NOEL FERRER
Consistent ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa corruption at katiwalian na matagal nang nangyayari sa ating bansa.
Sa Facebook ay muling naglabas ng hinaing si Regine dahil halos 50% na tax ang kinakaltas sa kanya, pero wala naman daw siyang nakukuhang benepisyo mula sa ating gobyerno.
Read: Escudero, Revilla, Binay tagged in flood control controversy
REGINE VELASQUEZ RANTS ABOUT MASSIVE CORRUPTION
Litanya ni Regine: “Nung bata ako ang akala ko mahirap ang Pilipinas hindi rin nakatulong na pinanganak akong mahirap. Pero ngayon na pagtantutantu ko hindi tayo mahirap!! Pinahihirapan tayo!!!
“Ako po ay isang singer lamang na nagsumikap para maiahon ang aking pamilya sa hirap. Sa tulong ng ating Panginoon natulungan ko ang aking pamilya.
"Hangang ngayon ako ay nag tatrabaho ng marangal nag babayad ng wastong buwis.
“Ang aking income tax ay nasa 32% plus meron po akong vat na 12% 32+12=44% po ng pinaghirapan ko napupunta sa gobyerno pero wala akong nakukuha kahit anong benipisyo.
"Hindi po ba dapat ipaglaban nating lahat na meron tayong proper health care??
“Hindi ba dapat ipaglaban nating lahat na mabigyan ng magandang edukasyon ating mga anak. Matitinong infrastructure kasama pa dito ang ating siguridad.
“Bakit ako nagbabayad ng tax na halos 50% ng pinaghirapan ko tapos wala akong napakikinabangan sa ibinabayad ko??!!
"Sa ibang bansa pag ganito kalaki ang tax may pension kang matatangap pag nag retire ka dito nganga."
Sabi pa ng Asia's Songbird: “Hindi mahirap ang Pilipinas, sa aking palagay hinayaan nilang isipin nating mahirap ang bansa natin para hindi tayo magriklamo at para umasa na lang tayo sa mga barya barya nilang binibigay.
“Pag nag bibigay sila ng ayuda kailangan nila ipamukha sa inyo na galing sa sarili nilang bulsa ang natatanggap nyo nakapaskil pa mga mukha nila sa isang salop na bigas, na para bang galing sa pinaghirapan nila ang ipinamimigay nila (palakpakan)
“I’m ranting again I know pero ang laki ng utang ng gobyerno sa mga Pilipino. Hindi tayo mahirap pinahihirapan tayo!!!!!”
Hindi ba’t ramdam na ramdam natin ito ngayon?
At nakakapanghinayang magbayad ng tax para lang nakawin muli ng mga buwaya sa gobyerno.
Kaya’t habang walang nakukulong at itinatago sa tao ang tunay na nangyayari, habang walang pananagutan at walang napaparusahan, mananatili at lalo pang iigting ang galit ng mga tao.
At ibahin nila ang mga artists, ha, madaling makapukaw ng damdamin at suporta ang awit, pelikula o kahit na anong ilagay sa mass media.
Humanda talaga ang mga tiwali!!! Mahiya naman kayo!!!
Read: Regine Velasquez frustrated no corrupt officials jailed yet
GORGY RULA
Maraming magagaling na performers, singers, at stand-up comedians ngayon.
Pero iba pa rin talaga ang veteran singers at performers kagaya nina Mitch Valdez at Fe delos Reyes, na nakatsikahan namin sa aming radio program sa DZRH noong nakaraang linggo.
Abala sina Mitch at Fe sa promo ng nalalapit nilang show na pinamagatang Sex And The Seniors na gaganapin sa Teatrino, sa October 25, 2025.
Bagay sa kanilang pagiging kikay ang title ng show.

Sabi ni Mitch: “Parang nagkuwentuhan lang kami sa mga totoong experience. Tapos, kinuha namin si Mel Villena, yung batikang musical director na meron siyang AMP Band.
