JERRY OLEA
Best actor si JM de Guzman sa 7th Sinag Maynila indie filmfest para sa pelikulang Selda Tres na idinirek ni GB Sampedro.
Ano ang maipapayo niya sa sarili sa moment na iyon ng kanyang tagumpay?
“Keep it up,” sabi ni JM matapos ang awards ceremony ng Sinag Maynila 2025 noong Setyembre 28, Linggo, sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
“Keep your head up always. And huwag kang mawawalan ng pag-asa na makamit iyung dreams mo and goals in life.”
Read: Ellen Adarna denies claim on why she did not marry John Lloyd Cruz
Kapag tumatanggap siya ng award o recognition, paano niya iyon pino-process?
“Actually, pinag-uusapan po namin ni Direk GB kanina, na yung pagpunta nga dito kung anong ine-expect namin,” tugon ng Kapamilya actor.
“Sabi namin, wala kaming ine-expect at all. Kasi, before meron na rin akong mga sinalihang festivals na ibinuhos ko ang lahat ko, feeling ko mananalo ako, nag-expect ako.
“Na-depress lang ako after.
“So ngayon, ever since na nangyari yun, pag pumupunta ako ng festivals, hindi ako nag-e-expect.
“Nandoon lang ako to support our team, our film. And kanina nagulat talaga ako na… pramis, walang biro!
“Kasi, yun talaga.”
7TH SINAG MAYNILA WINNERS
Nakamit din ng Selda Tres ang Audience Choice Award.
Samantala, ang best actress ay ang Kapuso na si Rita Daniela para sa pelikulang Madawag ang Landas Patungong Pag-asa na idinirek ni Joel Lamangan.
Natamo rin ng Madawag ang Landas Patungong Pag-asa ang parangal sa mga kategoryang best film, best production design (Jay Custodio), best screenplay (Eric Ramos), at best music (Von de Guzman).
Wagi naman ang horror movie na Jeongbu sa mga kategoryang best director (Topel Lee), best editing (Crishel G. Desuasido, RIP), best cinematography (AB Garcia), at best sound (Nerikka Salim, Immanuel Verona).
Ang founders ng Sinag Maynila ay sina Direk Brillante Mendoza at Sir Wilson Tieng.
Read: JM de Guzman at Rita Daniela, big winners sa 7th Sinag Maynila

NOEL FERRER
Ang tatlong hurado para sa full-length films ng Sinag Maynila 2025 ay sina Direk Zig Dulay, Direk Baby Ruth Villarama, at Tito Valiente.
Ano kaya ang nakita ng tatlong hurado para si JM de Guzman ang piliing best actor? Ano kaya sa performance niya ang impressive?
“Hindi ko nga rin po alam! Tinanong ko rin sa direktor ko, ba’t ako nanalo?!” bulalas ni JM.
“Sabi niya, e, kasi, ano daw, sabi niya — napag-mix ko daw yung love, yung action, yung drama and comedy doon sa film.
“Baka po iyon.”
Hindi binanggit ang nominees sa mga kategorya sa full-length films.
Kabilang pa sa mga bidang aktor sa 7th Sinag Maynila sina Cesar Montano ng Selda Tres, Aljur Abrenica ng Jeongbu, Albie Casiño at Jak Roberto ng Madawag ang Landas Patungong Pag-asa, Gian Pomperada at Jan Junash Delima ng Cande, at Mark Bacolcol ng Altar Boy.
Read: Chiz Escudero names Martin Romualdez as flood scam masterm
GORGY RULA
Sa presscon ng Selda Tres noong Setyembre 19 sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City, inilahad ni JM de Guzman kung paano siya naka-relate sa kanyang role sa pelikula.
'Ipinagtapat din niya iyong struggle niya nang gawin ang pelikulang Adik Sa ‘Yo (2023) with Cindy Miranda.
May adhikain ba siya kaugnay sa mental health sa bawa’t pelikula?
“Ever since po noong nangyari sa akin iyung mga nangyari sa akin sa past ko, naging advocacy ko na talaga iyon,” pagtatapat ni JM.
“Na sa bawat pelikulang ginagawa ko, ino-offer ko siya kay God para talagang lumabas yung best ko.
“Kasi, wala naman tayong pipitsuging ibibigay pag sinabi natin na, ‘Ino-offer ko ito sa Iyo, Lord.’
“Hindi puwedeng mediocre yan. At your best ka dapat.
“So, gusto kong makita ng sinumang mga tao na nandoon din sa pinagdaanan ko, na kaya mong bumangon muli at ibigay ang best mo ulit sa chosen field of work mo.
“Kahit hindi acting, kahit saan, puwede kang mag-bounce back. Hindi ka puwedeng ma-judge ng kahit na sinong tao dahil nagkamali ka lang naman.”
Read: Escudero, Villanueva, Estrada, Revilla face prosecution over flood control mess
