JERRY OLEA
Nakatakda ang second run ng psychological play na Walong Libong Piso sa Nobyembre 29, at Disyembre 5, 12 at 19, 2025 sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.
Dalawa ang show sa bawat araw, 6:30 P.M. at 9:00 P.M.
Tigdadalawa ng performance sina Paolo Gumabao, Jhon Mark Marcia, Drei Arias, at ang baguhang si Jorge Guda.
Ang halaga ng tiket ay PHP3,000 (SVIP), PHP2,500 (VIP), PHP2,000 (Gold), at PHP1,500 (Silver).
Read: Chie Filomeno slams "Sofia," accuses her of malicious smear campaign

“Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. Ita-try ko siguro na more daring ang gagawin ko,” sabi ni Jhon Mark sa mediacon noong Oktubre 15, Miyerkules, sa Manila Hotel, Ermita, Manila.
Sa first run ng nasabing dula last August ay ang macho papa na si Jhon Mark ang pinakamapangahas sa shower scene, macho dancing, at pagsasariling sikap.
Sa kanyang third and last performance, six times ipinasilip ni Jhon Mark ang kanyang privcate part.
Napangiti si Jhon Mark at ipinaalala na masama ang pakiramdam niya that time. Sinisipon siya. Hindi siya makapag-focus.
Gustuhin man niyang ipakita na nagngangalit ang kanyang lawit ay hindi kaya ng kanyang katawang putik.
“Ayoko kasing mangako pero gusto ko kasing panoorin na lang talaga nila iyon,” sambit ni Jhon Mark.
MALE STARS FRONTAL NUDITY ON STAGE
Marami-rami nang aktor ang napanood naming nag-frontal nudity sa entablado this year.
Aside from Jhon Mark, nandiyan sina Ross Pesigan at Martin del Rosario sa Anino sa Likod ng Buwan; Victor Relosa at Fidel Redado sa 3 Men On An Island; Awin Valencia at James Ramada sa Moment to Moment; at Juan Paulo Calma sa Walong Libong Piso.
Sa technical dress rehearsal ng Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee noong Setyembre 29 sa Teatrino ay nagbuyangyang din ng lupaypay na sandata si Mark Monares.
Sa Nobyembre 15 at 22 itatanghal sa Teatrino ang dulang Ang Baklang Nangarap Maging Ricky Lee kung saan may pabukol sina Juan Paulo Calma, Dolf Lopez, Alfe Alabastro/Paul Jake Paule, at Gerald Barbacena.
Read: Hubadero 2025 3Q: Who is the most noteworthy of them all?
JHON MARK ON "POPOSALS" FIRST RUN OF WALONG LIBONG PISO
Kumusta ang feedback kay Jhon Mark ng mga kaibigan at kakilala niya sa first run ng Walong Libong Piso?
“Sobrang hindi po ako nagsisi sa ginawa ko sa stage play. Kasi, sobrang dumami yung proposal, dumami yung mga event ko dahil sa stage play na yun,” sabi ng VMX hunk actor.
Anong proposal iyon?
Natawa si Jhon Mark: “Ibahay na lang daw po ako. Ha! Ha! Ha!”
Kabilang sa VMX movies ni Jhon Mark ang Tatsulok, Tahong, Puri for Rent, Cheaters, Habal, at Sisid Marino kung saan nag-frontal sila ni Julia Victoria sa wakas ng pelikula.
Mas magiging mapangahas na ba siya sa VMX after magpakitang-gilas sa stage?
“Mas kaya pong i-daring sa VMX. Kaso, ang VMX, may limit po talaga. Hindi talaga siya totally puwede magpakita, e,” pagmamatwid ni Jhon Mark.
“Hindi po katulad ng stage play na puwede mong i-play lahat.”
Memorable yung sex scene nila ni JD Aguas sa Habal, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr. First time ni Jhon Mark na makipag-M2M sa pelikula.
“Kapag ako po, gumagawa ng eksena, kahit lalaki pa ang kaharap ko o babae, iniisip ko talaga, hindi po ako iyon, e,” salaysay ni Jhon Mark.
“Ibang karakter po iyon. Ganoon po ako nag-i-internalize sa utak. Na pag ginawa ko ang eksenang ito, hindi muna si Jhon Mark Marcia ito.
“Si Tyrone muna ito — Tyrone ang name ko dun, e. So, nagawa ko naman siya nang maayos.”
Handa ba siyang gumawa muli ng M2M scene?
“Sa akin po, basta trabaho. Mahal ko kasi talaga ang akting. Gusto ko ang trabaho. Alipin po ako ng trabaho,” sey ni Jhon Mark.
“Kung merong ibibigay sa akin na trabaho, tatrabahuhin ko po iyon. Ibibigay ko po iyung best ko.”
Read: Inday Barretto warns Jodi Sta. Maria about Raymart Santiago
GORGY RULA
Paano na-motivate ni Jhon Mark Marcia ang karakter sa dulang Walong Libong Piso na nakikipaglokohan sa bading?
Naisahan na ba siya ng bading sa totoong buhay? Na-scam?
“Actually po, honest, talaga totoo po. Marami po. Kasi, nasa showbiz industry ako na parang ganoon,” pagtatapat ni Jhon Mark.
“Minsan pa nga, nasa video. Na-video, naka-video. Naka-video po, tapos na-video record ako.
