PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cast ng The Last BeerGin, sino ang mga paboritong kainuman?

Cast ng The Last BeerGin, sinubukang uminom talaga ng beergin sa mga eksena.
by PEP Troika
Published Oct 1, 2025
the last beergin cast
The Last BeerGin cast (from left) Cherry Pie Picache, JC Santos, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, and (inset) Pepe Herrera talk about shooting the drinking session for the hugot movie.
PHOTO/S: Cineko Production

GORGY RULA

Ngayong October 1, 2025, Miyerkules, magsasabong sa takilya ang pelikulang The Last BeerGin at Isla Babuyan.

Kung may babuyan sa pelikula nina Geraldine Jennings at Jameson Blake, kasama si Lotlot de Leon, itong The Last BeerGin naman ay kuwentong lasing.

R18 ang classification ng MTRCB sa Isla Babuyan, PG naman sa The Last BeerGin kahit nasa inuman nabuo ang kuwento ng limang karakter na ginagampanan nina Cherry Pie Picache, Pepe Herrera, JC Santos, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat.

Nakikita sa trailer ng The Last BeerGin ang paghahalo ng beer at gin at kung ano ang epek nito sa mga nag-iinuman.

Read: Regine, Jaya, Lani magsasanib-puwersa para sa pangmalakasang concert

Sabi ni Mel Mendoza-del Rosario, na siyang nagsulat ng pelikula, nabuo niya ang kuwento sa mga usapang lasing.

Hindi naman daw siya umiinom kundi nilalantakan lang niya ang pulutan kaya naa-absorb niya ang usapan ng mga nag-iinuman.

Kuwento ni Mel: “Tuwing may inuman, ako lang ang kumakain ng pulutan, tapos ako yung nag-a-absorb ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, through the years na mga lasenggero ko na kaibigan, naipun-ipon na yan. Pinaghugut-hugot ko yung mga magagandang kuwento tapos pinagsama-sama.”

the last beergin cast director writer
The Last Beergin cast, writer, and director: (from left) Zaijian Jaranilla, writer Mel Mendoza-del Rosario, JC Santos, Cherry Pie Picache, Xyriel Manabat, and director Nuel Naval.
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DREAM CAST

Nagpapasalamat si Direk Nuel Naval dahil dream cast daw ang nabuo niya na pawang magagaling lahat.

“It’s a dream cast for me, ha? Kasi lahat sila magagaling. Saka hindi ko ini-expect na napaka-professional ng lahat.

“And before that, kami sa production, sabi, try namin yung combination ng beer at gin.

“Umiinom ako before, pero hindi ko na-experience yung beer at gin. So, pati sa kanila, pina-try ko rin para ma-immerse, di ba? Para maka-relate sila.

“And true enough, parang habang ginagawa namin nun, siyempre hindi na umiinom, ano? Ang nakita ko sa kanila, yung character.

“Parang nag-transform na sila dun sa character nila. And that is every time na nagsu-shoot kami,” saad ni Direk Nuel.

Read: Shuvee Etrata explains old post, video on Vice Ganda "taken out of context"

Kuwento naman ni Cherry Pie, sinubukan nilang uminom talaga sa eksenang nag-iinuman sila. Pero nahirapan daw sila.

“Actually, hindi naman talaga kami nag-inuman. Pero… nung una, parang nagbe-brainstorm kami. 'Paano kaya yun?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre dapat totoo yung emosyon, totoo yung inom, totoo yung lasing.

“Ayaw naming maramdaman ng audience na lasing-lasing lang, yung ganun.

“Sabi ni Pepe, ‘Halika, uminom tayo sa unang araw.’ Sabi namin, ‘Puwede, puwede. Para maramdaman.’

“E, ang haba-haba ng dialogues… So, cut to second day, ‘O, ano, shot tayo?’

“'Hindi na! Hindi na! E, ratsada na natin ito?!'” natatawang kuwento ni Cherry Pie.

the last beergin poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ang kuwento ng The Last BeerGin ay hindi talaga magkakakilala ang limang karakter na nag-iinuman dito.

Mas naibubuhos daw kasi ang mga kinikimkim mo sa taong kainuman mo na hindi gaanong kakilala o ka-close.

Pero hindi agree rito ang mga bida ng pelikula na sina Cherry Pie, JC, Zaijian, at Xyriel.

