PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana, ikakasal na sa boyfriend na doktor sa December

Carla Abellana, nakatakda sa lalaking una niyang minahal.
by PEP Troika
Published Oct 9, 2025
carla abellana wedding
Kapuso actress Carla Abellana is reportedly set to tie the knot with her doctor boyfriend in Cavite on December 27, 2025. She is the “Charming Actress” mentioned in recent PEP Troika blind items.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram

GORGY RULA

Sinimulan ng PEP Troika sa blind item ang usap-usapan tungkol sa pagpapakasal ni "Charming Actress" sa isang hindi tinukoy na lalaki.

Noong panahong iyon ay hindi pa natin alam kung kanino talaga siya magpapakasal, at kinukumpirma pa kung totoo ba talaga ito.

Hanggang sa lumutang na ang kuwentong si Carla Abellana raw ang "Charming Actress" na malapit nang ikasal.

Wala pa rin kaming ideya kung kanino magpapakasal si Carla.

Ang balita lang noon ay nililigawan ang Kapuso actress ng isang doktor.

Read: Charming Actress, ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

CARLA ABELLANA'S GROOM

Ito so far ang nasagap ng PEP Troika mula sa ilang reliable sources:

Ang mapapangasawa ni Carla na doktor ay CEO raw ng isang hospital.

First boyfriend daw siya ni Carla.

Nagkahiwalay. Nagkanya-kanya sila ng buhay.

Hanggang sa nagpakasal si Carla kay Tom Rodriguez, at naghiwalay rin.

Si doktor ay nanatiling single.

Binalikan at muling sinuyo si Carla. Hindi na niya pinakawalan ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang latest, nakatakda nang ikasal si Carla sa doktor sa December 27 ng taong ito.

We’re so happy for Carla!

Ang dami na niyang pinagdaanan.

Ang ending, nakatadhana pala talaga siya sa lalaking una niyang minahal.

Read: BLIND ITEM: Charming Actress na ikakasal, misteryoso ang groom

NOEL FERRER

Ayon sa usap-usapan, garden wedding ang magaganap na pag-iisang dibdib ni Carla at ng doktor sa isang bayan sa Cavite.

Inaalam pa namin kung civil wedding ba ito o Christian wedding.

Hindi pa tiyak kung na-grant na ng simbahan ang annulment nina Carla at Tom.

Ang nakukuha pa lang daw nila ay ang desisyon ng korte sa Pilipinas na nag-grant ng divorce na nai-file ni Tom sa Amerika.

Pero sa simbahan ay maaaring wala pa, dahil matagal talaga ang proseso nito.

Kaya posibleng civil wedding ang gaganapin.

Puwede naman daw mag-remarry sina Carla at Tom sa bago nilang karelasyon.

Pero civil lang dahil hindi pa puwede sa church hangga’t hindi pa nila nakukuha ang approval ng simbahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Beauty queen Bea Luigi Gomez marries DJ-music producer John Odin

JERRY OLEA

May love angle sina Carla Abellana at JM de Guzman sa pelikulang Selda Tres na kalahok sa 7th Sinag Maynila filmfest last month.

Sa presscon ng Selda Tres noong Setyembre 19 sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City, inusisa si Carla kung gaano naman siya kasaya sa tunay na buhay pagdating sa love life.

“Ay! Masaya!” bulalas ng tinaguriang Patron Saint of Concerned Citizens.

“I’m happy where I am now. Ang dami na pong nangyari actually in the past few years.

“Parang merong blessing over blessing over blessing. Mas nakakapag-focus po sa family.

“I’m into my dream house. Dire-diretso naman po thankfully ang mga projects, both on TV at saka sa pelikula din po.

“Dumadami po ang aking mga alagang aso. Ang dami pong blessings! Hindi naman din po ibig sabihin na walang mga pagsubok, walang problems. Meron pa rin po.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero masayang-masaya! Kumbaga, kung titingnan ko po iyong mga nangyari sa akin na past, no, parang… masaya po ako’t grateful kung nasaan po ako ngayon.

“Kung gaano ako kasaya, at peace, yung mga ganoong bagay. At saka fulfilled.”

Read: Carla Abellana drops clues on mystery guy she’s dating

CARLA'S HEART

Kumusta ang kanyang puso?

Ngumiti nang matamis si Carla, “OK naman po siya. OK naman po, buhay pa rin naman po ang aking puso. Ha! Ha! Ha!

"OK naman po siya. Masaya po ang aking puso.

“Maraming dahilan para maging masaya iyong puso ko.”

Read: Sheree, namugto ang mga mata sa kasal ng ex na si Gian Magdangal at ni Lara Maigue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Carla Abellana is reportedly set to tie the knot with her doctor boyfriend in Cavite on December 27, 2025. She is the “Charming Actress” mentioned in recent PEP Troika blind items.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results