GORGY RULA
Ngayon lang kami nabigyan ng pagkakataong makapanayam si Chad Borja upang linawin ang kuwento tungkol sa pagkakasakit niya noong 1998.
Naging dahilan iyon ng pagtigil niya sa pagkanta at nagpahinga muna siya sa tahanan niya sa Davao City.
Humarap si Chad sa ilang miyembro ng entertainment press noong Huwebes, October 16, 2025, para sa promo ng concert niyang All That Sound na gaganapin sa Music Museum sa November 28.
Dito ay isinalaysay ng singer ang pagkakaroon niya ng thyroid cancer o papillary carcinoma (stage 1).
Read: Marian Rivera swarmed by fans at Vietnamese fashion house's event
CHAD BORJA AND HIS BATTLE WITH CANCER
Malaki raw ang nabago sa buhay niya magmula noon.
Tinanong namin sa kanya ang mga natutunan niya sa karanasang yun.
Lahad ni Chad: “Nung nasa Makati Med ako, while recuperating, merong nasa harap ng aking kuwarto, merong nag-successful na heart transplant.
“Tapos… successful heart transplant, pero namatay siya after two weeks.
“Nagkaroon ako ng parang trauma na ayokong mangyari sa akin yan.
“In fact, walang press na makakapasok sa kuwarto ko, kasi ayaw kong ma-stress. Baka mamatay ako sa stress.
“Of course, pag may bisita ka, kailangan mong kausapin, di ba?
“So, ang nangyari dun sa kabilang kuwarto, hindi siya namatay sa transplant, kundi sa stress.
"Kasi naging successful ang kanyang transplant, tumatanggap siya ng mga bisita. Ayoko ng ganun.
“Kaya ang ginawa ko, hindi talaga ako tumanggap ng bisita sa hospital. And then… of course, marami kang realization na wow!
“Cancer! Parang… tanong ko sa doktor, 'Ilang taon na lang ba akong mabubuhay?'”
Tandang-tanda pa ni Chad kung kailan pumanaw iyong pasyenteng nagpa-heart transplant — Oktubre 8, 1998.
Read: Meryll Soriano, hindi ikinahihiyang nepo baby: "Hindi ako yung kalabit-penge."

CHAD BORJA ON HEALTHY LIFESTYLE
Maingat na si Chad kanyang kalusugan at regular pa rin siyang nagte-take ng gamot niya.
Kagaya noong presscon, nag-take na raw siya kaagad ng gamot at baka malimutan niya.
Pinupulikat daw siya at parang may nagte-twitch sa mata niya. Kailangan daw niyang magdagdag ng calcium araw-araw.
“Ngayon, parang hindi ako makapaniwala na nagka-cancer ako," pakli ni Chad.
“May dala akong bag lagi, hanggang ngayon, may iniinom pa rin ako na gamot.
“Nagsimula yan sa piso bawat isa, ngayon nasa dose na sa sobrang tagal. Yung calcium, meron akong hormones na iniinom. Sa ngayon Vitamin D, to help the absorption ng calcium.
“Realization, ang natutunan ko dun, ang buhay, anytime… parang tomorrow is not guaranteed, no?
"So, para sa akin, I always savor every day, every moment na meron ako.
“Nandito tayo ngayon, I’m so grateful na nakapagbigay kayo ng panahon.
“Natutunan ko yung how you react in everything in life, no?
"Kung may isang tao na sasabihin sa iyo na masama, bago mo i-control yung sarili mo, papatulan ko ba ito o hindi? Yun ang natutunan ko, e.
“I learned how to say no to my friends.
“Dati kasi, kaya siguro ako nagkasakit kasi sa sobrang stress na pag nag-imbita si ganito, nag-imbita si ganyan, kahit kulang sa tulog, pumupunta pa rin ako,” saad ni Chad.
Read: Kathryn Bernardo's Influential award draws mixed reactions from netizens
NOEL FERRER
Proud si Chad Borja na sa edad na 59 ay name-maintain pa rin niya ang ganda ng pangangatawan na parang walang sakit. Matikas pa rin.
Noong kabataan niya ay marami talaga ang nagnanasa sa kanya, lalo na ang mga kabadingan.
Napangiti na lang siya nang itinanong ito sa kanya, tungkol sa temptations at indecent proposals.
“In-accommodate ko yung iba,” napangiti niyang pakli.
“Ang ibig sabihin, alam ko na yung consequence na kapag papatulan mo ang isang bagay, alam mo kung ano, ikabubuti mo ba o hindi.
“But during that time, aaminin ko nung panahon na yun, wala e. Hindi mo masyado naisip yun, kasi bata pa.
“Parang hindi nga ako marunong mag-ipon, no? Gabi-gabi, pag lumalabas ako, umiinom, hindi ko naisip kung paano magtipid, no?
“Ang kagandahan lang sa buhay ng tao, may tinatawag na may panahon talaga na bibigyan ka ng lesson.
“So, para sa akin, nung nagkasakit ako, yun yun, e. Parang wake-up call na para bang, ano ba, itutuloy ko ba yung gagawin mo o parang ganun. Nag-reset lang ako.
“So ngayon, grabe. Kung isusulat yung buhay ko, napaka-interesting, maraming masasaktan, maraming madadamay,” sambit ni Chad.
GAY BENEFACTOR?
Noong nagkasakit siya, may tsismis na may sumagot ng hospitalization niya. Meron pang na-involve na gay benefactor umano na siyang sumagot daw ng pagpapagamot?