May close friends daw silang pinagkakatiwalaan na pagkuwentuhan ng lahat-lahat sa buhay nila.

Mag-inuman man o hindi, iba raw talaga kapag sa close friend mo ibubuhos lahat ng dinadala mong hanash sa buhay.

Read: Nicole Kidman, Keith Urban split after 19 years of marriage

ZAIJIAN AND XYRIEL

Kagaya nina Zaijian at Xyriel, hindi pa raw sila artista, talagang magkaibigan na sila.

Kaya may tiwala sila sa isa’t isa na ikuwento kung meron silang pinagdadaanan sa buhay.

Ani Xyriel: “Si Kuya Zaijian po yung ano, yung sobrang updated po sa lahat na kaganapan. Masaya man o hindi na ganap sa buhay ko, parang alam niya po lahat yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya yung unang makakaalam. Minsan siya pa ang unang nakakaalam bago sa bahay namin.”

Ganun din daw si Zaijian.

Saad niya: “Si Xyriel din po. Kami po kasi ni Xy, kahit matagal na kaming hindi nagkikita, tapos nagkita kami.

“Kahit hindi kami araw-araw na nag-uusap, matagal kaming hindi nagkita, nandun pa rin yung relationship namin, kung paano namin na-miss ang isa't isa.

"So, parang ganun talaga yung tropahan namin.

“Kahit nung hindi pa kami artista, tropa na, dikit po talaga kami po.”

Read: Chie Filomeno seeks privacy after being linked to Matthew Lhuillier

NOEL FERRER

Ibinahagi naman nina JC Santos at Cherry Pie Picache kung sino sa kanilang close friends ang pinagkakatiwalaan nila ng mga hinaing nila sa buhay.

Kapag meron silang problema o hanash sa buhay, meron daw talagang taong kainuman nila at naibubuhos nila ang kanilang saloobin.

JC SANTOS'S DRINKING BUDDY

Sa theater nagsimula si JC, at doon daw niya nakilala si Jojit Lorenzo na nakasama niya sa ilang stage plays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa simula, college po ako, meron akong isang puntahan, si Jojit Lorenzo,” lahad ng premyadong aktor.

“Ever since nung 2007, nung college ako sa UP, 15 years old po ako nun nung napanood ko siya bilang Basilio sa Gantimpala, siya na yung lagi kong pinupuntahan.

“Ang nagpakilala sa akin kay Jojit Lorenzo, si Miles Canapi at si Dolly de Leon. Dinala nila ako nun sa Kamuning, Café Baristo pa siya nun.

“Ever since, si Jojit Lorenzo ang puntahan ko na may gusto akong kakuwento or may samaan ng loob.

“Alam ni Jojit kung paano ako nag-umpisa at may mga times na tumira pa ako sa kanya, kasi taga-Pampanga talaga ako, e.”

Read: Ellen Adarna denies claim on why she did not marry John Lloyd Cruz

CHERRY PIE'S DRINKING BUDDIES

Si Cherry Pie naman ay mayroon daw matagal nang non-showbiz friends. Pero sa showbiz ay meron din siyang close friends na may tiwala siyang kainuman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng aktres: “Tayo naman kasi in this industry, may mga kakilala, yung ganyan. Pero I only have… siguro mabibilang mo lang talaga sa daliri mo yung talagang kaibigan ko.

“I have my friends since Grade 2, I have five of them since Grade 2. Hindi nagbago yun. Ahh, they’re not in the industry.

“Pero sa showbiz, si Andoy Ranay, tapos yan si Angelica [Panganiban]... Konti lang e, si Janine Gutierrez.

“Kami yung talagang… ganun din. Kami yung matagal hindi nagkita, pero pag… lalo na si Angge sa Subic, e.

“Pero pag lumuwas, ‘O, Mars, kumusta ka?’ Pag may mga post, ‘O, Mars, kailangan mo bang mag-usap?’

“Pag siya naman, ‘Mars, kailangan mo ng kausap?’”

Read: Rita Daniela, may pa-hard launch sa bagong boyfriend

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Last BeerGin cast (from left) Cherry Pie Picache, JC Santos, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, and (inset) Pepe Herrera talk about shooting the drinking session for the hugot movie.
PHOTO/S: Cineko Production
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results