PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

48th Gawad Urian: Highlights and sidelights

Kakki Teodoro, nag-Angkas papunta sa venue ng 48th Gawad Urian.
by PEP Troika
Published Oct 12, 2025
dennis trillo kakai teodoro 48th gawad urian
Dennis Trillo (left) and Kakki Teodoro (right) deliver their acceptance speeches after winning Best Actor and Best Supporting Actress, respectively, at the 48th Gawad Urian on October 11, 2025.
PHOTO/S: Manunuri ng Pelikulang Pilipino Facebook

JERRY OLEA

Unang tropeyo mula sa Gawad Urian ang nakamit ni Dennis Trillo nitong Oktubre 11, 2025, Sabado, sa De La Salle University (DLSU), Taft Avenue, Manila.

Best actor si Dennis para sa Green Bones, at kabilang sa katunggali niya ang co-star na si Ruru Madrid.

Nominado ring best actor si Enzo Almario para sa The Hearing, at may cameo ito sa Green Bones.

Read: 48th Gawad Urian: Dennis Trillo wins Best Actor for Green Bones

Bahagi ng acceptance speech ni Dennis: “Maraming salamat po, unang-una sa FDCP, sa lahat ng mga Manunuri, sa parangal na ito, sa pagpapahalaga sa mga nagawa naming trabaho nitong nakaraang taon.

“Maraming-maraming salamat po. Gusto ko pong ialay itong award na ito sa mga kasamahan kong bumuo nung pelikula, halos dalawang daang tao na nagtulung-tulong para buuin po iyong pelikulang Green Bones.

“Siyempre po sa pamumuno ng aming batikang direktor na si Zig Madamba Dulay. Iniaalay ko po itong award na ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At sa aking mga kanominado, si Ruru Madrid at Enzo Osorio. Sine-share ko itong award na ito sa inyo.”

Ang apat pang nominadong best actor sa 48th Gawad Urian ay sina Carlo Aquino (Crosspoint), Baron Geisler (Dearly Beloved), Sid Lucero (Outside), at Ronnie Lazaro (Phantosmia).

Inialay rin ni Dennis ang tropeyo sa mga taong nasa likod ng kamera.

Pinasalamatan din niya ang GMA Pictures, pati sina Annette Gozon-Valdes, Nessa Valdellon, JC Rubio, Anj Atienza, at National Artist Ricky Lee, at ang kanyang management na pinamumunuan ni Becky Aguila.

Sabi pa ni Dennis: “At siyempre sa aking mapagmahal at ever supportive na pamilya na pinamumunuan ni Miss Jennylyn Mercado.

“Talagang No. 1 supporter ko, at marami pong salamat sa kanila at sa kanilang suporta, sa kanilang pagsuporta sa lahat ng mga nais kong gawin sa career man o sa personal na buhay.

“At siyempre, iniaalay ko itong award na ito sa lahat ng mga lumalabas para gumastos, manood ng sine, dahil talagang sa kanila lahat itong ginagawa natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maraming salamat po at hanggang ngayon, nandito pa rin ako at iyon ay dahil sa pagtangkilik ninyo kaya maraming salamat po sa inyong lahat. Thank you very much!”

Read: Jake Cuenca reveals going through breakup alone and in private

dennis trillo 48th gawad urian
Dennis Trillo delivers his speech after winning Best Actor at the 48th Gawad Urian.
Photo/s: Manunuri ng Pelikulang Pilipino Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIRST GAWAD URIAN FOR DENNIS TRILLO

After the awards ceremony ay nagpaunlak pa ng interbyu si Dennis sa lobby ng Don Enrique Yuchengco Hall.

Paano niya ise-celebrate ang pagwawagi niyang best actor sa 48th Gawad Urian?

“Ahh uuwi lang ako sa pamilya, ipapakita ko ito. Sila naman yung inspirasyon kung bakit nagtatrabaho ako nang ganito, kung bakit pinagbubuti ko lahat ng mga opportunities na ibinibigay sa akin,” tugon ni Dennis.

“Lahat iyon ay para sa kanila. At mamaya, uuwi ako, ipapakita ko sa kanila ito.

“And pag nakita ko yung mga ngiti sa mga mukha nila, ayun, sapat na sa akin yun.”

Nakailang nominasyon before si Dennis sa Gawad Urian pero ngayon lang siya nagwagi. Gaano kaimportante ang isang Urian award?

“Sabi nila, yung Urian, isa sa mga pinakamahirap makuha dahil mga Manunuri ng pelikulang Pilipino talaga iyong nag-i-screen nung mga pelikula at mga proyekto,” saad ni Dennis.

“Kaya napakasarap ng pakiramdam na after 20+ years na pagiging artista dito sa industriyang ito, nakakuha na rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, tama yung sinasabi nilang mas masarap yung pakiramdam kapag pinaghirapan mo lahat ng mga inaani mo sa buhay!”

