PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gina Alajar, inaming nagdalawang-isip sa pagbabayad ng tax

Gina Alajar, nagbasa muna ng Bible bago magbayad ng tax.
by PEP Troika
Published Oct 15, 2025
gina alajar philippine film industry month
Gina Alajar: “Mabigat sa loob ko. Nag-iisip pa nga ako, nagtatalo pa ang utak ko. 'Papaano kung hindi ako magbayad?' Siyempre ikukulong ako ng BIR, di ba? Ipapatawag nila ako sa korte ng BIR, idedemanda nila ako. Bakit hindi ako nagbayad. Anong isasagot ko dun? Ang isasagot ko dun, ‘E, ninanakaw lang naman nila, e. Imbes na nakawin, gastusin ko na lang sa sarili ko.’"
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Natatawang ikinuwento sa akin ni Gina Alajar na nagdasal muna siya at nagbasa ng Bibliya bago magbayad ng income tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nakapanayam namin ang actress-director sa aming radio program sa DZRH noong Martes, October 14, 2025, para sa promo ng pelikulang Everyone Knows Every Juan na magso-showing na sa October 22.

Read: Regine Velasquez frustrated no corrupt officials jailed yet

GINA ALAJAR ON INNER STRUGGLE BEFORE PAYING HER TAXES

Kuwento sa amin ni Direk Gina, nung araw na yun ay kinailangan na niyang magbayad ng tax sa BIR, pero mabigat daw ang loob niyang bayaran ito.

“Totoo yun! Because I didn’t want to pay. Ayoko magbayad talaga," pag-amin ng award-winning actress.

“I just paid today. Hahaha! The second installment of my ano, my 2024 income tax.

“I had a hard time… nahirapan ako. Kasi naglalaban yung loob ko. 'Gagawin ko ba o hindi ko gagawin? Magrerebelde ba ako o hindi?' Ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mabigat sa loob ko. Nag-iisip pa nga ako, nagtatalo pa ang utak ko. 'Papaano kung hindi ako magbayad?'

"Siyempre ikukulong ako ng BIR, di ba? Ipapatawag nila ako sa korte ng BIR, idedemanda nila ako. Bakit hindi ako nagbayad.

“Anong isasagot ko dun? Ang isasagot ko dun, ‘E, ninanakaw lang naman nila, e. Imbes na nakawin, gastusin ko na lang sa sarili ko.’

“Hindi naman nila tatanggapin yun sa korte, di ba?

“At the end of the day, ako lang naman ang may kasalanan,” sabi pa ng actress-director.

Mabuti at napakalma raw siya pagkatapos magdasal at magbasa ng Bible.

“But then, you know, after reading the Word of God... and researching kung ano yung sinabi ng Banal na Salita tungkol sa pagbabayad ng taxes, tungkol sa pagsunod sa institusyon sa gobyerno natin, medyo naibsan naman yung puso ko,” saad ni Direk Gina.

Read: Escudero, Revilla, Binay tagged in flood control controversy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

May naririnig daw siyang mga hanash ng iba na dapat ay huwag tayong magbayad ng buwis.

May nagsasabing dapat magkaroon ng tax break o tax holiday.

Kung sakaling may mangunguna raw sa ganung pag-aklas, isa raw si Gina sa makikisama.

“But if there is a movement na, you know. If there is a movement na lahat tayo, ano diyan, huwag tayo magbayad ng taxes. I will join.

“But rebellion is out of the question,” sabi ni Gina.

GINA ALAJAR ON CALL FOR TAX BREAK

Naiintindihan daw niya na ganun na lang ang galit ng mga tao sa nangyayari ngayon.

Aniya: “Lahat tayo yata nasaktan… may galit, nagalit tayo, sa mga puso natin. And we just deal with it differently, you know.

“Merong iba na very vocal, merong iba na tahimik lang.

"Merong iba na sinasarili nila, but then naaapektuhan sila. Nagkakaroon sila ng mental health problem, you know.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yun bang halos wala ka na ngang trabaho, tapos nagbabayad ka ng taxes, and then you will find out na yung binabayad mo ay ninanakaw nitong mga taong ito. Ninanakaw ng gobyerno.

“So, parang feeling mo, sana hindi ka na lang nagbayad. Sana yung binayad mo na tax, ginamit mo na lang sa pangkain mo kung nanakawin din naman. Kasi, harap-harapan nang pagnanakaw yun.

“But then, marami ang nagsasabi ng tax break, maraming taxes, mga ganyan. Huwag muna magbayad, ganyan.”

Pero nabasa raw niya sa Bibliya kung ano ang nararapat na gawin.

“Ako, hino-hope ko rin yan… but then, kailangan din nating isipin na hindi yan ang plano ng Diyos.

“Di ba, ang sinasabi, 'Give to Caesar what’s unto Caesar. And give to God what is to God.'

“So, yung gobyerno natin, kahit gaano pa kasama yan ay inilagay yan ng Panginoon to rule us,” aniya.

Read: Curlee Discaya, gustong bawiin ang PHP60M mula kay Arjo Atayde

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ang panalangin na lang ni Gina Alajar ay managot ang dapat managot.

Naniniwala siyang ang Panginoon ang gagawa ng paraan at kikilos kung ano ang nararapat sa mga taong involved sa anomalyang ito. Mas alam daw ng Panginoon kung sino ang mga taong ito.

“But the best part of it is that totoo na walang lihim na hindi nabubulgar,” pakli ni Direk Gina.

“Totoo na walang kasalanan na hindi pagbabayaran. Imagine, ilang taon nila itong ginagawa?

“Siguro sa kanila, kaya sila tuwang-tuwa, akala nila hindi sila mabubuko, dahil ang linis ng pagkagawa nila. Totoo namang ang linis ng pagkagawa nila.

“Ang nakalimutan nila ay merong isang Diyos na nandun sa langit na nakakakita sa kanilang lahat.

"Nakakakita kung anong iniisip nila, nakikita kung ano yung nasa puso nila, at kilala sila ng Panginoon.

“Bawat isa sa kanila, alam ng Panginoon kung sino sila, at kung ano yung pangalan nila. I think, nakalimutan nila yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya inaasahan ni Gina na mananagot ang dapat na managot at pagbabayaran ito ng mga taong may kasalanan.

“Ang prayer ko lang, and I think this should be the prayer of everyone also, na kasi we have a just God naman, e.

“Ang dapat nating ipag-pray ay makulong kung sino ang dapat makulong. Maabsuwelto kung sino ang dapat maabsuwelto.

"Kasi I’m sure marami ang sabit lang diyan. Maaring hindi lang nila alam, hindi ba?

"Yung mga walang alam talaga ay maabsuwelto, malaman kung ano ang katotohanan.

"Pero dapat pagbayarin ang talagang may kasalanan. Ang kanilang mga kasalanan, pagbayaran nila, may consequences yun.

“Kung kinakailangan silang makulong habang buhay, dapat makulong sila. At sana maibalik yung pera sa kaban ng bayan.

“And the most important thing is sana makilala nila ang Diyos. Sana, tumawag sila sa Diyos,” pahayag ni Direk Gina.

Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Alajar: “Mabigat sa loob ko. Nag-iisip pa nga ako, nagtatalo pa ang utak ko. 'Papaano kung hindi ako magbayad?' Siyempre ikukulong ako ng BIR, di ba? Ipapatawag nila ako sa korte ng BIR, idedemanda nila ako. Bakit hindi ako nagbayad. Anong isasagot ko dun? Ang isasagot ko dun, ‘E, ninanakaw lang naman nila, e. Imbes na nakawin, gastusin ko na lang sa sarili ko.’"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results