PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kate Alejandrino, kaya ang daring role sa Anino Sa Likod ng Buwan?

Kate Alejandrino, isang taon nang pahinga mula sa pag-arte.
by PEP Troika
Published Oct 6, 2025
kate alejandrino cedrick juan couple
Kate Alejandrino on husband Cedrick Juan accepting acting projects: “Aba’y kailangan po! May pinakakain na po siyang asawa at anak!”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Oktubre 2, 2024 nang mabalitaan nating magbibida sina Martin del Rosario, Kate Alejandrino, at Ross Pesigan sa pagsasadula muli ng Anino sa Likod ng Buwan.

Nobyembre 15, 2024 nang makarating sa atin na nag-back out si Kate sa project dahil sa “personal reasons.”

Pinalitan siya ni Elora Españo.

Read: Jameson Blake reveals his family's impression of Barbie Forteza

Enero 1, 2025 nang mag-post sa Facebook si Cedrick Juan: “Bago matapos ang unang araw ng taon na ito, gusto ko lang magpasalamat sayo.

“Sa mga bagay na itinuturo mo sa akin araw-araw, kung paano maging sigurado sa bawat desisyon na kailangan gawin sa buhay.

“Dahil ang desisyon na sigurado, sadya at pinagisipan ay magdudulot ng mas malinaw na resulta na siyang makakatulong sa mas matibay na kinabukasan.

“Maraming salamat sa klase ng pagmamahal na binibigay mo. Bago ito sa akin, Pero sapat ang rason ng bawat argumento, tamang pakikinig at gawa para yakapin ang pagbabagong idinudulot nito sa araw-araw nating pinagsasamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hiling ko ang mas malalim pa na pagkilala, tiwala at pagpili sa isa’t-isa araw-araw. Salamat aking katuwang sa buhay.

“Mahal na mahal kita Kaitin Kate Alejandrino.”

CERICK JUAN-KATE ALEJANDRINO ENGAGEMENT

Pebrero 19, 2025 ipinahiwatig ni Cedrick sa FB na engaged na sila ni Kate.

Aniya: “Isang pangarap… Pangarap na nagsimula sa pagpapanumbalik ng iyong tunay na ngiti na naguugat sa kaluluwa, isip, puso at mga mata. Ito ang layunin ko simula noong unang araw na tayo’y nagsimula.

“Trabaho ko ang mahalin, pagsilbihan, makinig at pasayahin ka dahil nararapat ito para sayo. Ang maging sigurado at tiyak sa bawat hakbang araw-araw na magkasama.

“Tara mangarap tayo bawat sandali simula sa araw na ito.

“Mahal, Mahal na mahal kita at pipiliin ka araw-araw Kaitin.”

Read: Cedrick Juan now engaged to Kate Alejandrino

Cedrick Juan and Kate Alejandrino are engaged
Photo/s: @cedrickgjuan Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CEDRICK JUAN-KATE ALEJANDRINO WEDDING

Makalipas ang isang linggo ay nag-garden wedding ang magsing-irog.

Facebook post ni Cedrick noong Pebrero 26 na mensahe para sa kanyang maybahay: “Mahal… Masaya akong maibalik sa iyong mga mata ang pinangarap ko lang noong nagsimula tayo. Ngunit alam kong hindi ito natatapos sa pagiisang dibdib.

“Tuloy-tuloy na pagsisikap dapat ito, kung pumalya man ay babalikan ko ulit ang mga rason kung bakit ako nangarap.

“Panibagong yugto ito ng ating buhay. Ang yugtong mas nagpabuklod sa ating pagsasama, pagkakaibigan at pagmamahalan. Saksi ang ating mga pamilya, kaibigan, ang diyos at uniberso sa pagiisang dibdib natin.

“Habang buhay na bigayan, suyuan, aso’t-pusang argumento at hindi pagkakasunduan. Pero pipiliin ko pa ding ikaw ang makasamang magresolba.