“So, talagang medyo naka-relate po ako doon sa kuwento, na parang ganoon ang nangyari sa akin.
“Kaya hindi ako nahirapang mag-portray nung karakter ni Dante Balboa.”
JHON MARK ON HIS VIDEO SCANDAL
Noong kasagsagan ng pandemya kumalat ang video scandal ni Jhon Mark kung saan nagsarili siya.
“Siyempre ano po, part of life po natin iyon. Kasama po iyon sa buhay.”
Pinagsisihan ba niya ang scandalicious video?
“Medyo po. Kasi, hindi ko rin naman talaga akalain na ganoon.
"Siyempre, probinsiyano po akong tao na hindi ko talaga alam ang ganoong kalakaran dati sa Manila,” saad ni Jhon Mark.
“So ngayon, medyo natuto na ako ngayon. Nagkaroon ng experience na ganoon.”
Lumaki si Jhon Mark sa bayan ng Palauig, Zambales, na malapit sa Panatag Shoal aka Scarborough Shoal.
“Nagtatanim po ako noon ng palay. Marunong akong mag-harvest. Nagbibilad kami ng palay sa daan,” kuwento ni Jhon Mark.
“Iyon talaga ang trabaho ko. Hindi ko ikinakahiya iyon. Kasi talagang doon ako nagmula noong bata ako.
“Doon ako lumaki, namulat, nag-high school. Tagabaryo lang po ako. Nagulat nga po sila sa akin na nag-aartista na ako pag umuuwi ako doon.”
Sixteen years old si Jhon Mark nang lumuwas sa Maynila at nakipagsapalaran.
“Sobrang hirap po ng buhay ko dati. Hindi ko akalain na mapupunta ako dito talaga,” pakli ni Jhon Mark.
“Dati nagko-contest-contest ako, mga bikini pageant po. Sabak-sabak lang po ako, hindi ko alam, minsan napapahamak na ako.
“Go lang po ako nang go. Hanggang sa mga experience ko po, natuto na rin ako. Hindi naman po ako nagsisi sa mga ginawa ko lahat dati.
“At least part ng paglaki ko. Part ng kuwento ng buhay ko.”
Read: SB19, Cup of Joe win big at 1st Filipino Music Awards
JHON MARK'S FAMILY
Bunso si Jhon Mark sa tatlong magkakapatid na buo.
Sanggol pa lang siya nang maghiwalay ang kanyang ama’t ina. Sa lolo at lola siya lumaki.
Nagkaroon lang siya ng kontak sa kanyang ama at ina ay noon daw medyo nagkapera na siya.
Mga limang taon na ang lumipas nang pumanaw ang lola na kumandili sa kanya.
“Tinutulungan ko yung kuya ko. Nakapagpatayo na po ako ng maliit na bahay sa Zambales. Doon po nakatira ang kuya ko kasama ang papa ko,” saad ni Jhon Mark.
“Tapos yung ate ko, nasa mama ko. Nasa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija. Nakapangasawa ng sundalo.”
Sa tatay ay may apat pang kapatid, samantalang sa nanay ay may tatlo pa.
Nagkasama-sama na ba ang orig nilang pamilya — silang tatlong magkakapatid na buo kasama ang kanilang parents? Halimbawa’y Pasko?
Umiling si Jhon Mark: “Hindi po. Malabo po. Minsan, nakikita ko ang tatay. Hindi kasi sila OK.
“So, kung magkikita kami ni Papa, Papa lang. Kung Mama, Mama lang. Hindi puwedeng sama-sama lahat.”
Pinangarap ba niyang magkasama-sama silang buong pamilya kahit minsan?
“Dati po, noong bata ako. Parang nagtatanong din ako sa sarili ko, bakit parang ganoon iyung nangyayari na hindi puwedeng magsama-sama,” pagbuntong-hininga ni Jhon Mark.
“Noong tumanda na po ako, medyo nagkaedad-edad na, natanggap ko na may mga bagay talaga na hindi puwedeng mangyari.”
Read: Joaquin Arce, Sofia Pablo join PBB Celebrity Collab Edition 2.0
NOEL FERRER
R-16 ang MTRCB rating sa film version ng Walong Libong Piso, kung saan tampok si Paolo Gumabao.
Matutunghayan ito umpisa Oktubre 22, Miyerkules sa SM Megamall, SM Mall of Asia, SM North EDSA, SM Fairview, SM Southmall, Gateway, Cinerama Isetan Recto, Fishermall QC, Fishermall Malabon, Market! Market!, Gaisano Davao, Gaisano Digos, Gaisano Tagum, at Sta. Lucia.
Nainggit ba si Jhon Mark Marcia na hindi siya ginawan ng film version? Sumama ba ang kanyang loob?
Mabilis na tugon ni Jhon Mark, “Hindi po. Kasi, kami pong apat na bida, iba-iba kaming atake.
“Siguro, ang puwede talagang pang-movie, si Paolo. Tapos ako talaga, pang-stage play lang.
“Hindi po sumama ang loob ko, kasi, magkakaibigan naman kami nina Paolo.
"So, iyon po, sana suportahan ng mga tao hindi lang iyong stage play. Suportahan din nila iyong movie.”
Ang Walong Libong Piso ay prinodyus ni Engr. Benjie Austria ng Bentria Productions. Ito’y sa panulat at direksyon ni Dante Balboa.
Read: Lee Yi Kyung accused of sexual misconduct in leaked chats

