PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine, Jaya, Lani magsasanib-puwersa sa pangmalakasang concert

Jaya and Lani: “Itaga natin yan sa batobalani! Antabayanan niyo po!”
by PEP Troika
Published Sep 30, 2025
regine jaya lani concert
The long wait is over: the highly anticipated concert of (from left) Regine Velasquez, Jaya, and Lani Misalucha is finally set to happen in 2026.

NOEL FERRER

Maraming nagdarasal na mangyari ito.

Marami na ring memes na lumutang last weekend — at sana sa wakas, magsasama-sama na ang puwersang magtatapos ng ating lungkot at paghihirap.

Pag-iipunan ko itong tiyak.

Ito ay ang pinakaaabangang pagsasanib-puwersa nina Asia’s Songbird Regine Velasquez, Queen of Soul Jaya, at Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Read: Ellen Adarna denies claim on why she did not marry John Lloyd Cruz

jaya regine lani meme
A fan-made meme of Jaya, Regine, and Lani
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE LONG WAIT IS FINALLY OVER

Nakausap ng PEP Troika sina Jaya at Lani sa napaka-successful na konsiyerto ni Dulce na Waging-Wagi! noong weekend.

Sabi ni Jaya, “Meron kayong hihintayin.”

Dugtong ni Lani: “Antabayan niyo po, magaganap na po ang hinihintay ninyong lahat.

"Pag nagsanib po kaming tatlo, mawawala na po yang baha na yan at lahat ng involved sa baha, mawawala na. Magbabagong buhay!”

Dagdag ni Jaya, “Regina, naririnig mo ba? Basta sana next year!”

At sabay nilang sinabi, “Itaga natin yan sa batobalani! Antabayanan niyo po!”

Ayon sa isang kaibigan ni Regine, ang reaksiyon ng Asia's Songbird sa pangarap na konsiyerto ng kanyang SOP-mates ay, “It’s time!”

Tuluy-tuloy naming ipagdarasal na maisakatuparan ang konsiyerto na ito sa lalong madaling panahon!

Read: Chiz Escudero names Martin Romualdez as flood scam mastermind

GORGY RULA

Kaabang-abang ang pagsasanib nina Songbird, Nightingale, at Soul.

Pero tiyak may mga mema diyan na, 'Bakit isinama si ganyan kay ganyan? Dapat nandiyan si ganyan dahil mas may karapatan si ganito kesa kay ganyan!'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin maiwasang pagkumparahin silang tatlo.

Pero mabuti at magkakaibang style sila, at magkaibigan talaga sila, kaya mahirap silang pag-intrigahin.

I-enjoy na lang natin ang kanilang mga awitin at ngayon pa lang ay pag-iipunan na ito ng kanilang mga.

Buhay na buhay na talaga ang live shows, at kahit sa hirap na pinagdaanan natin ngayon, may inilalaan talaga para sa ating entertainment.

Bukod kina Regine Velasquez, Lani Misalucha at Jaya, sana ay may mga bago tayong mapapanood sa mga Valentine’s show next year.

Bakit hindi pabalikin uli si Dulce pagkatapos ng Waging-Wagi? This time ay talagang Ako Ang Nagwagi na ang title ng susunod niyang concert?

Read: Ralph Tulfo, may pahayag sa viral P6.7M bill na binayaran sa Las Vegas club

dulce waging-wagi concert
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GIVE CHANCE TO NEW BREED OF PERFORMERS

Bakit hindi bigyan ng chance makapag-show ang iba pang magagaling talaga na madalas ay nagge-guest lang sila?

Kagaya nina Arman Ferrer, Lara Maigue, at kahit si Kyle Echarri na magaling ding mag-perform.

Sana, bigyang-daan ding makapag-perform ang mga baguhan pero promising na singers na nagpo-promote ngayon ng kanilang single.

Kagaya nina Isha Ponti na may bagong single na "Dyahe," Andrea Gutierrez na kakaiba rin ang style sa single niyang "Naghihintay," at si Jimsen Jison na kare-release lang din ng single niyang "Isang Bote Ka Lang."

isha andrea jimsen
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Kapwa panauhin sina Lani Misalucha at Kuh Ledesma sa 50th anniversary concert ni Nonoy Zuñiga na Beyond Gold: Songs of A Lifetime noong Setyembre 5 sa Newport Performing Arts Theater.

