GORGY RULA
Natutuwa si Gladys Reyes na ikinuwento sa amin na nadagdagan daw ang fans club niya.
Naloloka raw siya na sa edad na 48 ay meron pa pala siyang fans club.
Ang pagkakaalam lang daw niya ay meron siyang Gladyators na fans club, pero ngayon ay meron na rin siyang Gladynatics.
May mga bagets din siyang fans na tingin niya ay dahil na rin sa matapang na role niya bilang si Hazel sa Kapuso afternoon drama series na Cruz vs. Cruz.
Kaya nagpapasalamat si Gladys dahil nakakatawid pa siya sa Gen Z.
Read: Kapatid ng yayamaning aktres, nadiskubreng gay ang Japanese husband
THE HEART OF MUSIC
Masisipag daw ang kanyang fans sa pag-promote ng projects niya online, at mag-i-sponsor pa raw ng block screening sa kanyang pelikula.
Ito ay ang latest film niyang isang musical na The Heart of Music.
Siya ang bida sa pelikulang ito, at nakipagsabayan siya ng kantahan sa mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez.

“Ibang-iba, 180 degrees!” bulalas ni Gladys.
“Sabi ko nga, answered prayer ito. Kasi, nun pa talaga gustung-gusto ko na makagawa ng musical, pero sabi ko nun, sa stage.
“Pero imagine, movie pa yung binigay, di ba? Nauna pa sa movie. To think na hindi naman ako professional singer talaga.
“But I love to sing sa karaoke, and parang mahilig din naman talaga ako sa music. Hindi nga lang ako nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng album.
“Pero gustung-gusto ko talaga kumakanta, stress reliever ko yan, e.
“Kaya dito nga, nagpapasalamat ako sa Utmost Creatives at sa iba pa naming mga producers, ako yung napili nila as Yaya Madonna.”
Read: Lala Vinzon accused of perjury, defamation by former partner

NOEL FERRER
Wala raw ilusyon si Gladys Reyes na maging bida sa mga susunod niyang projects.
Okay na raw siya sa bida-kontrabida na ginagawa niya sa Cruz vs. Cruz.
GLADYS REYES, THE SAMPAL QUEEN?
Na-level up na ang pagiging kontrabida niya, dahil halos lahat ng characters sa seryeng ginagawa niya ay nakatikim na ng sampal niya.
Sabi ni Gladys, nagkataon lang na sunud-sunod ang mga eksenang nananampal siya. Hindi porke’t nagustuhan na ng mga tao yung pananampal niya.
“Ito nga, mga tine-taping pa lang namin, abangan niyo po. Kasi hindi yata makakalampas ang lahat ng mga cast, dumaan sa mga kamay ko.
“Siyempre, yung kumota na sa akin, si Neil [Ryan Sese], si Caprice [Cayetano], si Jessica, yung anak ko.
“Si Ate Vins, may sampalan pa kami, at yung iba.
"Ang mahirap lang sa akin, hindi kasi ako marunong mandaya, halatang-halata sa akin, e.
“Saka ako, hindi ko rin masyadong nararamdaman, at I think yung mga kaeksena ko okay lang sa kanila para totoo rin yung reaction nila,” saad ng isa sa mga primera kontrabida.
Read: Regine Velasquez, muling umalma sa matinding korapsyon
JERRY OLEA
Si Gladys lang yata ang artistang sa halip na magpa-picture sa kanya ang fans, nagpapasampal din daw ang mga ito sa kanila.
“Ngayon pa, pag sa labas ako, ang sabi nila, imbes na ‘Gladys pa-picture… puwede pasampal?’
“Nakakatuwa pa, hindi lang ka-age namin, pati sa Gen Z na rin. Saka siguro dahil sa TikTok nakikita din nila.
“Talagang iba, seryoso sila na magpasampal. Gusto nila naka-video.
"Siyempre ako naman, pagbibigyan ko sila, yung may konting eksena, hindi yung sampal agad,” lahad ni Gladys.
Nilinaw ni Gladys na porke’t marami ang natutuwa sa pananampal niya, ito na lang lagi ang pinapagawa sa kanya.
“Nagkataon lang na talagang nasa script din naman talaga namin," pakli niya.
"Kasi yung character din naman talaga ni Hazel Cruz, medyo mapanakit siya at saka maiksi rin yung pasensiya.
“May pagka-bipolar din naman siya. Minsan okay siya, minsan wala siya sa mood.
“Sa totoong buhay, meron din naman talagang taong ganun na yung maiksi ang patience at magaan ang kamay na madaling manakit.
“Pero siyempre, hindi naman natin pinu-promote yun. Hindi naman natin ine-encourage na maging maiksi ang pasensya at manakit,” saad niya.
CRUZ VS. CRUZ
Tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Gladys at ng buong cast ng Cruz vs. Cruz. Ang dinig namin, hanggang January 2026 pa sila.
Ito pa rin ang nangunguna ngayon sa afternoon drama ng GMA 7.
Siyanga pala! Nakuha ng PEP Troika ang rating ng pilot episode ng Hating Kapatid ng Pamilya Legaspi nina Zoren at Carmina na nagsimula noong Lunes, October 13, 2025. Naka-5.6% ito.
Ang Cruz vs. Cruz pa rin ang pinakamataas sa aftenoon dramas. Naka-6.3%, at ang Akusada ay 6.1%.
Read: Cinemalaya 2025 Awards Night: Highlights and sidelights
