PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Jerrold Tarog, umaasang tumatak si Jericho bilang Quezon

Ano ang mas kailangan ng Pilipinas ngayon: Bayani o bayanihan?
by PEP Troika
Published Oct 15, 2025
jerrold tarog quezon movie
Director Jerrold Tarog hopes Jericho Rosales will be remembered for his portrayal of Manuel L. Quezon, much like Cesar Montano was for Jose Rizal and John Arcilla was for Heneral Luna.
PHOTO/S: Jerry Olea / TBA Studios

JERRY OLEA

“Kawawa ang bayan na walang bayani, pero mas kawawa ang bayan na nangangailangan pa ng bayani."

Quotation iyan mula sa German poet, playwright, and theatre director na si Bertolt Brecht (1898-1956).

Sa mediacon ng pelikulang Quezon noong Oktubre 7, 2025 sa Manila Hotel, tinanong ng PEP Troika ang direktor na si Jerrold Tarog kung kailangan ba ngayon ng Pilipinas ang bayani?

Read: Lala Vinzon accused of perjury, defamation by former partner

“I think mas kailangan natin yung kabayanihan within every citizen,” tugon ni Direk Jerrold.

“Personally, kung kailangan ba natin ng bayani? Definitely we need good leaders pero I think we need more good citizens than good leaders.

“Kasi, hindi naman mangyayari iyong mga nangyari ngayon kung… if we don’t hold people accountable.

“So it always starts with kabayanihan in ourselves.”

Si Manuel Luis Quezon (1878-1944) nga ba ang gumawa ng blueprint para sa dictatorship sa bansa, na siyang nagbigay-daan sa martial law noong Setyembre 21, 1972?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes,” sambit ni Direk Jerrold.

“It’s all in the books din naman kasi, e. So, parang hindi lang kasi siya napag-uusapan.

“So we’re hoping na ito yung isang way para mahikayat pa yung mga tao na magbasa rin, hindi lang manood ng pelikula.

“Kasi, karamihan ng mga nilagay namin, nasa libro rin.”

QUEZON: THIRD MOVIE IN THE BAYANIVERSE

Ang Quezon ay ikatlong pelikula sa bayaniverse ni Direk Jerrold.

Nauna ang Heneral Luna (2015) ni John Arcilla, na sinundan ng Goyo: Ang Batang Heneral (2018) ni Paulo Avelino.

bayaniverse
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang dekada na ang lumipas mula nang ipalabas ang Heneral Luna, pero parang hindi pa natutunan ng mga Pilipino ang mga aral nito?

“Well, limitado naman ang powers ng pelikula, for sure. So we’re just trying to tell our stories,” pagmamatuwid ni Direk Jerrold.

“And hopefully, may mga ibang tao na may mas substantive na puwedeng gawin tungkol doon.”

May sentimiyento na dahil sa pelikulang Heneral Luna, mas naging open-minded ang mga tao sa pagmumura ng mga lider.

Naikokonek iyon kay Former President Rodrigo Roa Duterte.

“Well, Duterte has always been Duterte. So, parang even without Heneral Luna, he probably would have won,” wika ni Direk Jerrold.

“So, nagkataon lang na sumabay yung pelikula more or less sa ganoong mga pangyayari.

“Yes, I was aware of that, pero to say na yung pelikula ay responsible for that ay parang that’s a stretch.”

Read: Vico Sotto to "dishonest" Pasig City barangay officials: "Enough is enough."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERICHO ROSALES AS QUEZON

Kung si Cesar Montano ay matatandaan sa role niya sa pelikulang Jose Rizal (MMFF 1998) at si John Arcilla ay nakilala sa pagganap sa Heneral Luna (2015), si Jericho Rosales naman ay kikilalanin kaya sa pagbibida sa Quezon (2025)?

“Yeah, I’m hoping. Kasi, so far, we’ve screened the film to certain people, gustung-gusto nila!” bulalas ni Direk Jerrold.

“So, I’m hoping nga na malakas yung impact.”

Palabas na ang Quezon sa 260 sinehan nationwide ngayong Oktubre 15, 2025, Miyerkules.

Para sa mga guro at estudyante, ang ticket price ay PHP250. Magpakita lamang ng ID.

Maliban kay Jericho, nasa cast ng Quezon sina Karylle, Mon Confiado, Iain Glen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Benjamin Alves, Arron Villaflor, JC Santos, Jake Macapagal, Bodjie Pascua, Angeli Bayani, Jojit Lorenzo, Therese Malvar, Ana Abad Santos, Ketchup Eusebio, at Nico Locco.

Ang MTRCB rating ng Quezon ay PG (Parental Guidance).

