JERRY OLEA
Ikinakasa na ni Meryll Soriano ang pagdidirek ng short film at full-length film next year.
Isa sa producers ng projects ay ang CreaZion Studios, na nagma-manage ngayon ng career niya.
“I think we’re also looking for other producers na magko-co-prod,” sabi ni Meryll sa mediacon noong Oktubre 9, 2025, sa Midnight Dream Studio, K-Park, Glorietta 1, Makati City.
Bakit hindi nila kuning co-producer ang ama niyang si Willie Revillame?
“Oo nga. Itanong mo nga,” sey ni Meryll.
Pero dagdag niya: “Magkaiba kasi kami ng field. So, my father is not very into the arts. Mas iba yung business model niya on ano.
“But hopefully, puwede naman siyang lapitan in time pag buo na yung project. Bakit naman hindi? It’s worth a try.”
Bakit parang napaka-careful niya sa pagsasalita tungkol sa paghingi ng tulong sa kanyang ama?
“Very careful pa rin ako. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ng premyadong aktres.
Read: Aljur Abrenica, di pa kumportable pag-usapan ang mga anak kay AJ Raval
MERYLL SORIANO AS A NEPO BABY
Technically, nepo baby siya, di ba?
Tumango si Meryll: “Oo! Pero nepo baby na at least, sa art side. Ha! Ha! Ha! Hindi sa… sabi ko nga, buti na lang.”
Wala siyang pag-flex ng mga mamahaling damit at gamit…
“E, kasi wala naman akong ganun. Sa bahay lang ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Nagpapadede!” bulalas ni Meryll.
Hindi siya yung anak na palahingi o palaasa sa yayamaning daddy?
“Hindi, hindi. And also because my father is not like that. So, napatunayan na namin na hindi basta-basta na ganun lang siya magbigay ng help or ng money or ng whatever,” pagtatapat ni Meryll.
“Hindi kasi siya nag-i-spoil, e. Hindi kami spoiled sa kanya. Di ba, kita niyo naman?
“And ako naman kasi din, maaga akong nag-work. Maaga ko ring napatapos yung mga kapatid.
“So, parang hindi ako yung kalabit-penge. Kalabit-penge ang tawag dun, e! ‘Papa, penge!’ Hindi ako ganoon. Hindi ko rin siya values.
“So siguro, kung tutulungan niya — pero dapat, buung-buo na iyong project. May script na, may ano na. Yung logistics, buo na.”
Akala namin noon ay si Meryll na ang magpapatakbo ng mga negosyo ni Willie, pero mas gusto pa rin niya sa arts?
“I’m helping him also now. I’m happy… Natuwa siya. I’m happy and, you know, it’s time,” pagngiti ni Meryll.
“Kasi I really want a relationship with him. Mahal ko kasi ang tatay ko, e. And of course I’m happy na nakakasama ko siya ngayon, di ba?
“Na nakikita ko kung papaano siya mag-isip, kung papaano siya sa aming magkakapatid.
“And finally nabuksan din yung door na magkaroon kami ng relasyon. Masaya ako.”
Officially, ano ang posisyon niya?
Napangiti muli si Meryll, “COO. Child Of Owner. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: Kapatid ng yayamaning aktres, nadiskubreng gay ang Japanese husband
GORGY RULA
Mabuti at nag-yes na si Meryll Soriano sa pagtulong sa negosyo ng amang si Willie Revillame.
“Kasi siyempre, alam ko naman na totoo din naman iyon na siyempre, sino ba ang mapagkakatiwalaan niya?” saad ni Meryll.
Ateng-ate siya sa mga kapatid. Nagkakabuklud-buklod silang magkakapatid dahil sa kanya…
“I know, I know. Panganay kasi, e.”
MOMMY LINDA
Marami na rin kasing blended family sa showbiz.
“Saka kasi si Mommy Linda, ang nanay, di ba, ang original na Darling of the Press!” sabi ni Meryll.
“Si Mommy Linda, lumalaki ako, walang ano diyan. Bakla, tomboy, may kriminal o ano, isang bahay lang yan.
“Wala siyang judgment sa mga tao. So, iyon ang na-acquire ko through the years.”
Na-feel ba niya ang pagiging nepo baby habang lumalaki siya?
Napakunot-noo si Meryll: “Alam mo, nepo baby kasi ako. Pero naging negative na lang kasi because it’s just a term.
“It’s just a term na totoo naman pero siyempre, I work hard. So, hindi ako affected na ma-brand ako.
“Sabi ko, ako ang nepo baby na walang pera! Leche sila… naging negative na lang siya, di ba?
“And ako naman, proud ako na pamangkin ako ni Maricel [Soriano]. Talented naman. Proud ako na anak ako ni Willie.
“So, it doesn’t hurt my ego.”
Read: Lala Vinzon accused of perjury, defamation by former partner
NOEL FERRER
Yung short film na isu-shoot ni Meryll Soriano sa first quarter ng 2026 ay tungkol sa postpartum psychosis.
Nakuha niya ang idea sa napanood niyang documentary kung saan pinatay ng isang ina ang kanyang mga anak. Sa ibang bansa ang nasabing kaso na napanood niya.
Sa pagre-research ay nadiskubre nilang meron ding ganoong pangyayari sa Pilipinas.
Yung full-length film ay tungkol naman sa grief.
“It’s something very, very, very close to my heart, na hindi ko pa nae-experience pero nakikita ko sa mga taong malapit sa akin,” sambit ni Meryll.
“Yung loss pag namatayan ka. Something I’m very, very curious about.”
Siyangapala, si Meryll ang unang best actress ng Cinemalaya filmfest para sa pelikulang Room Boy (2005) na idinirek ni Aloy Adlawan.
Wala pa ba siyang gagawing Cinemalaya movie?
“Ako nga, nagtataka na ako minsan. Bakit ba wala akong nakukuhang project dito?!” sey ni Meryll, na nagbasa ng citation para sa best actress ng 21st Cinemalaya awards night noong Oktubre 12, Linggo, sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.
Read: Meryll Soriano, handa nang magdirek ng short at full-length films
