JERRY OLEA
For adults only sa salita, diwa, at gawa ang three-act play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee (ABNMRL).
Sa technical dress rehearsal (TDR) ng sex-comedy play noong Setyembre 29, Lunes ng gabi, sa Teatrino ng Promenade, Greenhills, San Juan City, nag-frontal nudity si Mark Monares.
Nakailang butt exposure si Juan Paulo Calma, na meron ding daring scene just like Paul Jake Paule, Dolf Lopez, Gerald Barbacena, and Bernard Laxa.
Ang alternate ni Paul Jake bilang Drei ay si Alfe Alabastro, na naturalmente magtatalop din.
Babad ang pa-two piece ni Joni McNab bilang pokpok na ayaw umibig. Pasilip-silip ang panty ni Mika Mendez.
Read: Regine, Jaya, Lani magsasanib-puwersa para sa pangmalakasang concert

DANTE BALBOA AS "RICKY LA"
Kasama sa ABNMRL ang dating sexy actor na si Dante Balboa bilang Ricky La, ang septuagenarian scriptwriter na forever second fiddle sa National Artist na si Ricky Lee.
“This is my comeback acting piece… Yung role ko dito, parang si Ricky Lee na mentor ni Drei [Arias], yung bida,” wika ni Dante.
“Dalawa kaming mentor. Ang isa pa, si Yaya Belle. Para kaming angel and devil. Ako yung good side, yung Yaya Belle yung bad side. Parang ganun.”
Na-challenge si Dante sa mahahabang linya sa dula.
“OK lang, challenging, sanay naman ako. Kasi, theater actor din naman ako before. I’ve done more than 20 plays before,” sabi ni Dante.
Hindi siya naghubad sa ABNMRL. Wala siyang erotikong eksena.
Naghubad na ba siya before sa entablado?
“Partial-partial, like sa Habang May Nawawalang Lalaki sa Dilim ng Gabi. Naghubad-hubad ako doon,” salaysay ni Dante.
“May ginampanan na akong macho dancer, yung Pamhinta [2003] sa CCP dati. Ako yung bida sa Pamhinta. Sa akin umikot yung mundo ng iba’t ibang characters doon.
“Yung tina-tackle dito na HIV, yung role ko doon before, nagkaroon ng HIV tapos hindi alam kung sino ang mga nahawaan ko doon, et cetera.
“Tapos sa Three Rats. Two version kasi ang Three Rats, e. Meeong sexy, merong nakadamit.”
Nakasama rin si Dante sa mga dulang Tahanan Kong Mundo, Macario Sakay, Passion of The Christ, Hamlet Redux, Tatarin, Maynila... Mga Kuko ng Liwanag, Huwag Mo Akong Salingin, at Mabini: Utak ng Himagsikan.
Itatanghal ang dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee sa Nobyembre 15 at 22 doon din sa Teatrino.
Ang direktor nito ay si Alejandro “Bong” Ramos, na katuwang si Abet Raz sa pagbuo ng script.
Handog ito ng La FilmAna Media & Productions, Inc.
Nasa cast din nito sina Alpie Ragmac, Abet Raz, Kate Arguelles, Skelly Skelly, Tonny Abad, at Ricjun Aguilera.
Read: Ricky Lee explains why it's wrong to say "wala nang pag-asa" amid flood-control controversy
GORGY RULA
Nag-butt exposure si Dante Balboa sa mga pelikula niya, maging sa ilang dula. If ever, ready pa rin ba siyang mag-butt exposure sa entablado?
Mabilis na tugon ni Dante: “Yes! Why not, oo. Kaso, wala sa ano yung katawan ko ngayon. Pero pag bumalik ako sa pagdyi-gym, why not, di ba?
“That’s part of ano, e, acting. Wala naman akong inhibitions sa ganyan. Basta ako, go lang ako.
“Ako, motto ko sa buhay — kahit naghuhubad, basta nandoon iyong respeto.”
WALONG LIBONG PISO RERUN
Si Dante ang writer-director ng psychological play na Walong Libong Piso, na naka-12 performances noong nakaraang Agosto sa Teatrino.
Nag-frontal nudity roon sina Jhon Mark Marcia at Juan Paulo Calma, samantalang nag-butt exposure sina Paolo Gumabao at Dreo Arias.
If ever, keri ba niyang mag-frontal nudity sa stage play, siya man o hindi ang writer o direktor?
“Yes, yes, why not?! Why not, di ba?” napangiting sagot ni Dante.
“Pero ang gusto ko lang talaga, sinisigurado ko na iyong project is legit. Kasi alam mo naman, di ba, lahat ng project parang merong dalawang faction.
“May nauuwi sa lehitimo, may nauuwi sa parang hindi. Di ba? Kapag lehitimo iyan, go!”
May rerun ang Walong Libong Piso sa Nobyembre 29, at Disyembre 5, 12, at 19, 2025, doon pa rin sa Teatrino.
Read: Ellen Adarna denies claim on why she did not marry John Lloyd Cruz
NOEL FERRER
May mga nag-aagam-agam na baka mabastos si National Artist Ricky Lee sa three-act play na Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee.
“Hindi. Kasi, yun nga, of all the characters dito, yung character ni Ricky La yung pinaka-decent,” paniniguro ni Dante Balboa.
“Siya yung pinaka-decent. Kumbaga, alter ego siya nung bida pero iyung lahat ng lumalabas sa bibig niya, yung good side.
“Iyong Yaya Belle yung medyo devil side, e, parang ganun. Devil’s advocate. Pero ako naman, tagapayo ako on the good side.”
RICKY LEE BOOK LAUNCH
Siyanga pala, ilulunsad din sa 21st Cinemalaya indie filmfest ang dalawang aklat ni Sir Ricky na Agaw-Tingin at Pinilakang Tabing.
Nakatakda iyon sa Oktubre 11, 2025, Sabado ng 5:00-7:00 P.M. sa Cinema 2 ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Pagkatapos ng book launch ni Sir Ricky, ipapalabas naman by 8:00 P.M. sa Cinema 1 at Premiere Theater ng Shangri-La Plaza ang closing film ng Cinemalaya 2025 na Kakabakaba Ka Ba? (1980) ni Mike de Leon.
Sa Oktubre 11 din ang 48th Gawad Urian, kung saan kabilang sa limang nominadong screenplay ang Green Bones nina Ricky Lee at Anj Atienza.
Read: Annette Gozon-Valdes defends Shuvee Etrata from critics
