PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maris Racal, bagong leading lady ni Coco Martin sa Batang Quiapo

Ratings ng Batang Quiapo, dumidikit na muli sa Sang'gre.
by PEP Troika
Published Oct 7, 2025
maris racal coco martin batang quiapo
Maris Racal joins the cast of of FPJ's Batang Quiapo as lead star Coco Martin's new leading lady.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

GORGY RULA

Mukhang umepek ang pasabog na trailer ng FPJ’s Batang Quiapo bilang pagsisimula ng bagong yugto ng Kapamilya primetime series noong Lunes, October 6, 2025.

Todo-promote sina Coco Martin sa kanilang social media na abangan ang trailer ng bagong yugto ng Batang Quiapo.

Pasabog ang trailer nito, at pinag-usapan sa social media ang maaksyong eksena ni Maris Racal.

Hanggang ngayong Martes, October 7, ay trending pa rin siya sa X (dating Twitter). Pinuri ito ng netizens.

Ang sabi pa ng iba, akala nila ay hindi bagay si Maris maging leading lady ng Kapamilya Primetime King, pero puwede naman daw pala.

Si Maris, na gumaganap bilang si Ponggay, na kaya ang leading lady ni Coco sa bagong yugto ng Batang Quiapo?

Read: BLIND ITEM: Charming Actress na ikakasal, misteryoso ang groom

maris racal coco martin batang quiapo
Maris Racal and Coco Martin on full action mode in FPJ's Batang Quiapo.
Photo/s: Kapamilya Channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRIMETIME RATINGS

Nagsimula ang bagong yugto ng Batang Quiapo noong Lunes at dumikit ang rating nito sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Consistent kasing mataas ang rating ng Sang’gre, at medyo malaki na ang agwat nito sa Batang Quiapo.

Noong Biyernes, October 3, ay nakapagtala ng 13.8% rating ang Sang’gre. Ang Batang Quiapo ay 10.2%.

Sumunod ang Sanggang Dikit, na hindi man lang nadikitan ng It’s Okay To Not Be Okay. Naka-9% ang Sanggang Dikit, habang naka-4.7% naman ang It's Okay.

Noong Lunes, October 6, dumikit na ang Batang Quiapo dahil siguro sa pasabog na trailer nila at pinag-usapan ito online.

Naka-12.1% ang Sang’gre, at ang Batang Quiapo ay 12%.

Abangan natin kung mababawi ni Coco Martin ang pamamayagpag nito sa primetime.

Basta ang Sang’gre ay tuluy-tuloy ang taping nila, na ang dinig namin ay hanggang January 2026 ito.

Samantala, ang Sanggang Dikit ay lalo pang tumaas sa 9.9%.

Bumaba naman ang It’s Okay To Not Be Okay, na malapit pa namang matapos, sa 4.5%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Emil Sandoval speaks about doing adult content with girlfriend Salome Salvi

JERRY OLEA

Consistent na mataas na ang ratings ng My Father’s Wife, na nasa huling linggo na.

Papalitan na ito ng Hating Kapatid simula sa Lunes, October 13.

Bida rito ang mag-asawang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, at ang kambal nilang sina Cassy at Mavy.

hating kapatid
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ratings simula ng It’s Showtime na naka-5.8%, at ang Eat Bulaga! ay 3.1%.

Sumunod ang My Father’s Wife na 7.3%.

Ang Tadhana naman ay 6.1%, at ang Wish Ko Lang! ay 5.7%.

Ang Maka Lovestream ay 5%.

Pagdating sa primetime, sinimulan ng 24 Oras Weekend na naka-8.5%.

Ang TV Patrol Weekend ay 1.3%, at ang Frontline Pilipinas naman ay 1.1%.

Tumaas pagdating ng Pepito Manaloto na naka-9%, at ang Rainbow Rumble ay 2.1%.

Sumunod ang Stars on The Floor na 8.9%, at nakatapat nito ang pilot episode ng Your Face Sounds Familiar na naka-5.2%.

Ang Magpakailanman ay 7.6%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 2.2%.

Bongga pa rin ang Daig Kayo Ng Lola Ko na naka-5.7%.

Read: Maki apologizes for blocking fans’ view at TWICE’s PH concert

NOEL FERRER

Medyo mababa ang viewership noong Linggo, October 5.

Ang All Out Sundays ay 3.5%, at 1.8% lamang ang ASAP Natin ‘To.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Regal Studio Presents na 3.7%. Ang Resibo naman ay 3.6%.

Ang FPJ sa GMA ay 4.6%.

Pagdating ng primetime, mataas pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Simulan muna sa 24 Oras Weekend na 6.8%.

Sumunod ang Bubble Gang na replay episode dahil mas pinaghahandaan nila ang kanilang anniversary episode sa October 19 at 26. Naka-8% ang naturang gag show.

Ang katapat nitong Rainbow Rumble ay 1.9%.

Bahagya ring bumaba ang The Voice Kids na naka-10.8%.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho naman ay 15.2%, at ang katapat nitong Your Face Sounds Familiar ay 3%.

Ang The Boobay and Tekla Show ay 2.9%.

Read: Ciala Dismaya vs. Sarah Discaya Bubble Gang face-off, good idea ba?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal joins the cast of of FPJ's Batang Quiapo as lead star Coco Martin's new leading lady.
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results