PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karen Lopez, may experience na sa tomboy?

"Sixteen years old pa lang ako noon, e."
by PEP Troika
Published Oct 18, 2025
Karen Lopez
“Nag-try lang akong magdyowa ng babae… mas matanda siya sa akin ng two to three years," kuwento ni Karen Lopez na nakipagrelasyon daw sa kapwa babae nung 16 years old pa lang siya.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Kasama si Karen Lopez sa cast ng erotic drama-comedy na Babae Sa Butas, sa direksyon ni Rhance Añonuevo-Cariño.

Ang Babae sa Butas ay isa sa pitong kalahok sa 1st CineSilip Film Festival na gaganapin sa Oktubre 22-28, 2025, sa piling sinehan ng Ayala Malls.

Nasa cast din nito sina Van Allen Ong, Vern Kaye, Arah Alonzo, at Skye Gonzaga. May special participation sina Archi Adamos at Marnie Lapus.

Ang buod ng pelikula: “A tricycle driver experiences a passionate encounter with a mysterious woman through a hole in the wall.

“As he searches for her, hoping she can help him save his crumbling relationship, he discovers that he is actually being deceived by someone close to him.”

Babae Sa Butas poster
Photo/s: CineSilip Film Festival
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang role ko po doon is ako yung pinakabunso sa magkakapatid. Apat kaming babae,” lahad ni Karen sa mediacon ng CineSilip noong Oktubre 2, 2025, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.

“Ang isa po is vlogger, kaibigan lang po ng ate ko sa eksena. Then ano po, sa apat po na babae… hindi po ako yung babae sa butas! Ha-ha-ha!”

Excited si Karen na mapanood sa big screen ang kanyang sarili. Tatlong movies niya ang ipinalabas sa VMX this year — Habal noong Abril 1, Maalikaya noong Hulyo 25, at Barurot noong Setyembre 12.

Malakas ang dating ni Karen sa Habal na dinirek ni Bobby Bonifacio Jr. Kaya may follow-up project siya, ang Maalikaya na dinirek ni Roman Perez Jr.

Two shooting days siya sa Maalikaya. After the first day, “nawala” siya. Hindi siya nagpunta sa set. Ginawan na lang ng paraan ni Direk Roman na mabuo ang Maalikaya kung saan bida sina Aliya Raymundo at Jenn Rosa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nasa cast din ng Maalikaya sina Mark Dionisio, Sheena Cole, Horace Mendoza, Ruby Ruiz, Wilma Hollis, Jalyn Perez, Edmar Obias, Gerry Dycaico, at Leoneil Abolucion.

Matapos ang kaaligagaan niya sa Maalikaya, “bumawi” si Karen sa next VMX project niya na Barurot kung saan katambal niya si JC Tan.

Ang Barurot ay idinirek ni Rodante Y. Pajemna Jr., at nagtampok din kina Mark Dionisio, Reina Castillo, Sheena Cole, Paula Santos, Jasper Torres, Athena de Paz, at Ben Olivera.

Barurot poster
Karen Lopez in "Barurot."
Photo/s: VMX
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napangiting sabi ni Karen: “Totoong ano po talaga. May lamas, may laplapan talaga. Actually, yung Barurot kasi, first leading role ko kaya hindi ako nag-inarte.

“Like parang nagpa-lick ako ng boobs din. Intense talaga. Actually, lahat naman ng girls…

“Bumawi talaga ako. Sabi ko, ito na. Ito na talaga. Babawi na talaga ako. Gusto ko na makatotohanan yung ano.”

Napag-usapan na ili-lick ni JC ang kanyang nipple?

Tumango si Karen: “Yes, actually lahat po kami, kinausap ng direktor kung may restrictions po kami.

“Sabi po namin, ‘Wala, OK lang po. Keri lang po namin na ganun po yung sistema sa love scenes po.’

“Na wala kaming restrictions. Yun po.”

Nakiliti ba siya sa balbas ni JC? Anong pakiramdam niya sa harutan nila?

“Noong nagki-kissing scene kami ni JC, tumatama din talaga yung balbas,” pagtatapat ni Karen.

