JERRY OLEA
Star-studded ang book launch ni National Artist Ricky Lee sa Manila International Book Fair (MIBF) 2025 noong Setyembre 12 sa SMX Convention Center, Pasay City.
Nagbasa sina Luis Alandy, Kyline Alcantara, Chai Fonacier, Agot Isidro, Jolina Magdangal, Judy Ann Santos, Meryll Soriano, Jericho Rosales, Michael V, maging ang hosts na sina Jackie Lou Blanco at Phi Palmos, ng excerpts sa mga aklat na Agaw-Tingin at Pinilakang Tabing.
Umawit sa programa sina Dulce at Arman Ferrer.
Read: Angel Aquino on what people don't know about her: "I like girls."

DIRCTORS TO READ EXCERPTS FROM RICKY LEE'S BOOKS
Ilulunsad muli ang Agaw-Tingin at Pinilakang Tabing sa 21st Cinemalaya: Layag sa Alon, Hangin, at Unos.
Gaganapin ito sa Oktubre 11, Sabado ng 5:00-7:00 P.M., sa Cinema 2 ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Mga direktor ang magbabasa ng excerpts.
“Kasi last time nung launch ko, karamihan mga artista, mga performers na rin,” sabi ni Sir Ricky nang makausap ng PEP Troika noong Oktubre 5, Linggo ng gabi, sa Shangri-La Plaza.
“Sina Juday, sina Michael V. So parang… bakit ko naman uulitin? Ang huhusay na nina Michael V, nina Judy Ann, nina Jericho.
“So, ano kaya ngayon? Ako, nag-suggest sa Cinemalaya. Kung maglo-launch ako, sabi ko, ‘Ahh mga direktor naman ang magbabasa ng excerpts ko.’
“Mga direktor na yung iba, nakatrabaho ko. At yung iba, gusto ko ring makatrabaho.”
Hindi pa finalized ang lineup ng readers pero kabilang dito sina Laurice Guillen, Joel Lamangan, Erik Matti, Jerrold Tarog, Petersen Vargas, Carlitos Siguion-Reyna, Dwein Baltazar, Cathy Garcia-Sampana, Zig Dulay, at Paolo Villaluna.
“And nakakataba ng puso na karamihan sa kanila na inimbita, excited sila, sina Erik Matti!” sambit ni Sir Ricky.
“And nakakataba rin ng puso, maski yung ibang inimbita namin na hindi available — like sina Joey Reyes, sina Jun Lana — gusto nila. Kaya lang, conflict sa schedule.
“Si Antoinette [Jadaone], may conflict sa schedule. So parang masarap na… lahat sila, willing sumuporta.
“At hindi pelikula. Literature, nobela. So yun, masarap. So, excited.”
Si FDCP Chairperson Jose Javier Reyes aka Direk Joey ay inaasahang dadalo sa 48th Gawad Urian sa Sabado ng gabi sa DLSU, Taft Avenue, Manila.
Read: Emil Sandoval speaks about doing adult content with girlfriend Salome Salvi
GORGY RULA
Most applauded sa MIBF 2025 book launch ni Sir Ricky yung pagbabasa ni Michael V ng excerpts kaugnay sa karanasan ni Joel Lamangan sa shooting ng pelikulang Himala (1982) ni National Artist Ishmael Bernal.
Sabi ng mga kapwa artista sa nasabing event, parang naririnig nila si Direk Joel habang nagbabasa ng excerpts si Michael V.
This time, si Direk Joel na mismo ang magbabasa ng nasabing excerpts.
Originally ay si Direk Joel daw sana ang magbabasa ng nasabing excerpts, kaso, may taping daw ito noon dahil Biyernes para sa FPJ’s Batang Quiapo.
Kaya ginawang Sabado ang book launch sa Cinemalaya para raw available si Direk Joel.
Siyempre, iba kay Michael V ang flavor pag si Direk Joel na mismo ang reader ng quotes nito.
“Ginawa ni Michael V na ang husay-husay pero this time, e, si Joel ito. So, walang competition,” pakli ni Sir Ricky.
“Saka mag-iiba ang text. ‘Sabi ko,’ hindi na ‘sabi ni Joel.’ Magiging ‘sabi ko noon,’ in-adjust ko nang konti.”
Read: Michael V., bentang-benta sa book launch ni Ricky Lee
Before naman ay nagbasa na si Direk Joel, maging si Direk Erik Matti, ng excerpts sa book launch ni Sir Ricky.
Si Direk Laurice Guillen, kabado raw kung paano niya iyon itatawid.
Napangiti si Sir Ricky: “Si Laurice, excited kami. Kasi, bukod sa mahusay na artista si Laurice, noong opening nung Cinemalaya, nag-speech si Laurice.
“Nagbulungan kami ni Adel [Abrigonda], assistant ko. Sabi namin, ‘O, tingnan mo si Laurice, maski speech ang dine-deliver, ang husay niya!’ Di ba?
“Alam niya kung anong words ang ie-emphasize. May dating agad. Alam niya kung paano i-build up.
“So, alam mo na artista ito, kuwentista ito. So, I am sure, magiging mahusay siya. Magiging mahusay sila lahat.”
NOEL FERRER
Sa ngayon, all set na ang book launch ni Sir Ricky Lee at siyempre, kasama rin doon ang UP Press na nag-publish ng isa sa dalawang libro niya.
Bilang suporta, nagpaunlak ang aking talents na sina Atom Araullo at Iza Calzado bilang hosts ng programa sa Sabado.
Bukas g 5:00-7:00 P.M. sa Cinema 3 ng Shangri-La Plaza, may isa pang aklat na ilulunsad.
Ito ay MANONG: The Life and Works of Gerry de Leon ni Sir Nic Tiongson published by the UP Press din.
Inaasahang papaunlakan ng kamag-anak ng National Artist Gerardo de Leon, at isa na roon ay si Janno Gibbs, ang paanyaya sa book launch.
Ang MMFF 2024 Best Supporting Actress na si Kakki Teodoro ang magsisilbing host ng palatuntunan.
Kita-kits sa mga mahahalagang booklaunch ng Cinemalaya!
Read: Ciala Dismaya vs. Sarah Discaya Bubble Gang face-off, good idea ba?
