PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isla Babuyan at The Last BeerGin, kumusta sa takilya?

Cine Silip at Cinemalaya, dapat abangang film festivals ngayong Oktubre.
by PEP Troika
Published Oct 2, 2025
isla babuyan the last beergin
How did local films Isla Babuyan and The Last BeerGin fare at the box office?

GORGY RULA

Nakakalungkot ang resulta sa takilya ng dalawang pelikulang lokal, ang Isla Babuyan at The Last BeerGin, na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules, October 1, 2025.

Ipinakiusap ng aming reliable source na huwag nang ilabas ang figures dahil hindi raw makakatulong sa pelikula.

Naiintindihan namin ang resulta ng Isla Babuyan dahil konti lang ang sinehang nakuha nito. Binigyan ito ng R18 ng MTRCB kaya wala itong SM cinemas.

Ang The Last BeerGin naman ay merong 54 cinemas, pero hindi rin daw maganda ang resulta sa takilya.

Read: Shuvee Etrata explains old video and post on Vice Ganda

Umaasa ang mga taga-The Last BeerGin na magkaroon ng word of mouth dahil maganda naman daw ang feedback sa pelikula.

Medyo nabigatan lang ang iba, pero nakakaaliw raw panoorin. Kaya inaasam nilang tumaas pa ito pagdating ng weekend.

Ang Isla Babuyan ay iba rin ang pagka-daring, kaya baka sa weekend ay maglabasan ang mga bading at kalalakihan para panoorin ang mga mapangahas na eksena ng pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahihirapan lang daw ito makahabol dahil iilan lang ang mga sinehan nito.

Sabi naman ng producer ng Isla Babuyan na si Gina Cariaga-Jennings, inaasahan nilang maipapalabas ito sa streaming service para makabawi sila. Tingnan natin kung makakalusot ito sa Netflix.

Read: Isla Babuyan, nagtanggal ng tatlong shots para di ma-X ng MTRCB

jameson blake geraldine jennings isla babuyan
Jameson Blake and Jenna Jennings in Isla Babuyan
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TAX ON LOCAL MOVIES

Sa nakaraang presscon ng The Last BeerGin, hiningan namin ng reaksiyon ang direktor nitong si Nuel Naval at ang writer na si Mel Mendoza-del Rosario na baka makaapekto raw sa mga pelikulang iso-showing ang mainit na pinag-uusapang imbestigasyon ng flood control corruption.

Ang iba ay ayaw na raw manood sa sinehan dahil may tax pa silang babayaran na nanakawin lang pala ng ilang pulitiko.

Umayon naman si Direk Nuel sa ganoong pananaw.

Aniya: “Totoo naman na ang daming realities ngayon na sumasampal sa atin.

“Of course! Tama naman na harapin natin yun at maging involved tayo.

“May fear din ako na masyado tayong busy sa mga ganung klaseng issues.

“Kaya sa akin ang mga ganitong pelikula… it is sad to say na entertainment lang. Pero breaker siya, e.

“Since dramedy yung movie… matatawa ka sa mga nangyayari sa atin. At the same time, affected ka.

“And I think dapat maganda yun, e, na i-acknowledge natin na may mga ganitong nangyayari, at the same time i-accept mo, harapin mo. Parang ganun yung sinasabi nung pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Of course, matakot, dahil lahat… matagal na tayong affected, e. Ang industriya natin, di ba, since pandemic, affected na tayo.

“Ngayon unti-unti na tayong bumabangon na sana magtuluy-tuloy na.”

Read: Cast ng The Last BeerGin, sino ang mga paboritong kainuman?

the last beergin
From left: Pepe Herrera, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Cherry Pie Picache, and JC Santos in a scene from The Last BeerGin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nakiusap si Mel del Rosario na sana, tulungan ang local movie producers na makabawi.

Talagang mahirap daw sa panahon ngayon, pero nandiyan pa rin ang producers na patuloy pa ring gumagawa ng mga pelikula, kahit walang katiyakang mababawi nila ang kanilang ipinuhunan.

Saad ni Mel: “Yung nangyayari ngayon, timely na nakakalasing naman talaga. Pero talagang… this is the challenging time in our industry.

