PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica, di pa kumportable pag-usapan ang mga anak kay AJ

Aljur Abrenica, hindi umano nagkukulang sa financial support sa mga anak.
by PEP Troika
Published Oct 14, 2025
aljur abrenica on being a father
Aljur Abrenica confidently says that he is able to provide for the needs of all his children. "Ngayon. I mean, hindi ko kailangan ng masyadong maraming trabaho. Hindi ko masyadong kailangan ng maraming pera... Nakakapag-deliver tayo sa napag-usapan, di ba? Sa ikakabuti ng mga bata, sustento, oo."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Maingat si Kylie Padilla sa kanyang mga pahayag sa look test ng pelikulang The Lotto Winner noong Mayo 2025.

Nang usisain siya ni ka-Troikang Gorgy kung okay ba ang mga anak niya sa mga kapatid kina Aljur Abrenica at AJ Raval, natawa ang Kapuso actress.

Ang sabi ni Kylie, “Hindi ko alam yan… basta okay sila…. Balita ko naman na maalaga din naman si AJ. So, happy ako dun.”

Read: Kylie Padilla, maingat nang tanungin sa mga anak nina Aljur at AJ

Sa victory party ng pelikulang Mamay: A Journey To Greatness noong Agosto 23 sa isang restaurant sa Quezon City, inamin ni Jeric Raval na dalawa na ang anak nina Aljur at AJ.

Read: Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ at Aljur

ALJUR ABRENICA ON CO-PARENTING AND BLENDED FAMILY

Sa launch ni Aljur bilang brand ambassador ng Luxus Estetica furniture nitong Oktubre 14, 2025, Martes, sa Deer Claus, Jamboree St., Quezon City, inusisa ang hunk actor kaugnay sa maayos na co-parenting nila ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawa rin ang anak ni Aljur kay Kylie.

Smooth-sailing ang blended family nila? Nahanap niya yung rhythm or tempo, ika nga?

Hindi raw alam ni Aljur kung matatawag na bang blended family yung sitwasyon nila ngayon nina Kylie, AJ, at kanilang mga anak.

“Tanungin niyo ako tungkol sa rhythm, hindi ko rin alam sagutin yun,” malumanay na saad ni Aljur.

“Nahanap ko ba yung feel? Sa buhay naman talaga, walang madali.

"But as long as you do it with Him, di ba, with His guidance, I think He will give you the way and kung papaano harapin.

“Papaano ayusin, and He will give you that kind of comfort and peace talaga.”

Paano niya ilalarawan ang relationship nila ni Kylie as co-parents?

“Oh, yeah, good. Good talaga, e. With Kylie, OK na OK kami. We have constant communication,” lahad ni Aljur.

“Ang pinag-uusapan po namin ay updates sa mga bata. Kumusta sila ngayon. Pag-aaral nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Especially kumusta sila sa iPads, di ba, yung mga ganung technologies.

“Hindi ko kasi kayang mag-isa lang. Hindi rin niya kayang mag-isa lang din. So, nababalanse namin.”

Paano niya dinidisiplina ang kanyang mga anak?

“May iba’t ibang klase kasi ng pagdidisiplina. So, by the book din ako, especially nababanggit ko yung sa Bibliya,” tugon ni Aljur.

“May ways din ng pagdidisiplina ng bata doon. So, I spend time with them as much as possible as I can. Lalaki naman yung dalawang yun.

“And I set by ano [example]. Kung ayaw ko silang masyadong nagga-gadgets, dapat ganun ang makita sa akin.

“If I want to see my boys physically active, kailangan din nilang makita sa akin yun.

“Outdoors kami. Hindi lang kasi nakikita, naise-share sa social media. But we do horseback riding, basketball. Nagma-martial arts din, boxing. Bike.

“Mostly under the sun. Sa ilalim ng araw.”

Read: Wild Boys producers on "tragic experience" with Abrenica brothers

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

View this post on Instagram

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

ALJUR ABRENICA ON SUPPORTING HIS CHILDREN

Dahil lumalaki na ang mga anak niya, mas inspired siyang magtrabaho para paghandaan ang future ng mga ito?

Marami siyang pagkakagastusan kapag nag-aaral na ito.

“I think… lahat ng pangangailangan ko, naibibigay. Ngayon. I mean, hindi ko kailangan ng masyadong maraming trabaho,” sabi ni Aljur, na kasama sa primetime teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.

“Hindi ko masyadong kailangan ng maraming pera.”