Read: DJ Mo bids goodbye to Las Vegas home with Angelicopter

NOEL FERRER

Sumakses ang alaga kong si Kakki Teodoro na siyang itinanghal na Best Supporting Actress ng Gawad Urian 2025 para sa kanyang pagganap sa Isang Himala.

Isang Himala talaga ang makarating si Kakki sa awards ceremony, kasi she was not allowed to skip the two-show-day ng Pingkian, Isang Musikal ng Tanghalang Pilipino sa CCP.

If only to show appreciation for Urian’s citation for theater actors like her in a film, nag-Angkas si Kakki para umabot sa DLSU na siyang venue, and she needed to be back sa CCP by 7:00 P.M.

AT KINAYA NAMAN. AT NAGWAGI talaga si KAKKI!!!

KAKKI TEODORO NAG-ANGKAS PAPUNTANG URIAN

Bahagi ng acceptance speech ni Kakki: “Magandang hapon po. Ako po si Kakki Teodoro. Ako po’y 38 years old. Ako po’y mula sa mundo ng teatro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon ay nasa pelikula na. At may Gawad Urian pa!

“Ako po’y literal na galing sa mundo ng teatro. Naka-lapel pa po ako.

"Galing po ako sa CCP. Ako po’y um-Angkas, at suot ko pa ang costume ko…”

Ayaw ni Kakki na ma-miss ang 48th Gawad Urian.

Katuwiran niya: “Kasi, ipinagdasal ko po ito, sa totoo lang. Sabi ko, sana mabigyan ako ng pagkakataon na ma-nominate man lang outside of the festival.

“At ngayon, makasama yung lahat po ng mga nominated para po sa buong taon.

“Kaya po nais ko pong magpasalamat, unang-una po sa lahat, sa mga Manunuri po ng pelikulang Pilipino. Maraming-maraming salamat po sa inyong pagyakap po sa amin sa taong ito…”

Kabilang pa sa mga pinasalamatan ni Kakki ang kanyang nanay “dahil hinayaan po niya akong maging ako, at wala po siyang sinasabi. Wala po siyang mga notes kung anu-ano.

“Hindi na po siya nagugulat kapag mapapanood niya ako bilang puta. Masaya na po ako na talagang hinayaan niya akong maging malaya sa pagiging isang aktor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carla Abellana, ikakasal na sa boyfriend na doktor sa December

kakai teodoro 48th gawad urian
Kakki Teodoro wins Best Supporting Actress for her role as Nimia in Isang Himala.
Photo/s: Manunuri ng Pelikulang Pilipino Facebook

TRIVIA: Ang OG Nimia na si Gigi Dueñas, MMFF 1982 Best Supporting Actress para sa Himala, ay tinalo ni Baby Delgado ng Cain at Abel sa 7th Gawad Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinanalo ni Kakki Teodoro si Nimia sa Urian ngayong taon.

At ito ay panalo rin ng mga artistang galing sa teatro na niyayakap at pinararangalan din sa pelikula.

Kagaya ng best actor na si Dennis Trillo, nagpasalamat si Kakki kay National Artist Ricky Lee.

RICKY LEE BOOK LAUNCH

Noong Sabadong iyon, on time na nagsimula ang 48th Gawad Urian ng 4:00 P.M. sa DLSU Manila, habang may book launch si Sir Ricky kaugnay sa 21st Cinemalaya filmfest, 5:00-7:00 P.M., sa Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Labindalawang direktor ang readers ng excerpts sa mga libro ni Sir Ricky na Agaw-Tingin at Pinilakang Tabing.

Ang mga ito in alphabetical order ay sina Dwein Baltazar, Jade Castro, Pepe Diokno, Zig Dulay, Cathy Garcia-Sampana, Laurice Guillen, Joel Lamangan, Erik Matti, Carlos Siguion-Reyna, Jerrold Tarog, Petersen Vargas, at Paolo Villaluna.

Si Pepe ang direktor ng Isang Himala, at si Zig ang direktor ng Green Bones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ricky lee book launch

Sa Cinemalaya book launch ay nagtagpo muli ang OG Sang’gre Alena at OG Sang’gre Amihan.

Nag-perform kasi sina Karylle at Bayang Barrios, samantalang hosts sina Iza Calzado at Atom Araullo.

Read: MMFF 2025: Will-Bianca-Dustin movie makes it to Final 4

GORGY RULA

Present sa 48th Gawad Urian ang best actor na si Dennis Trillo ng Green Bones, at ang best supporting actress na si Kakki Teodoro ng Isang Himala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagwagi rin sila sa 50th MMFF last December.

Wala sa awards ceremony ang best actress na si Arisa Nakano para sa Cinemalaya 2024 film na Kono Basho. Nasa homeland niyang Japan si Arisa.

arisa nakano kono basho

Ang tumanggap ng kanyang trophy ay ang direktor ng pelikula na si Jaime Pacena II.

Sumama sa pag-akyat sa entablado ang sister niya sa Kono Basho na si Gabby Padilla, na best actress nominee rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Cinemalaya last year ay tabla sina Gabby ng Kono Basho at Marian Rivera ng Balota bilang best actress. Hindi nominado si Marian sa Urian.

