PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Minamahal ng AshDres, naka-P25M sa loob ng dalawang linggo?

Minamahal, magkaroon kaya ng sequel?
by PEP Troika
Published Oct 9, 2025
ashtine olviga andres muhlach minamahal
Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna, the launching movie of Ashtine Olviga and Andres Muhlach, reportedly grossed PHP25 million in its first two weeks in theaters.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick

GORGY RULA

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP Troika, umabot umano ng PHP25M ang kinita ng pelikulang Minamahal: 100 Bulaklak Para kay Luna sa loob ng dalawang linggo.

Mataas ang expectations sa launching movie ng AshDres loveteam nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach, pero okay na rin iyon.

Akala ng karamihan ay mataas ang box-office results ng Minamahal: 100 Bulaklak Para kay Luna, pero hanggang doon lang muna ang powers ng AshDres.

Saka naapektuhan din kahit papaano ang resulta nito sa takilya dahil sa sunud-sunod na bagyo at iba pang kalamidad.

Hindi na masama ito, at makakabawi ang Viva Films.

Umepek ang mga block screening na in-organize ng fans ng AshDres.

Yun lang, mas malakas pa rin daw ang 100 Awit Para Kay Stella nina Bela Padilla, JC Santos, at Kyle Echarri. Naka-PHP50M ito sa loob ng dalawang linggo.

Read: Beauty queen Bea Luigi Gomez marries DJ-music producer John Odin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MINAMAHAL SEQUEL?

Pero isa pa rin ako sa umaasang magkaka-sequel itong AshDres movie.

Dapat pa ring magkaroon ng sequel na kukunan sa Amerika dahil maganda naman ang kuwento at nakakatuwa talaga sina Ashtine at Andres.

SPOILER ALERT! Sa ending kasi ng Minamahal ay pumunta ng Amerika si Luna (Ashtine) para doon mag-aral. Puwedeng sundan siya roon ni Raffy (Andres) para ipagpatuloy ang kanilang love story.

May magic pa rin talaga ang AshDres loveteam.

JERRY OLEA

Walang pelikulang Pinoy na nag-open sa local cinemas kahapon, Oktubre 8, 2025, Miyerkules.

Tatlong bagong foreign films ang ipinalabas umpisa kahapon sa ating mga sinehan — Tron: Ares, Run to You, at The Strangers: Chapter 2.

Nagbalik sa big screen ang tatlong banyagang pelikula bilang The Triple Collection ng Gateway Cineplex 18 Rewind.

Ang mga ito ay The Green Mile, GoodFellas, at The Shawshank Redemption.

now showing oct 8 2025
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CINEMALAYA 21

Ongoing pa rin naman ang 21st Cinemalaya indie filmfest hanggang Oktubre 12, Linggo, sa Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City, Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City, at Ayala Malls cinemas (UP Town Center, Market! Market!, Ayala Malls Manila Bay, at Ayala Malls Circuit).

Sampung full-length films ang tampok sa Cinemalaya 2025, kung saan bet kong topgrosser ang Child No. 82 (Anak ni Boy Kana) nina JM Ibarra, Vhong Navarro, Rochelle Pangilinan, at Irma Adlawan.

Naso-sold out ang screenings nito!

Hindi lang fans nina JM at Fyang Smith ang todo suporta rito, kundi maging ang avid fans ng Sexbomb Dancers.

child no. 82
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Facebook shoutout ng manager ni Vhong na si Direk Chito Roño matapos mapanood ang movie sa gala night nito: “Surprised by how funny and bitterly sad CHILD NO.82 is. MUST WATCH. SUPER REFRESHING. Congratulations.”

Ang isa pang must watch sa Cinemalaya 2025 ay ang documentary na Bloom Where You Are Planted.

Hindi ito dapat panoorin ng mga DDS dahil baka ma-heart attack sila sa pelikula. Sapul na sapul dito ang lodi nila.

bloom where are you planted
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In full force ang mga tung sa gala ng Open Endings, at sa gala ng Warla ay mega-awra naman ang mga accla.

Sa mga kakampink na dinamdam ang pagkatalo ni Leni Robredo sa halalan noong 2022, must watch sa kanila ang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.

habang nilalamon ng hydra ang kasaysayan

May kani-kanyang adhikain din ang mga pelikulang Raging, Cinemartyrs, Paglilitis, Padamlagan, at Republika ng Pipolipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cinemalaya 2025: PEP Troika's Choice for Best Performances

UPCOMING PINOY FILMS

Sa Oktubre 15 ay ipalalabas na ang makasaysayang Quezon na bida si Jericho Rosales bilang Manuel Luis Quezon.

Ikatlong pelikula ito sa bayaniverse ni Direk Jerrold Tarog.

Nauna rito ang Heneral Luna ni John Arcilla, na sinundan ng Goyo: Ang Batang Heneral ni Paulo Avelino.

Tampok sa tatlong pelikula si Mon Confiado bilang Emilio Aguinaldo, at si Arron Villaflor bilang Joven Hernando.

Read: Jake Cuenca on split with Chie Filomeno: “That chapter of my life is over now."

quezon poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Oktubre 22 ang showing ng Walong Libong Piso starring Paolo Gumabao, at ang Everyone Knows Every Juan na idinirek ni Alessandra de Rossi.

May something in common ang dalawang pelikulang ito.

Ang Walong Libong Piso ay isinulat at idinirek ng dating sexy actor na si Dante Balboa.

walong libong piso

Kasama si Alessandra sa cast ng Everyone Knows Every Juan, kung saan tampok din sina Edu Manzano, Joel Torre, Gina Alajar, JM de Guzman, Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, Angeli Bayani, at Kelvin Miranda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
everybody knows every juan

CINE SILIP FILM FESTIVAL

Sa Oktubre 22 din ang umpisa ng inaugural Cine Silip film festival sa piling sinehan ng Ayala Malls.

Pitong mapangahas na pelikula ang tampok dito — Salikmata, Ang Lihim ni Maria Makinang, Maria Azama: Best P*rn Actress, Halik sa Hangin, Babae sa Butas, Pagdaong, at Dreamboi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DJ Mo bids goodbye to Las Vegas home with Angelicopter

NOEL FERRER

Aminin natin, may mga pelikulang pinapasok ng mga tao sa box office pero wanting pa rin tayo ng local films na tinatao talaga ng audience.

Buti, may fan following ang stars ng Minamahal, at salamat sa Cinemalaya sa suportang ipinapakita nila sa indie films na palabas ngayon.

Pero kailangan natin ng mas matindi pang suporta mula sa ating mga manonood.

Sana, mag-hit ang Quezon kapag ipinalabas ito next week, pati na ang mga susunod pang mga pelikula.

Sa announcement ng Final 4 films sa parating na MMFF 2025 sa Disyembre, sana’y maging interesado ang mga kababayan nating suportahan pang lalo ang industriya ng pelikula natin.

Pero iniisip ko rin, habang ang mga tao’y hirap sa buhay nila, at hetong isyu ng korapsyon ang pumupukaw sa ating lahat, at wala pang napapanagot at napaparusahan at wala pang nakaw na perang naibabalik sa ating mga kababayan, gaganahan pa ba ang mga Pinoy na magdibersiyon at manood ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang malalim na buntong hininga at hayyyyyyy talaga!

Read: HOW MUCH? One-night stay at Bvlgari Hotel Roma in Italy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna, the launching movie of Ashtine Olviga and Andres Muhlach, reportedly grossed PHP25 million in its first two weeks in theaters.
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results