“Iniisip natin yung mga producers na tumataya pa rin. Kaya, please allow me to take this opportunity to ask for your help.

“Tulungan niyo rin po kami, kasi kung susuko tayo sabay-sabay, mamamatay yung industry. Tulungan po natin yung industry natin.”

Napag-alaman din ng PEP Troika na kahit nag-flop sa mga sinehan ang ilang mga pelikula, nababawi naman nila, at ang iba ay kumikita pa kapag naibenta na nila ito sa streaming service kagaya ng Netflix.

Kapag kinuha na ng Netflix at maganda ang pag-trending nito, masaya na sila dahil nababawi na nila ang kanilang puhunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Salome Salvi not in exclusive relationship with bf Emil Sandoval

JERRY OLEA

Anim na banyagang pelikula ang nakasalpukan ng Isla Babuyan at The Last BeerGin sa opening day noong Oktubre 1, Miyerkules.

Ang mga ito ay ang Hamilton, Shell, The Shadow's Edge, The Smashing Machine, at ang exclusive sa SM cinemas na The Good Boy, at ang re-release ng Avatar: The Way of Water.

Matapos ang mediacon ng 1st Cine Silip filmfest ngayong Oktubre 2, Huwebes, sa Viva Cafe, manonood sana ng sine ang isang katotong deputy card holder ng MTRCB.

Panonoorin sana niya ang 4:00 P.M. screening ng The Last BeerGin sa isang sinehan ng Gateway Mall.

Kaso, walang bumili ng tiket. E, ayaw magbayad ng aming katoto, kaya hindi na lang niya pinanood ang movie.

FILM FESTIVALS

Kung ang hanap ng bading na moviegoer ay hubadero sa big screen, abangan niya ang mga kalahok sa Cine Silip filmfest na exclusive sa piling Ayala Malls cinemas sa Oktubre 22-28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andiyan sina Martin del Rosario at Vincent Pajara sa Haplos sa Hangin; Tony Labrusca at Migs Almendras sa Dreamboi; Albie Casiño sa Maria Azama: Best P*rn Actress; Gold Aceron at Leandro Baldemor sa Ang Lihim ni Maria Makinang; Von Allen Ong sa Babae sa Butas; Aerol Carmelo at VJ Vera sa Salikmata; at Chester Grecia sa Pagdaong.

Read: Cine Silip Film Festival, pinakamapangahas na film festival

Sa Oktubre 4, Sabado, ay mapapanood na ang mga pelikula ng 21st Cinemalaya filmfest sa Shangri-La Plaza (apat na sinehan), Ayala Malls Cinema (Ayala Malls Manila Bay, Ayala Malls Circuit, Market! Market!, at UP Town Center), at Gateway Mall (apat na sinehan).

May niche market ang Cinemalaya filmfest, kung saan PHP350 ang regular ticket, at PHP250 ang student ticket.

Dumadalo ang mga artista o filmmaker sa mga gala screening sa Shangri-La Plaza, at may talkback session pa ang ibang screenings.

Totoo ba ang naulinigan naming naso-sold out na ang ibang screenings ng Child No. 82 (Anak ni Boy Kana) starring JM Ibarra and Vhong Navarro?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
child no. 82
Vhong Navarri, JM Ibarra, and Rochelle Pangilinan in Child No. 82

Iba’t ibang putahe ang full-length films sa Cinemalaya 2025 na ang tema ay “Layag sa Alon, Hangin at Unos.”

Excited akong mapanood ang pagbibida ni Ely Buendia sa Padamlagan.

Sa mga galit sa corruption at mga maanomalyang flood control project, andiyan ang Republika ng Pipolipinas, at Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Must watch para sa mga lesbian ang Open Endings, at inaasahang susugod ang mga transwoman (nakabakya man o high heels) sa Warla.

Kukurot din sa ating diwa ang iba pang lahok na Paglilitis, Raging, Cinemartyrs, at Bloom Where You Are Planted.

Sa mga naghahanap ng makabuluhang pelikula, tangkilikin po ninyo ang Cinemalaya!!!

Read: JM Ibarra hindi kasama si Fyang sa first niyang Cinemalaya movie

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How did local films Isla Babuyan and The Last BeerGin fare at the box office?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results