PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kumustang katrabaho sa pelikula ang rock star na si Ely Buendia?

Ely Buendia, pinuri ng co-stars niya sa Cinemalay movie na Padamlagan.
by PEP Troika
Published Oct 8, 2025
padamlagan stars
(Left) Esteban Mara, Sue Prado, and Floyd Tena relate their experience working with singer Ely Buendia (right) in the Cinemalaya 2025 movie Padamlagan.
PHOTO/S: Jerry Olea / Cinemalaya

JERRY OLEA

Hindi nakadalo si Ely Buendia sa screening at talkback session ng Cinemalaya 2025 film niyang Padamlagan noong Oktubre 5, Linggo ng 5:00 P.M., sa Cinema 3 ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Present doon ang co-stars ni Ely na sina Floyd Tena, Sue Prado, at Esteban Mara na nagkuwento ng karanasan nila sa pakikipagtrabaho kay Ely.

“Eto na nga!” bulalas ni Floyd, na gumanap bilang pulis na ang pangalan ay Zaldy.

“Alam mo, aakalain mo na rock star siya, di ba? Pero sinabi niya sa amin sa set ng Padamlagan na parang first time niya ito.

“So, kung ano man iyong maa-absorb niya na learnings from us, gagawin niya. Yung mga ganun.

“And nagtatanong siya sa set kung ano’ng magandang gawin sa ganito, ganyan, ganyan. So naa-appreciate namin yung ganun.

“Kasi, he’s hungry for learning, di ba? And sana, gumawa pa siya ng maraming pelikula dahil napakalalim ng taong iyan!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpalakpakan ang karamihan sa audience.

Read: Martin del Rosario stars in 1st "erotic" film: "Pinaka-daring ko yatang ginawa..."

ELY BUENDIA IN THE EYES OF HIS CO-STARS

Ang sabi naman ng baguhang si Esteban na gumanap bilang anak ni Ely sa pelikula: “Sa akin naman po, swabe lang. Ha! Ha! Magaan kasama si Sir Ely.

“Yun nga, hindi ko akalaing ahh… icon siya dito sa ating bansa. Kasi, student of the craft.

“Very open siya sa mga bagay-bagay since inamin naman niya na hindi siya gamay dito sa field na ito.

“And kahit na mga workshop na ginawa namin before mag-shoot, sobrang open niya and willing to participate sa lahat.

“So ayun, feeling ko naman, nag-resonate siya dito sa performance.”

Read: Salome Salvi not in exclusive relationship with bf Emil Sandoval

ely buendia padamlagan
Ely Buendia in Padamlagan
Photo/s: Cinemalaya
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Pagsisiwalat ni Sue Prado, naturally inquisitive si Ely Buendia.

“Saka grounded. Gusto niyang matuto. Yun talaga, no? Kanina, pinag-uusapan namin, siya si Doring talaga, e!” bulalas ni Sue, na gumanap bilang kapatid ni Ely sa Padamlagan.

“As in congratulations talaga! Kasi, perfect. Di ba? Yyun pong nakikita ninyong ganun, I think kaya rin siguro…

“Naiintindihan niya. Naiintindihan ni Ely kung sino si Doring at ano siya. Kaya nag-translate siya very well on screen.

“Nakakatuwa kasi yung sa proseso niya, nakikita mo, nararamdaman mo. And having worked with him, isa iyun sa mga napansin nga namin.

“Mahilig siyang magtanong, e. Di ba? Ayun, kaya sana ma-meet ninyo siya, tapos makatrabaho ninyo rin.

“Kasi mae-enjoy ninyo!”

Dagdag ni Floyd Tena, “Di ba, before, nagkaroon siya ng health scare? Alam naman natin yung lahat.

“So coming into the set, parang feeling ko, sabi ko, ‘Ay! Napaka-frail niya,’ sabi kong ganyan. ‘Paano kaya ang eksena namin na may suntukan kami?’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang lakas niya! Ang lakas niya, I swear!”

PADAMLAGAN

Ang kuwento ng Padamlagan ay nag-umpisa noong Setyembre 16, 1972, nang mag-collapse ang Colgante Bridge sa Naga City habang ginaganap ang Peñafrancia fluvial procession.

Isang daan at tatlumpo’t walong (138) tao ang namatay, at daan-daan ang nahulog sa ilog.

Ang Padamlagan ay idinirek ni Jenn Romano.

Nasa cast din nito sina Milan Fabon, Ivan Geoceff, Frank Peñones, at Rodante M. Pabillar Jr.

Ang gala ng Padamlagan ay sa Oktubre 8, Miyerkules ng 8:00 P.M., sa Cinema 1 ng Shangri-La Plaza.

Hanggang Oktubre 12, Linggo ang 21st Cinemalaya indie filmfest.

Read: Mga direktor, magbabasa ng excerpts mula sa libro ni Ricky Lee

padamlagan poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Sa umpisa pa lang ng talkback session ay nagpasalamat na sina Sue Prado, Floyd Tena, at Esteban Mara sa mga dumalo at sumuporta sa gala night ng pelikulang Bikolano na Padamlagan.

Pahayag ni Sue: “Maraming-maraming salamat po dahil nagbibigay kayo ng panahon sa panonood ng mga pelikulang Pilipino ngayong Cinemalaya.

“Lubus-lubos po talaga iyong pagpapasalamat ko na may audience at nanonood na mga Pilipino.

“Kasi po, kailangang-kailangan po natin iyon, e, para patuloy na mabuhay yng pagpepelikula natin.

“At saka iyong mga ikinukuwento kasi natin, para sa inyo, tungkol sa atin. Para sa atin.

“Kaya salamat po dahil pinakikinggan ninyo po yung boses ng mga katulad namin na gustong magkuwento.”

Susog ni Floyd, “Natutuwa kami na nasusuportahan nyo ang regional film tulad nito at ang kuwentong galing sa Bikol. Maraming-maraming salamat!”

Lahad ni Esteban: “Ako, kahapon ko po siya unang napanood. Wala lang, nakakatuwa. Kasi, iyung mga parallelism niya sa kasalukuyang panahon…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, yung mga usapin tungkol sa mga politikal na napapanahon ngayon, hindi pa naman siya nangyari nung shinoot namin.

“Pero for some reasons, pati mga pangalan! He! He! He! Hindi pa naman siya nangyari nung mga panahon na shinoot namin pero by the time na ngayon, napapanood natin siya.

“Sabi nga ni Sir Ely sa isang presscon namin — baka coincidence, pero baka hindi.

“Baka may dahilan kung bakit nangyari.”

Read: DJ Mo bids goodbye to Las Vegas home with Angelicopter

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Esteban Mara, Sue Prado, and Floyd Tena relate their experience working with singer Ely Buendia (right) in the Cinemalaya 2025 movie Padamlagan.
PHOTO/S: Jerry Olea / Cinemalaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results