Pero hindi sila nagsabay kumanta. Naka-duet ni Nonoy sila pareho.

kuh ledesma lani misalucha concert
Kuh Ledesma and Lani Misalucha
Photo/s: Courtesy of Jemuel Salterio
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aba! Totoo ba ang naulinigan ko na may repeat ang Beyond Gold sa Disyembre 9?

Meron kaya ritong Kuh-Lani moment? O magge-guest na rito ang sinuman kina Vice Ganda, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, at Pops Fernandez?

Read: Ryan Bang’s fiancee announces her cafe is closing soon; netizens react

nonoy zuniga concert
Nonoy Zuniga
Photo/s: Better Click Studio Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakamatagumpay rin ng comeback concert ni Lani Misalucha na Still Lani noong Agosto 21 sa The Theatre at Solaire, at abang-abang tayo kung may repeat ito next year.

lani misalucha concert
Lani Misalucha
Photo/s: Edwin Del Campo

Bet natin ang Kuh-Lani concert.

Solb din tayo sa RegLa (Regine Velasquez + Lani Misalucha), kalahok man o hindi si Jaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre pa, hopia tayo na makapanood ng Love, Sessionistas: The Repeat sa Oktubre 18, sa The Theatre at Solaire.

Aba! Magta-transform sina Ice, Juris, Nyoy, Sitti, Kean, Princess, at Duncan into Huntrix and Saja Boys.

For sure, makaka-relate ang ardent fans ng KPop Demon Hunters.

Bongga kung meron silang pa-"Golden" at pa-"Soda Pop"!

sessionistas concert
Sessionistas: (from left) Duncan Ramos, Nyoy Volante, Kian Cipriano, Sitti, Ice Seguerra, Juris, and Princess Velasco.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Speaking of Isha Ponti and Andrea Gutierrez, introducing sila sa Chad Borja: All That Sound concert na nakatakda sa Nobyembre 28 sa Music Museum.

Special guests ni Chad sa naturang comeback concert ang Apo Hiking Society at si Marco Sison.

Read: Rita Daniela, may pa-hard launch sa bagong boyfriend

chad borja concert

MAKI'S KOLORCOASTER CONCERT

Si Maki, magpapakitang-gilas sa KOLORCOASTER concert sa Nobyembre 7, Biyernes, sa Araneta Coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sold out na ang patron, lower box, at upper box tickets ng concert na ito ni Maki. Available pa ang moshpit at gen ad sa Tickenet.

Sunud-sunod ang achievements ni Maki.

Ang debut album niyang KOLORCOASTER ay namayagpag sa iTunes Philippines.

maki kolorcoaster
Maki

Bahagi ng Facebook post ni Maki noong Setyembre 18: “we’re actually dropping the album we’ve been working on nonstop for the last two years later, 12 midnight

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“this album might be the most challenging thing I ever did in my life but also the most fulfilling one.

“God knows how much me and everyone who helped create this project, worked hard and gave pieces of our hearts inside this album, this story, this world…”

Bukod sa iTunes PH, nakapasok din ang KOLORCOASTER sa iTunes Qatar, UAE, Kuwait, Singapore, Oman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa ika-10 puwesto rin ito sa Spotify Top Album Debut Global at nakapasok sa Top 10 albums ng Apple Music Philippines habang lahat ng album tracks nito ay nasa Top 200 songs.

Kasabay ng album release, umarangkada si Maki bilang third most streamed OPM artist sa Spotify Daily Top Artist Philippines.

Naglalaman ng iba’t ibang kulay at kuwento ng pag-ibig ang KOLORCOASTER na may sampung awitin tampok ang mga bagong kanta na “turning green,” “INDIGO (with u),” “Nangungulila,” “itim na ulap,” “Abelyana,” “ROYGBIV,” at hit songs na “Dilaw,” “Namumula,” “Bughaw,” at “kahel na langit.”

Si Maki mismo ang nagsulat ng album na iprinodyus nina Shadiel Chan, Jovel Rivera, at Nhiko Sabiniano sa tulong nina Jacob Clemente at Tati de Mesa.

Nanguna ang “Abelyana” sa Spotify New Music Friday Philippines habang tampok ang “INDIGO (with u)” sa Spotify New Music Friday Singapore, Malaysia, Thailand, Hong Kong, Taiwan, Vietnam, Indonesia, Korea, at Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Selena Gomez and Benny Blanco are now married

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The long wait is over: the highly anticipated concert of (from left) Regine Velasquez, Jaya, and Lani Misalucha is finally set to happen in 2026.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results