Masinop siya sa pera, at may mga investments, di ba?

“Yes. Ang gusto ko lang sabihin, lahat ng pangangailangan ko, naibibigay,” paliwanag ni Aljur.

“Kung pangangailangan sa pagpapaaral sa kanila… meron tayo. Sa sustento, meron tayo.”

Walang maisusumbat sa kanya si Kylie pagdating sa usapin ng sustento?

“Oo, ahh, oo. Nakakapag-deliver tayo sa napag-usapan, di ba? Sa ikakabuti ng mga bata, sustento, oo.”

Read: Carla Abellana, ikakasal na sa boyfriend na doktor sa December

aljur abrenica
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nakatsikahan ng PEP Troika si Jojo Veloso, ang manager ni AJ Raval, sa mediacon ng 1st Cine Silip film festival noong Oktubre 2 sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.

Ani Jojo, babalik si AJ sa pag-aartista pero hindi na raw ito maghuhubad.

“Well, for that, hindi kasi ako makakasagot for her,” reaksiyon ni Aljur nang tanungin tungkol dito.

OK lang sa kanya na bumalik na si AJ sa pagtatrabaho?

“Para sa akin… it’s not for me to ano, e, parang to say kung anong gagawin niya, e,” sagot ni Aljur.

“Siya na lang ang tanungin niyo.”

AJ Raval answers basher of Aljur Abrenica
AJ Raval and Aljur Abrenica
Photo/s: Courtesy: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALJUR ABRENICA ON REAL SCORE WITH AJ RAVAL

For the record, ano ba ang totoong sitwasyon nila ni AJ?

Sinabi ni Jeric Raval maging sa Fast Talk with Boy Abunda noong Setyembre 30, 2025, na 15 ang kanyang mga apo, kabilang ang dalawa kina AJ at Aljur.

Napabuntong-hininga si Aljur. “Well, si Father Jeric, tatay yan, e. Dad yan, e. Pero… he always sees parang what’s good for everyone.

“Tama lang naman yun. Yung para sa akin, for now, pasensya na. I cannot talk about it personally.

“I cannot talk about it personally because I’m not yet comfortable…

“Bilang isang indibidwal… para sa akin, nakikita ko, huwag muna.

"Pero everything will be ano naman, revealed by time, di ba, sa mga susunod,” pagkibit-balikat ni Aljur.

Na-offend ba siya dahil na-preempt ni Jeric ang pag-amin tungkol sa dalawang anak nila ni AJ?

“Alam niyo po kasi, tatay din yun, e. So, si Tatay Jeric, malaki ang respeto ko sa kanya,” pahayag ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And tatay din yan. Alam mo yung kumplikasyon sa mag-ama minsan? Tapos hindi niyo nakikita.

“Sometimes kasi, yung mga tatay na ito, mas matanda sa atin yan, e. They see things that we don’t see.

“Pero eventually you’ll see, ‘Ahhhh!’ So that’s how I see it.”

Read: Vico Sotto to "dishonest" Pasig City barangay officials: "Enough is enough."

GORGY RULA

Bago ang open forum ay pumirma muna ng kontrata si Aljur sa Luxus Estetica, kasama ang owners na sina Pauline May Publico at April Martin.

aljur abrenica endorsement
Aljur Abrenica with Luxus Estetica owners Pauline May Publico and April Martin.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-usapan ang considerations ni Aljur sa pagpili ng mga furniture na comfortable at swak sa kanyang style.

Pero ano ba ang maituturing niyang “perfect home”?

“As long as you have your family safe. Definition of perfect home, as long as you’re aligned with God,” sambit ni Aljur.

“And nagli-lead ka sa pamilya mo, na naaayon sa Kanya. And tao lang naman tayo to whatever happens, di ba?

“Lahat tayo, doon tayo pupunta. Whatever happens to you, as long as you learn and you move forward.

“Pag may natutunan ka, you move forward. I think that’s home for me, di ba?

“When learnings come, may mga mistakes, and you come out of it, di ba? Tapos natututo yung family. That’s home for me.”

Read: Paolo Contis, baon ang "pagpapatawad" mula sa pagbisita sa Cebu

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica confidently says that he is able to provide for the needs of all his children. "Ngayon. I mean, hindi ko kailangan ng masyadong maraming trabaho. Hindi ko masyadong kailangan ng maraming pera... Nakakapag-deliver tayo sa napag-usapan, di ba? Sa ikakabuti ng mga bata, sustento, oo."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results