GORGY RULA
Pinag-usapan sa social meida ang pag-playtime ng direktor na si Lav Diaz sa interpreter na nag-translate ng mga sagot niya sa TalkBack session pagkatapos ng screening ng pelikula niyang Magellan sa New York Film Festival noong Biyernes, October 10, 2025.
Nagkaroon ng screening ang Magellan noong October 9, at may additional screening pa noong October 10, at sa 13.
Kasama ni Direk Lav ang bida ng pelikula na si Gael Garcia Bernal.
Nag-English naman si Direk Lav nang bumati siya sa audience bago sinimulan ang TalkBak.
Pero pagdating sa Q&A, Tagalog na ang kanyang sagot sa mga katanungan.
Katabi ni Direk Lav ang screenwriter na si Gil Quito na nagsilbing "interpreter" ng direktor. Si Gil ang nagsulat ng screenplay ng classic film na Itim (1976).
Read: 48th Gawad Urian: Highlights and sidelights
LAV DIAZ SHOCKS HIS INTERPRETER
Tinanong si Direk Lav kung paano nila napagdesisyunang ang Mexican actor na si Gael ang gumanap bilang Ferdinand Magellan sa pelikula.
Seryosong sagot ni Direk Lav sa wikang Filipino, “Noong nagse-sex kami ni Joaquim Saphino at saka ni Albert Serra, napag-usapan na si Gael lang ang Magellan.”
Kitang-kita sa mukha ni Gil ang pagkagulat sa narinig, at natigilan sandali.
“I’m not sure… yeah!” pakli ni Gil.
“How do you say that?” nakangiting tanong sa kanya ni Direk Lav, na halatang pine-playtime ang interpreter.
“I just wanted to make sure,” sambit ni Gil.
“That was an accurate translation,” sabi naman ng host.
Pagkatapos ay isinalin na ito ni Gil sa English.
"I wasn’t sure I heard right,” medyo nahihiyang pakli ng translator.
May hirit uli si Direk Lav nang ipinagpatuloy ang kuwento ng pagtanggap ni Gael ng film project.
Pumayag daw agad si Gael nang kinausap ito ng co-producers na sina Joaquim Saphino at Albert Serra.
“E, sabi niya, okay lang kasi katulad ko rin siyang motherf*cker,” pabirong sabi ni Direk Lav, na tinranslate naman agad sa English.
“Isang metapora lang yan,” bawi naman ni Direk Lav.
Tinanong ng PEP Troika ang isa pa sa producers ng Magellan na si Paul Soriano tungkol sa nakakalokang pahayag ni Direk Lav.
Kinumpirma niyang biro lang daw talaga yun.
“Yes. He was just having a laugh/joke,” text ni Direk Paul sa PEP Troika.
Read: Oscar-winning actress Diane Keaton dies at 79
JERRY OLEA
Mukha namang nagpapakuwela lang si Direk Lav Diaz, pero yun kaagad ang pinik-ap at hindi yung mga seryosong pahayag ng acclaimed director tungkol sa pitong taong pagre-research nito sa kuwento ni Magellan.
Saad ni Direk Lav: “Isang bagay na nawala sa kasaysayan, dahil sinusunod nila ang naratibo lagi ng kanluran.
“Maganda yung sinabi ni Dennis [host] kanina sa introduction niya. Nalilimutan yung mga hindi nalagay sa kasaysayan.
“Ang tinatawag na nuance, ang tinatawag na ritmo, yung amoy — laging nandun sa ibabaw lang. Facade lang ang laging nasusulat.
“Katulad sa mga pangungusap ni Pigafetta, kung babasahin mo sa pagitan ng mga linya, ang daming nawawala, ang daming hindi nakikita.
“Ang kasaysayan na natanto ko sa walong taong pakikibaka sa paggawa ng Magellan, ang kasaysayan pala — hindi mo mayayakap kung hindi mo titingnan ang mas maliit na bagay.”
Read: MMFF 2025 official entries: A mix of horror, comedy, drama, thriller
NOEL FERRER
Natutuwa ang audience kapag humihirit ng biro si Direk Lav Diaz, kahit seryoso na ito sa mga sinasabi niya.
“All I’ve said is just a euphemism for masturbation, ha?” sinabi niya ito sa wikang English, hindi sa Tagalog.
Kaya hindi na umimik ang interpreter.
Dagdag niyang pahayag tungkol sa pagsaliksik niya sa kasaysayan ni Magellan; “Yung sinasabi ko na ang kasaysayan… ang hirap titingnan.
“Bumalik tayo sa nangyayari sa Gaza, sa nangyayari sa Ukraine, may sinusundang naratibo si Putin na tingin niya, katotohanan.
“May sinusundan ang Hamas na tingin nila, katotohanan. May sinusundan si Netanyahu na tingin niya, katotohanan.
“Ang hirap arukin ang kasaysayan sa pananaw ng ilan.
“Nakakatakot ang pagtingin sa kasaysayan. Ang kalaban mo lang ang katotohanan at kasinungalingan,” saad ni Direk Lav.
Nagbigay rin si Gael Garcial Bernal ng pagkilala niya kay Magellan, ayon sa kanyang pananaliksik.
Aniya: “After having read the, you know, the biography of Magellan… because you might know Magellan was always a traitor in a way. Or considered the traitor… on the margins of history in a way.”
Ang Magellan ang official entry ng Pilipinas sa Best International Feature Film category ng Oscars 2026.
Read: Magellan, napiling official entry ng Pilipinas sa Oscars
