PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kagandahang Aktres, nali-link ngayon sa Influential Personality

Kagandahang Aktres, mga sosyal at influential ang bagong kabarkada.
by PEP Troika
Published Sep 29, 2025
blind item kagandahang aktres
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Pinoproblema si Kagandahang Aktres ng kanyang management team dahil sa bagong grupo ng mga kaibigang sinasamahan niya.

Mas sosyal daw at mas maimpluwensiya ang mga kasama ni Kagandahang Aktres sa madalas niyang paglabas.

Hindi naman sinabi ng aming reliable source kung nepo babies ba ang kabarkada ni Kagandahang Aktres, pero may ilang kilala at maimpluwensiyang personalidad ang ka-bonding niya nowadays.

Read: Vice Ganda's "kunyari close-close tayo" comment draws speculation

INFLUENTIAL PERSONALITY DATING KAGANDAHANG AKTRES?

Kaibigan daw ang mga ito ni Influential Personality na nali-link kay Kagandahang Aktres ngayon.

Hindi namin sure kung sila na, dahil magkakaiba ang sinasabi ng aming mga reliable source.

Basta pagkatapos daw sa isang masalimuot at kontrobersiyal na relasyon, mas bonggang grupo itong pinasok ni Kagandahang Aktres.

Kaya lang, ang tigas na raw ng ulo ni Kagandahang Aktres. Hindi na sumusunod sa manager at handler.

Read: Ryan Bang’s fiancee announces closure of her cafe; netizens react

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Kumikirut-kirot!

Sumasakit ang ulo ng management team niya dahil party nang party raw si Kagandahang Aktres.

Mas sosyal na siya ngayon at marami ang nagtataka sa kakaibang charm ni Kagandahang Aktres. Ang daming nahaharuyo sa kanya.

Hindi lang namin sigurado kung sila na ni Influential Personality na nali-link sa kanya.

Kung patuloy na mag-focus si Kagandahang Aktres sa mga sosyal niyang friends at kung party ever na lang siya lagi, paano na ang career niya?

Malalaman natin kung masusundan ng panibagong project si Kagandahang Aktres pagkatapos ng series niyang umeere pa.

Dapat mag-behave muna si Kagandahang Aktres at makinig sa ipinapayo ng mga taong nagha-handle sa kanyang career.

Read: Alexa Miro confirms Sandro Marcos was her boyfriend for 5 years

NOEL FERRER

Naku, naku, matagal na nating pinagsasabihan si Kagandahang Aktres na sayang, gusto pa sanang matuto sa pag-arte raw, pero sa ibang kaartehan siya nakikilala.

One boylet after another ang drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sad lang, laging nauuwi sa paghihiwalay ang mga relasyon niyan. Laging nagkakaroon ng komplikasyon.

Bakit kaya nalilinya ang artistang ito sa high-profile boys na pawang iniiwan siya pagkatapos pagsawaan?

Hayyyy naku…

Read: Carla Abellana reacts to Tom Rodriguez fathering a child

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results