GORGY RULA
Mataas ang expectation ko sa finals ng celebrity dance competition na Stars On The Floor na nagtapos noong Sabado, October 18, 2025.
Ang tandem nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi ang nanalo sa finals, pero tila hindi pam-finals ang rating nito.
8.7% ang naitalang rating nito.

Mukhang mababa ang viewership noong araw na yun dahil hindi rin ganoon kataas ang rating ng ibang mga programa.
Posible ring may nakuhang viewers ang katapat ng Stars On The Floor na Your Face Sounds Familiar, na 4.9% ang aggregated rating.
Sa daytime programming ay hindi rin ganoon kabongga ang ratings.
Ang It’s Showtime ay 5.4%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.
Sumunod ang Hating Kapatid na hindi pa rin umaalagwa ang ratings. Naka-5.8% itong drama series ng Legaspi family.
Sumunod ang Tadhana na naka-5.6%. Ang Wish Ko Lang! ay 5.3%, at ang sumunod na Maka Lovestream ay 5.1%.
OCTOBER 18 PRIMETIME RATINGS
Pagdating ng primetime ay 8.7% ang 24 Oras Weekend, at 1.4% lang ang TV Patrol Weekend.
Ang Pepito Manaloto ay 8.7% din kagaya ng Stars On The Floor.
Katapat ng Pepito Manaloto ni Michael V. ang Rainbow Rumble ni Luis Manzano, na naka-2.3%; at ang Frontline Weekend na 1.7%.
Pagkatapos ng Stars On The Floor, sumunod ang Magpakailanman na naka-7.3%, at ang MMK ay 2.3%.
Bongga pa rin ang Daig Kayo ng Lola Ko na 5.7%.
Walang pinu-promote ang GMA-7 na bagong show na ipapalit sa timeslot ng Stars On The Floor.
Mukhang mag-a-adjust na lang daw ng timeslot ang existing shows sa primetime.
JERRY OLEA
Noong Biyernes, October 17, ay hindi rin ganoon kataas ang viewership.
Simulan natin sa It’s Showtime na naka-5.9%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.
Sa afternoon drama ng Kapuso network ay nangunguna pa rin ang Cruz vs. Cruz.
Ang Hating Kapatid ay 6.4%, ang Cruz vs. Cruz ay 7%, at ang Akusada ay 6.8%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.6%, at ang sumusunod na One Ordinary Day ay 3.4%.
Bumaba rin ang Family Feud na naka-8.8%.
Sa primetime, sinimulan ito ng 24 Oras ay 13.5%. Ang TV Patrol ay 3.4%, at ang Totoy Bato sa TV5 ay 2.4%.
Mataas pa rin ang Sang’gre na naka-11.4%, at ang Batang Quiapo ay 10.4%.
IT'S OKAY TO NOT BE OKAY FINALE
Ang Sanggang Dikit ay 8.3%, at ang finale ng It’s Okay To Not Be Okay ay 4.5% lamang.
Binawasan ng 15 episodes (three weeks) itong teleserye nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino.

Mula Oktubre 16, Huwebes, ay ligwak na ito sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Abangan natin kung mas OK ang ratings ng kapalit ng It’s Okay To Not Be Okay, yung What Lies Beneath nina Janella Salvador, Sue Ramirez, Kaila Estrada, Charlie Dizon, JM de Guzman, Jake Cuenca, at Jameson Blake.
Ang Amazing Earth ay 3.9%, at ang katapat na Sins of The Father ay 2%.
NOEL FERRER
Noong Linggo, October 19, ang first episode ng two-part 30th anniversary celebration ng Bubble Gang na ginawa nilang BG 30, Batang Bubble Ako.
Okay na rin ang rating nito na 9.3%.
Inaasahang mas tataas pa ito sa susunod na Linggo, October 26, dahil marami pa silang big stars na guests, kabilang si Vice Ganda.

Balikan muna natin ang sa daytime...
Naka-4% ang live episode ng All-Out Sundays; at 1.5% ang ASAP Natin ‘To.
Sumunod ang Regal Studio Presents na 4%, at ang kasunod na Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso ay 4% din.
Tumaas pagdating sa FPJ sa GMA na nakapagtala ng 4.7%.
Ang 24 Oras Weekend naman ay 9.3%. Nakatapat nito ang TV Patrol Weekend na 1.3%, ang Kapatid Mo Idol Raffy Tulfo ay 1.9%, at ang Frontline Pilipinas Weekend ay 1.4%.
Mataas pa rin ang The Voice Kids na 11.5%, at ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 14.2%.
Ang The Boobay and Tekla Show ay 2.8%.