Read: Beauty queen Bea Luigi Gomez marries DJ-music producer John Odin

team komo basho 48th gawad urian
Team Kono Basho at the 48th Gawad Urian

FELIPE GANANCIAL, URIAN BEST SUPPORTING ACTOR

Ang best supporting actor ng Cinemalaya noong Agosto 2024 ay si Felipe Ganancial para sa Tumandok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw si Felipe noong Mayo 13, 2025. Ang tumanggap ng kanyang Urian trophy ay ang daughter niyang si Katy Ganancial.

Bahagi ng acceptance speech ni Katy: “Nagpapasalamat po ako sa pagbibigay-pansin sa amin na mga Aeta.

“Malaking karangalan po sa amin ang ginawang pelikulang Tumandok at proud po ako, lahat ng mga kasama ng tatay ko.

“At nagpapasalamat din ako sa lahat ng naggawa ng pelikula at nagsuporta sa aming mga Aeta at sa mga pinaglalaban namin.

“Kahit alam ko po na kahit wala dito si Tatay, alam niya, nakikita niya po, na may award po siya.

“Alam ko po, masayang-masaya po ang tatay ko. Proud po ako sa tatay ko…”

Read: Cinemalaya 2025: PEP Troika's Choice for Best Performances

felipe ganancial 48th gawad urian
Katy Ganancial accepts her late father Felipe Ganancial’s posthumous Best Supporting Actor award for his performance in Tumandok.
Photo/s: Manunuri ng Pelikulang Pilipino / Cinemalaya Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AWARDS HAUL

Apat ang tropeyo ng Tumandok sa 48th Gawad Urian — best supporting actor (Felipe Ganancial), best director (Arlie Sweet Sumagaysay at Richard Jeroui Salvadico), best screenplay (Arden Rod Condez at Arlie Sweet Sumagaysay), at best music (Paulo Almaden and the Ati People of Kabarangkalan and Nagpana).

Nakatatlong tropeyo ang Alipato at Muog — best picture, best documentary, at best editing (JL Burgos).

Tigdalawa ng tropeyo ang Green Bones (best actor si Dennis Trillo, best production design kay Marxie Maolen Fadul) at Kono Basho (best actress si Arisa Nakano, best cinematography kay Dan Villegas).

Tig-iisa ng tropeo ang Isang Himala (best supporting actress si Kakki Teodoro), The Hearing (best sound kina Jannina Mikaella Minglanilla at Michaela Docena), at Bisan Abo, Wala Bilin (best short film).

DANTE RIVERO: NATATANGING GAWAD URIAN AWARDEE

Nag-standing ovation ang audience nang pagkalooban si Dante Rivero ng Natatanging Gawad Urian.

Ibinigay rin kay Dante ang kanyang tropeyo bilang best supporting actor ng 45th Gawad Urian para sa On The Job: The Missing 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ng host na si Butch Francisco, nakalimutang iuwi ni Dante ang kanyang tropeo noong Gawad Urian 2022.

dante rivero 48th gawad urian
Veteran actor Dante Rivero receives his Natatanging Gawad Urian.
Photo/s: Manunuri ng Pelikulang Pilipino Facebook

Panay-panay ang pagju-joke ni Butch na nag-iisang host ng 45th Gawad Urian pero teary-eyed siya sa In Memoriam segment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwiran niya, marami sa In Memoriam ng Urian this year ay kaibigan niya.

ARMAN FERRER'S PASABOG INTERMISSION NUMBER

Pasabog ang intermission number kung saan kinanta ni Arman Ferrer ang "Mahiya Naman Kayo!" (Ay Grabe Music, arranged by Paulo Zarate).

Pasakalye ni Arman, “Ang Gawad Urian ay hindi lamang kung hindi nagmumulat at naninindigan. Heto po ang aming ambag para sa laban sa bayan.”

arman ferrer
Arman Ferrer
Photo/s: Manunuri ng Pelikulang Pilipino Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng lyrics ng kanta:

Mga pulitiko na mahilig sa kickback

Mga contractor na substandard ang materyales

Mga tao sa DPWH na mukhang pera

Nasaan ang puso nyo? Saan ang konsensya?

Ano kaya ang pakiramdam?

Habang kayo’y nakahiga yaman

Kami’y nagsisiksikan

Kami’y nalulunod sa baha ng inyong kasalanan

Kami’y nagbabayad ng buwis

Pinaghirapan, dugo’t pawis

Nguni’t bakit ninanakaw?

Mahiya naman kayo

Mahiya naman kayo…

Read: Jericho Rosales, nabuhay ang pagka-Pilipino sa Quezon movie

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo (left) and Kakki Teodoro (right) deliver their acceptance speeches after winning Best Actor and Best Supporting Actress, respectively, at the 48th Gawad Urian on October 11, 2025.
PHOTO/S: Manunuri ng Pelikulang Pilipino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results