga lalaki?

“Actually po, nagtatawanan lang po kami!”

Nakita niya siyempre ang private part ng ka-partner na si Juan Paulo sa rehearsal, at tawa lang daw sila nang tawa sa eksena.

“Tapos ayun po, bigla pong… nahihiya pa nga po yung gaganap bilang Drei, si Alfe and Paul Jake po,” pagsisiwalat ni Joni.

“Magka-alternate po sila. So, parang ayun, nagkakahiyaan pa. Kaya tawa lang kami nang tawa.”

Nagkakahiyaang paano?

“Nagkakahiyaan kasi siyempre po, first time po nila akong maka-work. First time ko rin po silang na-meet,” paliwanag ni Joni.

“Ang galing po ni Paul Jake. Sobrang sport naman po niya sa pagga-guide niya sa amin. Sobrang batikan na niya sa teatro.”

Read: Vice Ganda's "kunyari close-close tayo" comment draws speculation

NOEL FERRER:

Noong 2022 nagsimulang magpa-sexy si Joni McNab sa AQ Prime.

“After that, huminto po ako nang isang taon sa pagpapa-sexy. I was hoping na makakabalik po ako in pageant,” lahad ni Joni.

Nakasama si Joni sa pelikulang Lola Magdalena ni Direk Joel Lamangan. Maikli ang papel niya bilang ka-triangle nina Carlo San Juan at Pia Moran pero tumatak iyon kahit paano.

Afterwards ay napunta siya sa CinePop, kung saan marami-rami na ang nagawa niyang vertical short films.

In-offer sa kanya ang papel na Lorelei sa Ang Baklang

Nangarap Maging Ricky Lee.

Ni-recruit niya ang mga kasamahan sa CinePop na sina Mika Mendez at RR Lo para sumali sa nasabing dula na sinulat nina Abet Raz at Alejandro “Bong” Ramos.

Naiilang pa rin ba siya sa pagpapa-sexy?

“Hindi naman po. Depende na lang po kung paano i-approach ng magiging kaeksena ko po,” tugon ni Joni.

May naka-girl-to-girl na siya. Sa mga nakaeksena ba niya, meron na bang nag-take advantage sa kanya?

Iyong pakiwari niya, nabastos siya?

“As of now, wala po, e. At hindi po talaga mangyayari yun. Nasa girl din po yun, e, kung ii-entertain mo yung the way kung paano mag-initiate yung guy or kung sino man yung magiging partner mo,” pagmamatwid ni Joni.

“Nasa sa iyo pa rin po iyon kung papansinin mo. Kung pinansin mo, mangyayari iyung hindi dapat.

“Ako po kasi, work is work lang po talaga. So, after cut, OK, bitaw. Don’t touch. Ganun po.”

Read: Annette Gozon-Valdes defends Shuvee Etrata from critics

GORGY RULA:

Sabi ni Joni McNab, naramdaman niyang nadarang si Juan Paulo Calma nang magkatrabaho sila noon sa pelikulang La Traidora.

“Nag-sorry naman po siya,” sey ni Joni.

“Iyon naman po, kasi, kita sa mukha ko yung reaction, e. Sasapakin ko na po sana, e! Ha! Ha! Ha!”

Afterwards ay behaved na raw si Juan Paulo. May iba pang nakaeksena niya na tinigasan din pero dedma na lang siya.

“Nagsasabi ako, e, sa direktor na ganito po siya, ganito po, ganyan.”

Naka-plaster sila pareho ng kaeksena niya sa shooting?

“Yes po. Pero nasubukan ko na rin po, may naging kaeksena na rin po ako na wala pong plaster yung guy,” pagtatapat ni Joni.

“Nakalimutan ko na yung name niya. Hindi ko na siya matandaan. Basta, sa CinePop iyon.

“Nagtanong kasi sa akin iyung direktor kung OK lang ba. Kasi, iyung guy, hindi sanay mag-plaster. ‘OK lang naman po,’ sabi ko.

“Para matapos na, di ba po? Kasi, kung mag-iinarte ka pa, wala pong mangyayari. At para po sa akin, it’s an art.

“So, wala pong malisya sa akin iyun.”

Anong sabi niya nang telagan iyong kaeksena niyang walang plaster?

“Sabi ko sa kanya, ‘Thank you, bye!’ Ha! Ha! Ha! Feeling ko, siya ang natakot, e! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi, ang tingin niya sa akin, para akong Amazona na mananapak! Di ba po? So, talagang tinitigan ko po siya! Ha! Ha! Ha! Ha!

“After that, hindi ko na siya naging partner ulit.”

Ang TDR (technical dress rehearsal) ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee ay nakatakda bukas, Setyembre 29, Lunes ng gabi, sa Teatrino sa Promenade, Greenhills, San Juan City.

Strictly invitational ito para sa sponsors, partners, at media.

Ang pagtatanghal ay sa Nobyembre 15 at 22, doon din sa Teatrino. Ang halaga ng tiket ay P2,000 (VVIP), P1,500 (VIP), at P1,000 (regular).

Ang dulang ito ay handog ng La FilmAna Media & Productions, Inc.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joni McNab, hindi naranasang mabastos sa mga shooting ng sexy scenes: "Nasa girl din po yun, e, kung ii-entertain mo yung the way kung paano mag-initiate yung guy or kung sino man yung magiging partner mo."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results