“Tapos nag-brainstorm kaming tatlo, and here is the show on its third repeat. O, hindi ba? Ang ganda, di ba?
“Pinag-uusapan namin yung nangyayari sa babae pag tumatanda. So, sabihin na natin, biological.”
Dagdag ni Fe: “Pero maraming kantahan and we talk about growing older, getting old, being a mother... being single, being a lola.”
Na dinugtungan ni Mitch ng, “Na nagse-sex pa.”
Base sa mga nakaraan nilang shows, nakakatuwa raw kapag nagre-react ang audience.
Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde
MITCH AND FE ON ISSUE ABOUT CORRUPTION
Hindi lang daw nila alam kung paano magre-react ang kanilang audience kapag na-tackle ang isyu ng corruption.
Tulad ng ilang performers, ginagawa na lang nilang comedy ang mainit na usaping ito.
“We include that naman in our shows, pero siyempre swabe lang. Di ba, Mitch?” sabi ni Fe.
Dagdag ni Mitch, “Pinag-uusapan nga namin ni Fe yan bago mag-show.
"Noon kasi, parang yung news at political jokes, panay tungkol sa mga alam mo na, hindi kanais-nais na ginagawa ng mga certain sectors in the government, ganyan-ganyan. O meron mga individuals na may identity.
“Ngayon kasi, iniisip ko rin, kaya pa rin kaya ng mga tao tumawa o magpunta sa show? Kasi parang sumobra yung galit, alam niyo yun?
“Sumobra yung galit talaga ngayon na kahit ang mga tao noon na walang masyadong pakialam. E, ngayon, kahit saan ka lumingon, galit na galit ang tao.
“So, iniisip din namin ni Fe yun kung gaano… how far we can go.”
Basta ang importante ay magpapatawa pa rin daw sila.
“Siguro, gusto pa rin nilang tumawa. Magpatawa na lang tayo. I think we need to laugh,” pakli ni Fe.
“Pero galit talaga ang tao. Galit talaga,” dugtong ni Mitch.
“E, kahit America rin naman, magulo rin dito,” sabi ni Fe, na based pa rin sa San Francisco, California.
JERRY OLEA
Sa 48th Gawad Urian noong Oktubre 11, 2025, Sabado, sa De La Salle University, Taft Avenue, Manila, ang daming nagpahayag ng ngitngit nila sa katiwalian sa gobyerno.
Pero ang tumimo sa akin doon nang lubos ay ang pag-awit ni Arman Ferrer ng "Mahiya Naman Kayo!" (Ay Grabe Music, arranged by Paulo Zarate).
Kinabukasan, sa 21st Cinemalaya awards night sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, napaluha ako sa pag-awit nina Justin Taller, Sky Bryant, at EL Juice ng "Bulsa."

Bahagi ng lyrics ng kanta:
Sino’ng umaahon, tayo ba o sila?
Mga ngiti nila habang nakalubog ka na
Sa’n napuntang bulsa, pinaghirapan kong mga barya
Minumulto na ng mga pangako niyo
HOY! MAKINIG KAYO!
Hoy! Hindi na ito tungkol sa salapi
Lubog ka na sa hirap, ang hirap pang ngumiti
Magtrabaho siyam na oras pero iyong pagod pag-uwi
Habang sila’y nasa palasyo, tapos sige ang bili ng kung anu-ano Rolls Royce, mamahalin na damit, tapos sapatos oh boy
Lubog na sa baha saka sa utang
‘Nak ng pusang mga buwayang nakalutang hangga’t merong mga tutang nagpapagamit sa mga oligarko
Na sabik na kunin yung dapat sa atin
Ay malabong humalik
Sa katotohanan na nagdulot sa ‘tin ng sakit
Na hangga’t may tulad nila sa Pilipinas
Mapait ang daranasin mo
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120M Filipinos want them dead
