JERRY OLEA
Magdidirek ng short film at full-length film si Meryll Soriano.
Ibinalita ito ng premyadong aktres sa mediacon ng CreaZion Studios Artists (CSA) noong Oktubre 9, 2025, Huwebes, sa Midnight Dream Studios, K-Park, Glorietta 1, Makati City.
“The short film that I’m directing is something that has been... parang brewing for 20 years na,” pagsisiwalat ni Meryll.
“This concept has been with me for 20 years, and came full circle na rin. Kasi yung mga makakatrabaho ko dito ay kasama ko noong nabuo ko yung istorya sa utak ko.
“So I’m looking forward to that. It’s about mental health. I think because advocacy ko iyan, mental health.”
Read: Zoren Legaspi explains why he doesn't meddle in twins Cassy and Mavy’s issues
MERYLL SORIANO'S FIRST DIRECTING JOB
Napakaimportante para kay Meryll na iyon ang unang pelikulang dinirek niya. Siya mismo ang bida sa maikling pelikula.
Dagdag ni Meryll, “Sa full length, I’m working on something very exciting for me. Kasi it’s very, very personal. Very personal. Lahat nga, personal!”
Inaasam ni Meryll na sa first quarter ng 2026 ay mag-umpisa na ang shooting ng short film na directorial debut niya.
“And then, the full length hopefully magkasunod na. Bonggang-bongga! Ha! Ha!” bulalas ni Meryll.
Ano ang preparation niya para sa pagdidirek?
“Yung sa short film, it’s really supposed to be full length. Pero nakakuha ako ng advice sa colleagues ko na gawa ka muna ng short film to see how it feels, your template,” paliwanag ni Meryll.
“So, this topic kasi is very controversial at that time. It’s about postpartum psychosis.
“There’s a lot of research you need to do. And up to this day, we’re still researching for the final script.
“And I’m happy that Mark Meily is helping me write the script. Kasi, ang haba ng journey ko to find the writer hanggang nag-advise si Sir Ricky Lee na, ‘Isulat mo!’
“So, nung sinulat ko na, hindi pa ako masaya.”
Hindi raw talaga gusto ni Meryll na magsulat ng script. Batid niya ang kanyang strengths and weaknesses.
Read: Beauty queen Bea Luigi Gomez marries DJ-music producer John Odin
MERYLL'S DREAM OF BECOMING A DIRECTOR
Masaya siya na suportado ng mga tao sa paligid niya ang endeavor niyang ito.
Kailan pa nagsimula ang pangarap niyang maging direktor?
“Matagal na. I think 2010. But I just felt like I don’t want to be a director yet kasi parang gusto kong umarte… hindi pa ako tapos,” tugon ni Meryll.
“I wanted to do so many things. Pero laging sinasabi, ‘Naku! Kailangan mo talagang magdirek. Ikaw talaga, magiging direktor ka.’
“Parang may pressure before. Parang I had to wait for my own time, yung sa tingin ko na parang ready na ako.”
Ayaw pang sabihin ni Meryll kung sinu-sino ang gusto niyang cast sa full-length film na ididirek niya. Basta, merong bago at merong luma.
“Pag sinabi natin, baka ma-bombard sila. Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Meryll.
“Wala pang kontrata. So, huwag muna.”
Ang clue ni Meryll sa mga artistang gusto niyang makatrabaho ay very close sa kanya.
Siyempre, ang naisip namin na very close sa kanya ay ang tita niyang si Maricel Soriano at ang dyowa niyang si Joem Bascon.
“Very close po,” pakli ni Meryll.
Read: Cinemalaya 2025: PEP Troika's Choice for Best Performances
GORGY RULA
May pinagdadaanan pa rin ba siya sa kanyang mental health hanggang ngayon?
“May tililing ako? Oo! Eighteen years na akong diagnosed bipolar,” pahayag ni Meryll.
“And yung psychiatrist ko noong 18 years ago, hanggang ngayon, siya pa rin ang doktor ko.
“So, we had a long relationship. So, kumportable na ako sa kanya, alam mo yun.”
Yung counselor niya ay pumanaw three years ago sa kasagsagan ng pandemya. Ang psychiatrist at counselor ang gabay niya sa mahabang panahon.
Ready na siyang i-tackle ang mental health sa short film?
“Yung short film kasi, iba siya sa bipolar. Pero mental health pa rin,” paglilinaw ni Meryll.
“Kasi nainteresado talaga ako sa postpartum psychosis.”
Dumaan ba siya sa postpartum depression?
“Saglit lang, yung normal lang na dadaanan, parang baby blues. Parang ganun,” saad ni Meryll.
“Pero hindi ako yung sagad na postpartum depression.”
Saan niya nakuha ang ideya ng postpartum psychosis?
“Ang hilig ko sa documentary! As in pampatulog ko siya. As in. Bata pa lang ako, nanonood na ako ng mga documentaries,” sey ni Meryll.
“And I chanced upon this story of a mom who killed her kids.”
Read: Arron Villaflor blames social media team for viral “pray for Cebu” post
NOEL FERRER
Inamin ni Meryll Soriano na bet niyang maka-collab sa aktingan sina Maricel Soriano, Joem Bascon, at Dolly de Leon.
Nagkasama na sina Joem at Meryll sa mga pelikulang Culion (2019), Angkas (2022), at Lolo and the Kid (2024).
Pero wala pa iyong matitinding puksaan ng akting na tipong Marriage Story (2019) nina Scarlett Johansson at Adam Driver.
“Gusto kong makatrabaho si Tita Maricel. Gusto kong makasama siya ulit nang ngayon, matanda na kami,” sabi ni Meryll.
“Siguro that’s a dream film for me… Nung magkita kami ni Tita minsan, sabi ko, ‘I really hope na magka-work tayo.’
“Yung kaming dalawa. Yung magkaeksena kami na ganito na yung edad namin.
“Kasi siyempre kasama ko siya noong bata ako. Pero yung now, with our sensibilities as older people.”
Read: BLIND ITEM: Charming Actress na ikakasal, misteryoso ang groom