“Pero siyempre, go with the flow din lang ako. Kasi siyempre, naka-rolling kami, e. Actually, puwede namang mag-take 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ayoko na kasing mag-take 2. Gusto ko, 'pag love scenes saka mga sex scenes, take 1 lang talaga.

“Ang suwerte naman siguro nung boy pag paulit-ulit, no?!”

NOEL FERRER

Nag-GL (girls love) si Karen Lopez with Athena Red sa Habal. 'Tapos ay naka-threesome nila si JD Aguas.

Sa Babae sa Butas, isa lang ang lalaki. Apat ang mga babae. Mas bet ba niya na babae ang ka-love scene?

“Ahhmm... siyempre gusto ko rin sa babae. Kasi, ano din yan, e. Siyempre, babae sa babae,” sey ni Karen.

Straight ba siya? Bisexual, or what?

“Straight po ako. Hindi ako tomboy.”

Sa totoong buhay ba, may experience na siya sa kapwa girl?

“Wala.”

Niligawan na ba siya ng tomboy?

“Before. Sixteen years old pa lang ako noon, e. Niligawan ako siyempre,” pag-amin ni Karen.

“Naging dyowa ko rin siya. Pero walang nangyari. Wala talaga. Actually, puppy love lang talaga iyon.

“Nag-try lang akong magdyowa ng babae… mas matanda siya sa akin ng two to three years.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano niya ikukumpara ang Babae sa Butas sa naunang tatlong VMX projects niya?

“Dito talaga, wala masyadong kalaswaang nangyari. Hindi siya katulad sa Vivamax na sex scenes, hubaran, laplapan, ganun,” sambit ni Karen.

“Hindi lang siya basta-basta Vivamax lang. Talagang iaano sa sinehan.”

GORGY RULA

Inaasahang mag-i-streaming eventually sa VMX app yung entries ng CineSilip filmfest.

If ever, mas daring yung version ng Babae sa Butas na para sa streaming platform, o pareho lang?

“Ahhmm... saktong ano lang, saktong love scenes lang. Parang may konting sipa lang siya ng ano,” sagot ni Karen.

May eksena ba sila ni Von Allen Ong?

“Yes po. Sa imagination. OK naman siya, walang ano sa kanya. Mabait siya. OK kami. Ganun. Hindi siya katulad ng ibang ano.”

May bad experience na siya sa ibang nakatambal na lalaki?

“Hindi. Balita ko lang naman sa iba. Narinig ko lang, pero wala naman akong ano. Mababait yung mga leading man ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kung sa ibigay sa kanyang project, malaman niyang may bad record yung makakatambal niyang aktor? Kakausapin ba niya ito, o ang director nila?

“Dedma. Professional tayo.”

Kung papipiliin siya ng tatlong makaka-love scene, sinu-sino ang choices niya?

“Unang-una, si JC Tan. 'Tapos si Albie [Casiño]. Saka si Gab [Lagman],” medyo kinikilig na tugon ni Karen.

“Nakita ko si Gab in person. Sabi ko, ‘Parang OK ito, ah!’ Ganun.”

Sa mga lalaking "nakapuksaan" niya sa VMX, meron bang nadarang o nag-init? May naramdaman siyang tumigas?

“Alam mo, actually, ang mga boys kasi, kapag nagpa-plaster sila talaga, inilalagay nila sa ilalim ng ano nila,” pagsisiwalat ni Karen.

“Para hindi mo malalaman kung tinitigasan ba, ganun… pero minsan, based sa intense love scene namin, parang nakaramdam ako ng ano.

“Hindi ko alam kung siya din, ha? Nakaramdam ako konti ng ano. Ako ang medyo nadarang. Hi-hi-hi!

“Kay JC ako nakaramdam. Konti lang naman. Siyempre pinipigilan natin! Konting init. Siyempre, siya yung ano sa lahat ng ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya yung naka-intense, solid na laplapan. May dilaan kasi talaga. Hi-hi-hi! Ang haba kasi ng dila ni JC! Hi-hi-hi!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nag-try lang akong magdyowa ng babae… mas matanda siya sa akin ng two to three years," kuwento ni Karen Lopez na nakipagrelasyon daw sa kapwa babae nung 16 years old pa lang siya.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results