GORGY RULA
Todo-suporta ang fans ni JM Ibarra sa Cinemalaya 2025 movie nitong Child No. 82 (Anak ni Boy Kana) na isinulat at idinirek ni Tim Rone Villanueva.
Sa gala night ng Child No. 82 na ginanap sa Cinema 1 ng Shangri-La Plaza noong Linggo, October 5, 2025, nagtiyagang maghintay ang fans sa may lobby dahil hindi na-accommodate ang lahat na makapasok sa sinehan.
Ang Child No. 82 ang may pinakamaraming block screenings sa lahat ng Cinemalaya movies this year.
In-organize ito ng fans club ng loveteam nina JM at Fyang Smith, at pati ang fans club ni Vhong Navarro.
Read: Kristine Hermosa still "most beautiful" at 42, what's her beauty secret?
“Sobrang grateful naman po kami sa part na yun. Hindi ko po maipaliwanag kung gaano ako ka-thankful sa kanila,” bulalas ni JM nang nakapanayam ng PEP Troika bago nagsimula ang gala night ng Child No. 82.
JM IBARRA'S CINEMALAYA EXPERIENCE
Hindi pa rin daw naaalis ang sobrang kabang nararamdaman ni JM.
Saad ng ex-PBB Gen 11 housemate: “Sobra po! Mula po kahapon, hindi ko na na-enjoy sa sobrang kaba.
“Kinakabahan po ako sa lahat kasi ito po yung first film na project ko.
“Ito rin po yung unang proyekto na ginawa ko. Kahit na una pong na-release yung Ghosting, eto po yung una kong ginawa.
“Pakiramdam ko, hindi po ako ready na makita nila sa big screen. So, ganito pala yung feeling.
"And happy naman po ako at the same time, pero andun pa rin yung kaba. Siguro ganun po talaga pag first time.”
Maganda ang feedback sa Child No. 82, at mukhang hindi lang pang-indie audience kundi puwede ring pasok sa mainstream.
Hindi pa raw alam ni JM kung magkakaroon ng commercial release sa mga sinehan ang Child No. 82.
Pero iba raw talaga ang Cinemalaya experience, ayon kay JM.
Saad niya: “Iba po yung feeling nung sa mainstream, tapos nandito ka po sa Cinemalaya, nung sa mundo ng indie.
"Iba po yung pakiramdam na halos ang mata nakatingin, may ano e, may idea.
“May ibabatong learnings talaga sa iyo pagdating sa filmmaking. Ako, adapt lang po ako nang adapt kung ano ang sasabihin sa akin.”
Read: Emil Sandoval speaks about doing adult content with girlfriend Salome Salvi

JERRY OLEA
Marami raw natutunan si JM Ibarra habang ginagawa niya ang Child No. 82.
Noong napanood niya ang kabuuan ng pelikula, hindi raw akalain ni JM na ganoon ang kalalabasan at sobrang ipinagmamalaki niya ito.
“Ang sarap sa feeling kapag nagpapalakpak sila," pakli ni JM.
“Sobrang nakakataba po ng puso, lalo na po yung mga kinikilalang director sa industriya, nakapagbigay sila ng magandang komento.
"Mas nabu-boost po yung eagerness ko na magtrabaho, mas galingan ko pa. And pakiramdam ko tumataba talaga yung puso ko, e.
“Sobrang proud po ako, bukod sa sarili ko, sa mga tumulong sa akin bilang si Max sa character na pinortray ko.
“Kasi pakiramdam ko, nasusuklian yung effort, yung pagod na ibinuhos namin sa buong taping days namin sa Ilocos Norte, sa Pinili.
“Sobrang nakaka-proud po sila na makatrabaho, lalo na sa ganitong kalaking achievement po as an artist.
“Lubos po yung pagka-proud ko na sila po yung bumuo, sila yung nagsimula sa career ko dito sa movie industry,” saad ng Kapamilya actor.

Marami raw natutunan si JM sa mga nakatrabaho niya sa Child No. 82 kaya lalo siyang na-inspire ipursige ang isa pa niyang dream—ang maging filmmaker.
“Hindi ko po ini-expect na ganun po yung final output. Pakiramdam ko, pinapanood ko yung sarili ko sa 70s, 80s na film, ganun, lalo na dun sa fight scenes.
"Tuwang-tuwa po ako sa editing, lalo na sa anggulo ng camera.
“Wala. As in, ganun po ako, e, pag napapanood ko yung sarili ko, naghahanap ako ng loopholes. Mas kini-criticize ko siya, ganun.
“So, mas napo-focus yata ako sa mismong editing, cinematography... wala, nakakabilib lang sobra,” dagdag ni JM.
Read: BLIND ITEM: Charming Actress na ikakasal, misteryoso ang groom
NOEL FERRER
Nakakatuwa rin ang suporta ni Fyang Smith.
Sinasamahan niya si JM sa mga dinadaluhan nitong special screening ng Child No. 82 (Anak Ni Boy Kana).
Bago ang gala night, nagkaroon na ng block screening ang pelikula ni JM noong Sabado, October 4. At sinamahan din siya ni Fyang.
Nagpapasalamat si JM sa all-out na suporta ni Fyang.
Sabi niya: “Kahit yung to the point na kahit hindi ko siya imbitahin, susuporta talaga siya.
"Kahit hindi ko siya papuntahin dito, nagugulat na lang ako nandiyan na siya, ganun po siya kasuportado.
“Siyempre, sobrang happy na sa bawat achievements na nakukuha ko, na dumadating sa career ko, hindi talaga siya nawawala.
"Hindi niya pinaparamdam na hindi siya sumusuporta sa lahat ng ginagawa ko, lalung-lalo na dito, sobra.”
Read: Martin del Rosario stars in 1st "erotic" film: "Pinaka-daring ko yatang ginawa..."
FYANG SUPPORTS JM'S CINEMALAYA MOVIE
Tatlong beses nang napanood ni Fyang ang Child No. 82 dahil lahat ng special screening nito na ini-sponsor ng fans nila ay sinasamahan talaga niya ang ka-loveteam.
“Proud na proud ho siya. Tinatawanan lang niya sa mga una kong scenes, kasi may mga scene po ako dun!” natatawang sabi ni JM.
Sabi naman ni Fyang, reciprocal ang suportahan nila ni JM sa lahat na ginagawa nila.
Aniya, “Opo naman. Kasi, given naman yun, yung suporta ko sa kanya.
"Kahit starting pa lang nung ginagawa pa lang itong pelikulang ito, alam niya sa sarili niya na sobrang suportado siya sa akin.”
Masaya rin si Fyang nang nabalitaan niyang laging sold-out sa mga sinehan itong pelikula ni JM.
“Kasi, siguro kaya lagi siyang sold out, siguro kasi maganda talaga yung movie. As in super ganda, makikita mo talaga yung kulturang Ilocos.
“Kung ano yung sa Ilocos, parang ipinakita nila dito sa movie. So, sobrang ganda,” pakli ni Fyang.
Wish din ni Fyang na makagawa ng pelikula sa Cinemalaya.
“Hopefully po soon,” bulalas niya.
Read: FAMAS issues apology over false announcement of Rosa Rosal’s death
