GORGY RULA
Ang buong akala namin ay may raket si Paolo Contis sa Cebu noong nakaraang weekend, kaya nagkaroon siya ng chance na makasama ang mga anak niya.
Sinadya raw talaga roon ng aktor ang dalawang anak niya kay Lian Paz na sina Xonia at Xalene.
Hindi na idinetalye ni Paolo kung ano ang mga pinag-usapan nila, pero sobrang saya raw niya na muling naka-bonding ang kanyang mga anak.
Kasama rin ang bagong kasal na sina Lian at John Cabahug.
Post ni Paolo sa kanyang IG story: “Maraming kuwento. Pero ang pinakamagandang kwento ay ang pagpapatawad. Only by God’s Grace!”
Read: Paolo Contis bonds with daughters, Lian Paz, John Cabahug in Cebu

PAOLO THANKS LIAN AND JOHN FOR BONDING TIME WITH HIS DAUGHTERS
Sobrang nagpapasalamat ang Kapuso actor kina John at Lian dahil nabigyan siya ng sapat na oras na makasama ang dalawa niyang anak.
Nagpapasalamat din si Paolo sa magandang pagpapalaki nina John at Lian kina Xonia at Xalene.
“Yes. Super okay kami ng kids [smile emoji]. Ang gaganda at ang babait [smile emoji],” text ni Paolo sa PEP Troika nang kinumusta namin ang bonding niya sa kanyang dalawang anak.
Tinanong ko si Paolo tungkol sa ipinost niyang forgiveness, pero ayaw na raw niyang i-share kung ano ang pinag-usapan nila.
Ang maganda raw ay nabigyan siya ng sapat na oras na makasama at maka-bonding ang kanyang mga anak.
“Yung details ng mga usap namin, amin na lang yun, Gorgs. But definitely it was a great bonding day with John, Lian, and the whole family.
“I was able to spend more time with the kids the next day dahil humiwalay kaming tatlo and went to a different resort for 2 days,” text pa uli ni Paolo.

Nakakatuwa at maganda ang ganoong positive na balita.
Sana, ang susunod ay okay na rin sila ni LJ Reyes para sa kanilang anak na si Summer.
Read: Cup of Joe takes fans on a cosmic journey in Stardust concert
NOEL FERRER
May ipinost din si Lian Paz sa kanyang IG story na masayang nagkakahuntahan sina Paolo Contis at John Cabahug.
Nasa caption nito: “Hanggang anong oras ba kayo balak mag usap [laugh emoji].”
May sagot sa ibaba na, “Mahaba-haba pa to! Nasa season 1 pa lang kami ni @johncabahug87 [laugh emoji].”
Noon pa man ay sinasabi na ni Paolo na nagkasundo talaga sila agad ni John.
Ayaw na lang niya ikuwento ang buong detalye ng pagkakasundo nila noon pa, pero masaya raw silang lahat at isang pamilya ang turing nilang lahat.
Magandang blended family ang nakikita sa kanila.
Maganda sina Xalene at Xonia. Type bang mag-showbiz ng mga anak ni Paolo?
“Wag na! hahaha!” text uli ni Paolo sa PEP Troika.
JERRY OLEA
Mahigit 170,000 tao ang apektado sa 6.9 magnitude na lindol sa Cebu noong Setyembre 30.
Merong aftershocks siyempre doon hanggang ngayong Lunes, Oktubre 13.
Nakaka-good vibes na dinalaw ni Paolo ang dalawang daughters sa Cebu para maka-bonding ang mga ito.
Read: Carla Abellana, ikakasal na sa boyfriend na doktor sa December