Ani Chad: “Nung panahon na yun, financially, medyo kumikita naman ako nung panahon na yun. Kasi during that time, busy ako.
“Nung panahon na yun, maraming shows at kaya ako tumigil, kasi naisip ko gusto ko bang mabuhay?
"Kasi kung itutuloy ko ito, baka mas mapaiksi lang ang aking buhay.”
Read: MTRCB 40th anniversary: Highlights and sidelights

JERRY OLEA
Masayang ibinahagi ni Chad na okay na siya at zero na yung possibility na bumalik ang kanyang cancer.
“I still can’t believe. I’m 59 years old. Twenty-five years, nagkaroon ako ng cancer.
“Siguro mga two months ago, sa papillary carcinoma kasi, thyroid cancer, every six months kailangan i-check yung dugo mo kung bumabalik, o nagre-recur yung cancer cells.
“But lately, kagandahan lang, kasi twice na. Bumalik ako sa doctor ko, sinabi ng doctor na wala na. Thyroglobulin, nag-zero talaga siya.
“So ang ibig sabihin pag nag-zero… yung goal ng doctor na pag nag-zero, wala na talaga yung cancer.
“Kasi pag meron pang naiwan na point something, ibig sabihin nun, yung cancer cells, nandiyan pa,” saad ni Chad.
Read: Daniel Padilla on Kaila Estrada: "Huwag niyo na muna kaming kulitin, just let it be."
TWENTY-FIVE YEAR BATTLE WITH CANCER
Nasusulat noon na 15 years ang battle ni Chad with cancer, pero sa mediacon ng All That Sound concert ay nilinaw niyang inabot iyon ng 25 years.
“Sabi nga nila, ang papillary carcinoma, the friendliest cancer. Ang ano lang doon, kasi, sa laryngeal nerve, doon ang boses ko,” pahayag ni Chad.
“Kung ito yung thyroid, nandoon yung boses. During the surgery, puwedeng mawala. Yun ang nangyari kay Julie Andrews.
“Noong inoperahan siya, hindi nabantayan nung doktor. Nagalaw yung kanyang laryngeal nerve.”
Ano ang nararamdaman niya na through the years, ang dami nang pumanaw na mang-aawit?
“Grabe, oo, totoo yun. Alam mo, I think, I made the right decision in a way na nagpahinga ako,” pagmamatuwid ni Chad.
“Kasi, ano ko iyon, choice ko na maging ano lang… of course, nanghihinayang ako sa aking singing career, pero mas inuna ko yung paano ako mag-survive.”
May mga nag-akala na namatay na siya…
“Hindi ko ma-blame. That’s kuwan, understandable. May ganun talaga, lalo na sa social media ngayon,” sey ni Chad.
Magkano ang nagagastos niya sa mga gamot every month?
“Less than P10,000. Pero yung check up ang mahal. Every six months, mahal yun. Mga abot ng P7,000 iyong pagkuha ng dugo,” tugon ni Chad.
“Buti na lang, may PWD [card] ako. Ha! Ha! Ha!”
Hindi na nga raw excited si Chad na magka-senior citizen ID, dahil yung perks niyon ay naa-avail niya sa PWD card na nakamit niya five years ago.
CHAD BORJA AS A SEX SYMBOL DURING HIS PRIME
Bagamat associated today si Chad sa pagiging cancer survivor, noong nag-uumpisa siya sa showbiz ay sex symbol ang dating niya.
Dakilang singer, ika nga. Napupukaw ang mga harot at accla sa kanyang bukol at paggiling-giling.
Natawa si Chad, “Hindi ko talaga sinasadya na pag once nasa stage ako, pag nakarinig ako ng magandang tempo ng kanta, napapasayaw ako ng…
“Hindi naman sayaw na… sayaw na parang ano ba yun, after nun, ang sarap ng tulog.
“Doon ko nga nalaman ang meaning ng gyrate. Kay the late Ricky Lo. Sabi niya, nagdya-gyrate ako. ‘Ano ba yung gyrate?’ ‘Ganun-ganun.’ Ahhh…”
Packaging ba talaga niya iyon noon na maging sexy?
“Alam mo, kung puwede, I don’t know kung ano siya. Kasi, hindi ko sinasadya,” pagsisiwalat ni Chad.
“Kahit kunyari sa bahay, matutulog ako. Gusto ko yung ilaw, naka-dim lang. Yung tipong ganun.
“Tapos gusto ko, may music na ganun. Parang gusto ko, ano lang,” sabi pa ni Chad, na naka-boxer shorts pag matulog.
Naalala tuloy ni Chad ang sinabi sa kanya ni Bugoy Drilon nang magkasabay sila sa dressing room nang mag-guest sa isang programa ng ABS-CBN.
“Tinanong ako ni Bugoy, ‘Kuya, ilang taon ka na?’ I think that was three years ago, or four years ago,” kuwento ni Chad.
“Sabi ko, ganyan-ganyan. Sabi niya, ‘My God, kasing-edad mo ang daddy ko, pero bakit ganun ang itsura…’
“Sabi ko, bakit? ‘Ang daddy ko, ano na!’ Siyempre, pag alaga ang katawan. Nag-e-exercise ako araw-araw.
“Maingat din sa pagkain. Kung puwede, may choice ako, gulay saka isda.”
Excited na siyempre si Chad sa kanyang All That Sound concert sa November 28 sa Music Museum.
Panauhin dito ang Apo Hiking Society, Marco Sison, at mga promising singers na sina Isha Ponti at Andrea Gutierrez.
Read: Bea Alonzo’s birthday surprise with BF Vincent Co goes viral

