PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana, walang inamin at wala ring itinanggi

Carla Abellana, nilusutan ang mga tanong tungkol sa kanyang rumored wedding.
by PEP Troika
Published Oct 10, 2025
carla abellana mmff 2025 announcement
Carla Abellana on her rumored wedding on December 27, 2025: “Kung totoo man po iyon o hindi, of course that’s part of my private life. I would like to keep it private. Sa dami naman po ng aking pinagdaanan na very publicized before, may choice naman po ako, kumbaga, kung ilalabas ko po yun or hindi, if I want to keep it private."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Walang inamin at wala ring itinanggi si Carla Abellana sa bali-balitang garden wedding nila ng isang doktor sa Disyembre 27, 2025.

Gracious si Carla sa pang-uurirat ng mga taga-media na dumalo sa announcement ng Final 4 ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Oktubre 10, 2025, Biyernes, sa University of Makati.

Bago ang announcement ng Final 4, ipinakita ang trailer at poster ng First 4 entries na Call Me Mother, Rekonek, Manila’s Finest, at Shake, Rattle & Roll: Evil Origins kung saan kasama si Carla sa cast.

Read: MMFF 2025: Will-Bianca-Dustin movie makes it to Final 4

team srr evil origins
Team Shake, Rattle & Roll: Evil Origins during the announcement of the Final 4 official entries to MMFF 2025.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CARLA ABELLANA IS HAPPY

Ipinaalala ko kay Carla ang sinabi niya sa presscon ng pelikulang Selda Tres noong Setyembre 19 sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City, na masaya siya, at masaya ang kanyang puso.

“Of course! Ang dami kong aso. I finally moved into my dream house. Masaya ako, kasama ko ang family ko,” lahad ng tinaguriang Patron Saint of Concerned Citizens.

“Nakakapag-date ako. So, masaya. Masaya sa work, masaya sa private life.”

Meron siyang very special someone na nagpapasaya sa kanya? Gaano kaespesyal?

“Sabi ko naman po, nagde-date po ako. So, hindi naman po iyan ano. Kumbaga, alam na po ng mga tao iyon,” malumanay na sagot ni Carla.

“Nababanggit ko na po sa mga interviews na nag-try na po akong mag-dating. Nakakailang date na po ako.

“So, masaya po ako. At least, nakakaya ko na po, na-e-explore ko na po yung ganung side.”

Read: Carla Abellana drops clues on mystery guy she’s dating

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CARLA ABELLANA RUMORED WEDDING DATE

Makaka-attend ba siya sa awards night ng MMFF 2025 sa Disyembre 27?

“Aba, siyempre naman po! Bakit hindi?”

Usap-usapan kasi na wedding day niya iyon.

“Kung totoo man po iyon o hindi, of course that’s part of my private life,” sabi ni Carla.

“I would like to keep it private. Sa dami naman po ng aking pinagdaanan na very publicized before, may choice naman po ako, kumbaga, kung ilalabas ko po yun or hindi, if I want to keep it private.

“So, kung may kailangan man po akong sabihin, sa akin po manggagaling yun nang diretso at hindi po sa iba.”

Totoo bang engaged siya?

“I invoke my right to self-incrimination. So I refuse to say yes, I refuse to say no.”

Read: Carla Abellana, ikakasal na sa boyfriend na doktor sa December

GORGY RULA

Ang galing-galing sumagot ni Carla Abellana sa loaded questions.

Magiging sobrang busy ba siya sa Disyembre?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po. Hindi po ako busy ng December. Naghahanap po ako ng trabaho.”

Busy sa promo ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins…

“Parang tatlo lang po yata yung promo namin sa Shake, Rattle & Roll. Bigyan niyo po akong trabaho, please,” sambit ni Carla.

Gusto niya ng more work next year?

“Yes! Please po, more work. Wala na pong pangkain yung aking mga aso,” sey ni Carla.

“Wala na pong pambayad ng tax ko next week. PHP364,000 po ang aking ano, hindi ko po alam kung saan pupulutin iyong aking pambayad sa tax.”

Read: Jake Cuenca on split with Chie Filomeno: “That chapter of my life is over now."

IS LOVE LOVELIER THE SECOND TIME AROUND FOR CARLA?

Sabi-sabi, love is lovelier the second time around?

“I don’t know. Siguro po. Depende po, di ba, kung worth giving a chance,” safe na tugon ng aktres.

“Hindi po lahat. I mean, of course, we always give second chances. Lahat po ng bagay, deserve ang second chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero parang… hindi natin masabi, di ba po? Kasi, depende po doon sa kinalabasan or anumang nangyari doon sa unang chance.”

Sa interbyu niya dati, may apprehension siya sa marriage. Na ayaw na niyang ikasal muli matapos mapawalang-bisa ang kasal nila ni Tom Rodriguez.

Nabago na ba ang pananaw niya roon?

“Depende po but, of course, that’s coming from a person who’s very wounded and broken,” pagmamatuwid ni Carla.

“Of course I’m a different person today than I was before.”

Nagamot na ang wound sa kanyang puso?

“Ginamot ko po siya nang matinding-matindi at mahirap na mahirap nang ilang taon.”

At may tao na tumulong sa kanya?

“Ay! Wala po. I myself lang. Kung may tao man, mga tao — family, psychiatrist, psychologist, therapist from the Philippines and abroad,” paglilinaw ni Carla.

“Marami po kami, tumulong na mag-heal nung sugat na iyon.”

Talagang gamot?!

“Ay! Maraming gamot! Yes! Psychoactive drugs!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Beauty queen Bea Luigi Gomez marries DJ-music producer John Odin

NOEL FERRER

Basta ako, support na lang at maging masaya na lang tayo anuman ang magaganap sa buhay ni Carla Abellana.

She is one good person who has served our industry and our country really well.

Kaya naman kung may pagkakataong sarili naman niyang kaligayahan ang asikasuhin niya, e, deserve niya talaga iyan.

Our best wishes, Carla — and you have our support always!

Read: Anita Rose Gomez finishes 1st runner-up in Miss Asia Pacific International 2025; Brazil wins crown

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on her rumored wedding on December 27, 2025: “Kung totoo man po iyon o hindi, of course that’s part of my private life. I would like to keep it private. Sa dami naman po ng aking pinagdaanan na very publicized before, may choice naman po ako, kumbaga, kung ilalabas ko po yun or hindi, if I want to keep it private."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results