“Ang klase ng pagmamahal mo ang nagudyok sa akin na mas pagbutihin pa ang pagiging tao ko. Ang huwag matakot magsalita ng tunay na nararamdaman, masakit man o magiging masaya man. Ang mahalaga ay totoo sa sarili at pakay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Salamat sa pagtanggap, sa inspirasyong mas maging sigurado sa salita at galaw, sa pagyakap sa klase ng pagmamahal na kaya kong ibigay at sa pag-oo na maging katuwang habang buhay.

“Pipiliin ka araw-araw, Pagtatrabahuhan bawat saglit at Mamahalin ka bawat yugto ng buhay natin. “—Ang iyong mister”

Read: Cedrick Juan and Kate Alejandrino are now married

Cedrick Juan pens heartfelt message for wife Kate Alejandrino
Photo/s: Cedrick Juan on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hunyo 18, 2025 isinilang ni Kate ang panganay na supling nila ni Cedrick.

Read: Cedrick Juan and Kate Alejandrino welcome baby boy

cedrick juan kate alejandrino
Photo/s: Cedrick Juan Facebook / @cuddlebunnyph

JERRY OLEA

Isinama ni Cedrick Juan ang wifey niyang si Kate Alejandrino sa gala night ng Cinemalaya 2025 movie niyang Cinemartyrs noong Oktubre 4, Sabado, sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaalala ko roon kay Kate na isang taon na more or less na nagpapahinga siya sa pag-aartista. Kumusta siya?

This October, mag-uumpisa na ang rerun ng Anino sa Likod ng Buwan.

Mukhang masaya naman siya sa kanyang “pananahimik” sa showbiz…

“I’m very well. I think I needed po that break, that year of a break,” sambit ni Kate.

ANINO SA LIKOD NG BUWAN

Nanood daw siya ng Anino sa Likod ng Buwan noong Marso sa PETA Theater Center.

“Napakahusay! And I feel like there was a reason why things happened the way they did,” saad ni Kate.

“I’m super proud of Elora [Españo], and sina Ross [Pesigan] at Martin [del Rosario]. Ayun.

“But at this point in time, I feel like I’m where I should be. I’m enjoying motherhood… my marriage. So, doon po muna talaga ako nagpo-focus.”

Kakayanin pa ba niyang gampanan if ever ang daring role na Emma sa Anino sa Likod ng Buwan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Depende po yan sa audience kung ready kayong makakita ng newly ano, newborn mother,” nakangiting tugon ni Kate.

“Pero I feel like you know when the opportunity presents itself in the future — maybe.

“Pero sa ngayon ho, I’m right where I should be.”

Read: Elora Espano, "nag-orgasm" pagkatapos ng Anino sa Likod ng Buwan

elora espano martin del rosario anino sa likod ng buwan
Elora Espano and Martin del Rosario in a scene from Anino Sa Likod ng Buwan
Photo/s: The IdeaFirst Company Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang bata pa ng baby nila ni Cedrick Juan. Hindi pa niya maiiwan nang matagal para magbalik-trabaho siya sa showbiz?

“Meron naman pong mapag-iiwanan. Pero I feel like if I go back to work soon, namimili pa po ako ng mga proyekto,” sabi ni Kate Alejandrino.

“I can’t be away from him for too long.”

In fairness, ang sipag-sipag ni Cedrick at sunud-sunod ang mga trabaho.

“Aba’y kailangan po! May pinakakain na po siyang asawa at anak!” bulalas ni Kate.

Huling napanood si Kate sa pelikulang Mujigae na ipinalabas sa sinehan noong Oktubre 9, 2024, at nag-streaming sa Netflix umpisa Marso 20, 2025.

Yung movie nila ni Joross Gamboa na Mga Mister ni Rosario (2018) ay nag-Netflix streaming naman noong Agosto 1, 2025.

Read: Emil Sandoval speaks about doing adult content with Salome Salvi

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kate Alejandrino on husband Cedrick Juan accepting acting projects: “Aba’y kailangan po! May pinakakain na po siyang asawa at anak!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results