Read: Regine Velasquez, muling umalma sa matinding korapsyon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sa laki ng production cost ng historical film na Quezon, mababawi kaya ang puhunan nito?

“Ay! Malalaman natin,” sabi ni Direk Jerrold Tarog.

Ito ba ang pinakamagastos sa tatlong pelikula sa bayaniverse?

“Hindi. Goyo is still the most expensive ever.”

Ito ang pinakamahirap gawin?

“Physically, Goyo was the hardest. Pero mentally, ito yung pinakamahirap.”

Bakit?

“Dahil yung nuances ng mga away-away nila. And how to make it entertaining and keep the attention of the audience.

“So that was really hard sa editing and sa technical aspects.”

AFTER SHOOTING QUEZON

Buwis-buhay si Direk Lav Diaz sa pagdidirek ng Magellan starring Gael Garcia Bernal. Nagkasakit si Direk Lav.

Kumusta si Direk Jerrold after doing Quezon?

Natatawang tugon ni Direk Jerrold: “Pagod lang. Maliban sa nagsulat, ako rin yung gumawa ng music at saka nag-edit.

“So in between shooting days, ine-edit ko na yung pelikula. So, hindi naman ako nagkasakit dahil doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero for sure, pagod. Hanggang ngayon, pagod pa rin ako, e. Pero I’m hoping na makapagbakasyon na ako pag pinalabas na yung pelikula.”

Hindi siya na-consume ng Quezon?

“Na-consume yung oras ko, for sure. Kasi gigising ako ng alas siete, mag-i-score ako ng pelikula, matutulog ako, 11:00 P.M. na,” lahad ni Direk Jerrold.

“Ganoon, so dire-diretsong trabaho siya.”

Ano ang reaksiyon niya matapos ang post prod ng Quezon — napaiyak, nakahinga nang maluwag, or what?

“Nakahinga nang maluwag, for sure. Ang sarap ng mawalan na ng paki!” bulalas ni Direk Jerrold.

“Kasi for several months, palaging may paki ako, e. And then noong matapos na, OK, wala na akong paki. OK na.”

Masaya ako at may mga tao nang panoorin ko ang pelikula ngayong Miyerkules ng hapon. Sana, magtuluy-tuloy ito, at dumami pa!

Read: Cinemalaya 2025 Awards Night: Highlights and sidelights

GORGY RULA

Noong panahon pa lang ng Heneral Luna, ini-announce na ni Direk Jerrold Tarog ang Quezon movie. Mahigit sampung taon na sa diwa ni Direk Jerrold ang Quezon, na akala ng iba ay hindi na matutuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako rin, akala ko, hindi na matutuloy. Dahil sa funding,” pagtatapat ni Direk Jerrold.

“Funding talaga siya. Noong pandemic, nagkasira-sira lahat. So, hindi ko alam kung matutuloy siya.

“And same as Heneral Luna before, na feeling ko, hindi ako makakahanap ng pera for that. So, parang kinalimutan ko yung Luna.

“And then one day, tumawag na lang sila. Sabi, may pera. Ganoon din yung nangyari sa Quezon.

“Parang kinalimutan ko siya. Kasi feeling ko, hindi na kami makakahanap ng pera.

“And then suddenly, one day, sabi ni Daphne [Chiu-Soon, producer], may pera na. O, sige!”

FROM TJ TRINIDAD TO JERICHO ROSALES

Originally ay 2020 target ipalabas ang Quezon, na bida sana si TJ Trinidad. Iba yung script noon kumpara sa final draft.

“Nag-iba kasi for a while, dumaan siya sa Amazon [Prime Video], noong may Amazon pa dito,” pagsisiwalat ni Direk Jerrold.

“And then may mga pinabago sila sa script which I thought was actually helpful. Kasi hindi ako sobrang happy doon sa first draft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, at least nabigyan kami ng opportunity para ayusin pa siya. And then masaya ako doon sa kinalabasan.”

Blessing-in-disguise na hindi agad siya nagawa.

“Yes! Minsan nakakatulong iyon na mas matagal.”

Siyanga pala, showing na rin today sa local cinemas ang The Marianas Web nina Alexa Ocampo at Ruben Soriquez, Good Fortune ni Keanu Reeves, Kiss of the Spider Woman nina Diego Luna at Jennifer Lopez, at Black Phone 2 ni Ethan Hawke.

Read: Lav Diaz, may shocking "revelation" paano napili si Gael Garcia Bernal bilang Magellan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Jerrold Tarog hopes Jericho Rosales will be remembered for his portrayal of Manuel L. Quezon, much like Cesar Montano was for Jose Rizal and John Arcilla was for Heneral Luna.
PHOTO/S: Jerry Olea / TBA Studios
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results