PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bubble Gang at Daig Kayo ng Lola Ko, umariba sa ratings

Ciala Dismaya, nagbalik sa Bubble Gang kasama si Cornee Dismaya.
by PEP Troika
Published Sep 30, 2025
tv ratings michael v will ashley alexa
(From left) Michael V returns as Ciala Dismaya in a sketch for Bubble Gang; Will Ashley leads the cast of the "Best Friends Forever" episode of Daig Kayo ng Lola Ko; and Alexa Mendoza wins Idol Kids Philippines.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Natapat pala sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang finals ng Idol Kids Philippines kaya hindi ganoon kataas ang rating ng Kapamilya singing competition noong Linggo, September 28, 2025.

Nag-trending sa X (dating Twitter) ang singing competition na ito ng Kapamilya network kung saan nagwagi si Alexa Mendoza.

Read: Alexa Mendoza wins Idol Kids Philippines

Ang buong akala namin ay mataas ang rating ng Idol Kids Philippines at puwede nitong talunin o dumikit man lang sa The Voice Kids ng GMA-7.

Naka-5.1% lang ang Idol Kids Philippines, at ang katapat na KMJS ay 15.8%.

alexa mendoza idol kids champion
Idol Kids Philippines grand winner Alexa Mendoza
Photo/s: Kapamilya Channel YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEPTEMBER 28 RATINGS

Narito ang ratings ng ibang mga programa noong September 28, kung saan medyo mababa ang viewership.

Ang All-Out Sundays ay 2.7%, at ang ASAP Natin ‘To ay 1.8%.

Ang Regal Studio Presents ay 2.7%, na sinundan ng Atom Araullo Specials na 2.6%. Nakatapat nito ang Sunday Blocktimer na 0.9%.

Ang FPJ Sa GMA ay naka-4.5%.

Pagdating sa primetime ay naka-7.5% ang 24 Oras Weekend.

Ang katapat nitong TV Patrol Weekend ay 1.2%, at ang Frontline Pilipinas Weekend ay 0.7%.

Sumunod ang Bubble Gang, na medyo tumaas dahil siguro sa Ciala Dismaya sketches na mas nakakatawa pa ngayon. Naka-8.9% ito.

ea guzman michael v
EA Guzman as Cornee Dismaya and Michael V. as Ciala Dismaya in Bubble Gang
Photo/s: Bubble Gang Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo ay 1.3%.

Ang The Voice Kids naman ay naka-11.4%, at ang Rainbow Rumble ay 2.5%.

Ang The Boobay And Tekla Show ay 3%.

Read: Regine, Jaya, Lani magsasanib-puwersa para sa pangmalakasang concert

NOEL FERRER

Noong Sabado, Setyembre 27, ay sumampa na uli sa 6% ang It’s Showtime. Ang Eat Bulaga! ay 3.6%.

Sumunod ang My Father’s Wife na 6.9%. Ang Tadhana ay 6.3%, at ang Wish Ko Lang ay 5.1%.

Okay naman ang Maka Lovestream na naka-4.1%.

Sumunod ang 24 Oras Weekend na naka-7.7%, at TV Patrol Weekend ay 1.4%.

Ang Pepito Manaloto ay 8.4%, at ang Rainbow Rumble ay 3.2%.

Medyo bumaba ang Stars on the Floor na naka-8% dahil sa Idol Kids Philippines siguro na 6.5%.

Sumunod ang Magpakailanman na 7%, at ang MMK naman ay 2.6%.

Medyo tumaas naman ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-5.6%.

Nakatulong siguro rito ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ex-housemates na sina Will Ashley, Vince Maristela, at AZ Martinez na bida sa bagong episode na ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Nicole Kidman, Keith Urban split after 19 years of marriage

daig kayo ng lola ko
PBB Celebrity Collab housemates Will Ashley, AZ Martinez, and Vince Maristela led the cast of Daig Kayo ng Lola Ko episode last September 28.
Photo/s: Daig Kayo ng Lola Ko Facebook

JERRY OLEA

Noong Biyernes, September 26, ay bongga pa rin ang ratings ng afternoon shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang It’s Showtime ay 5.7%, at ang Eat Bulaga! ay 3.8%.

Sumunod ang My Father’s Wife na papataas dahil patapos na ito.

Papalitan ito ng Hating Kapatid ng Legaspi family simula sa October 13.

hating kapatid

Naka-7.5% ito, at ang sumusunod na Cruz vs. Cruz ay 7.9%. Ang Akusada ay 7.7%.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 5.5%, at ang K-drama na Ordinary Day ay 3.8%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang taas din ng Family Feud na 10.3%.

Pagdating sa primetime ay ang taas pa rin ng 24 Oras na 17%.

Ang Frontline Pilipinas ay 2.4%, at ang TV Patrol ay 3.7%.

Ang Drake Palma naman ay 1.7%, at ang Totoy Bato ay 2.7%.

Nanatiling mataas pa rin ang Sang’gre na dinig namin ay hanggang Enero 2026 pa raw ito. Naka-13.2%.

Ang FPJ's Batang Quiapo ay 12.3%.

Sumunod ang Sanggang Dikit FR na 8.9%, at ang It’s Okay To Not Be Okay ay 5.3%.

Ang Amazing Earth ay 4.4%, at ang Sins of The Father ay 2.7%. Sinundan iyon ng Saksi na 2.4%.

Read: Chiz Escudero names Martin Romualdez as flood scam mastermind

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Michael V returns as Ciala Dismaya in a sketch for Bubble Gang; Will Ashley leads the cast of the "Best Friends Forever" episode of Daig Kayo ng Lola Ko; and Alexa Mendoza wins Idol Kids Philippines.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results