JERRY OLEA
Sobrang grateful si Chester Grecia na nakasama siya sa pelikulang Pagdaong na isa sa pitong kalahok sa 1st CinePanalo Film Festival.
Nag-premiere ang Pagdaong noong Oktubre 22, 2025, Miyerkules, sa Cinema 3 ng Market! Market!, Taguig City.
Ito ang unang pelikula niyang napanood sa big screen.
Pawang nag-streaming lang sa VMX (dating Vivamax) ang previous projects niya, gaya ng Tayuan, Punit na Langit, at Halo-Halo X noong 2023.
Rumatsada siya noong 2024 sa VMX films na Ang Kapitbahay, Pilya, Kabitan, Salisihan, Linya, Katas, Palipat-lipat, Papalit-palit, at Eks.
Ngayong 2025 ay napanood natin siya sa Halimuyak, Maninilip, at Bangkera.
GL movie ang Pagdaong, kung saan lead stars sina Angela Morena, Astrid Lee, at Ashley Lopez, sa direksiyon ni Pongs Leonardo.
Napangiti si Chester, “GL siya pero OK lang. Kasi, I’m happy to be part of the project, saka maganda yung pagkakagawa ni Direk Pongs.”
Read: CineSilip Film Festival, pinakamapangahas na film festival
CHESTER GRECIA: THE BRUSKO VMX LEADING MAN
Sa hanay ng VMX actors ay isa siya sa pinakabrusko.
“Thank you. Ha! Ha! Ha!” sambit ni Chester.
Grabe ang eksenang bembangan nila ni Yda Manzano sa Katas. Parang totoo ang pagsisid niya sa perlas nito.
Umayon si Chester: “Oo, grabe iyon. Sobrang nag-trending yung ginawa namin ni Yda Manzano doon. Mukha daw talagang totoo.
“Pero magaling lang yung pagkaano namin ni Yda. Kasi si Yda, mabait. Nag-usap kami kung paano siya gagawin.
“And noong in-execute namin yung sequence, napakaganda ng pagkakagawa namin.
“Kasi mas maganda pag nagdya-jive kayong dalawa as partners.”
Sa totoong buhay ba ay brusko rin siyang makipagniig? As in wagas kung makangasab, nakikipagsirkuhan, ibinabalibag ang katalik? O pampelikula lang iyon?
“Yung mga ganun, pang-characterization lang yun. Pero kasi, pag yung parang pag halimbawa, most likely kasama mo na ako, may pagkakengkoy ako,” saad ni Chester.
“Ha! Ha! Ha! Medyo naiinis ang ibang kasama ko. Kasi, ang laki-laki ko, may ganun akong kilos. May pagkakengkoy, ganun.”

TOP 3 BEST PARTNERS FOR CHESTER
Sa dinami-dami ng nakatambal niya sa mga mapangahas na eksena, sinu-sino ang Top 3 na the best para sa kanya?
“Siyempre si Angeli [Khang]. Siya ang unang naka-partner ko sa Tayuan,” pagtatapat ni Daddy Chester.
“Memorable sa akin yon. Kasi si Angeli, tinuruan niya ako how to be a leading man.
“Ang dalawa pa, si Apple Dy saka si Zsara Laxamana. Si Apple Dy, talagang giving siya.
“Si Zsara Laxamana is yung malapit sa puso ko na katrabaho.”
Si Apple ay nakasama niya sa Punit na Langit, samantalang si Zsara ay nakatrabaho niya sa Salisihan.
May pagkakataon ba na nadarang siya sa maselang eksena? Na bumigay siya?
“Bumigay like na-carried away?”
Nagka-erection…
“Aaminin ko, sa kanilang tatlo lang! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: VMX actor Jhon Mark Marcia, "medyo" nagsisi sa video scandal
NOEL FERRER
Nakaplaster lagi si Chester Grecia sa mga eksena ng bembangan.
“Siyempre, kailangan pa rin natin yung i-approach professionally,” sabi ni Chester.
“Lagi akong nakaplaster. Kasi, kapag hindi ka nagplaster — last shooting mo na. Ha! Ha! Ha!”
Maging ang mga babaeng katambal niya ay nagpaplaster?
“Oo. For safety.”
Naramdaman kaya nina Angeli Khang, Apple Dy, at Zsara Laxamana na may nag-react sa kanya sa kanilang mapusok na eksena? Nahalata ba nila?
“Hindi ko alam! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa muli ni Chester.
“Itatanong ko sa kanila next time. Ha! Ha! Ha! Ha!”
CHESTER GRECIA: VMX ACTOR
Kumusta so far ang experience niya bilang VMX actor mula noong 2023?
“Mas maganda talaga yung nag-aaral ka, yung nagwo-workshop. Binibigyan mo ng development iyong sarili mo as an artista,” tugon ni Chester.
“Physically and mentally. Iyon, binabago mo lagi yon. Kumbaga, ina-adapt mo iyong changes sa paligid mo.”
Masaya ba siya sa takbo ng career niya sa VMX?
Mabilis na sagot ni Chester: “Yes, sobrang na-appreciate ko yung karera ko sa Viva, VMX. Kasi, binigyan ako ni Viva ng chances na hindi ko ine-expect na mapapasaakin.
“And sobrang grateful ako para doon. Marami pang years na darating sa akin sa Viva, and looking forward na hindi lang sana ito yung theatrical na magkakaroon ako.
“Sana, malagay din ako sa iba’t ibang project.”
Ano ang reaksiyon ng mga kapamilya niya sa mga pinaggagagawa niya sa VMX?
“Hindi sila masyadong naaano. Ang alam lang nila kasi, VMX ka,” tugon ni Chester.
“Pero yung iba kasi sa family members, hindi nila pinapanood… medyo awkward daw. Kasi parang, ‘Ay! Si Tito, si Kuya… Ha! Ha! Ha! May binebembang na ibang babae.’
“Parang ang awkward sa kanila pag nakikita nila ako, may ginaganun.”
Nahihiya ba siya o naa-awkward sa shooting kapag naghuhubad na siya at nakikipagharutan?
“Awkward? Nakakaramdam lang ako ng hiya pag hindi talaga kami nag-get along nung partner ko,” saad ni Chester.
“Kasi parang siyempre, hindi ko alam. Ano ba yung part na hindi ka komportable? Kasi siyempre, pag nakakaramdam ako ng awkwardness minsan, parang, ‘OK ka lang ba? Hindi ka ba komportable?’
“Kasi, puwede mo namang sabihin kay Direk na hindi ka komportable para magawa natin ito nang maayos. Ganun.”
Read: Hubadero 2025 3Q: Who is the most noteworthy of them all?
GORGY RULA
Kumakalat online na kesyo isa nang adult content creator si Chester Grecia.
Totoo bang meron siyang channel kung saan mapapanood ng subscribers ang mga video na nilalaro niya ang sarili hanggang sumambulat ang kanyang katas?
“Hindi ako yun. Hindi ako yun! Ha! Ha! Ha! Hindi ako iyun!” bulalas ni Chester.
“Baka kinuha lang nila yun sa VMX na ano. Kasi minsan iyong ano, iyong love scene doon sa VMX, ini-screenshot talaga nila. Nagulat ako.”
Marami na ang adult content creators sa bansa, kabilang sina Emil Sandoval at Salome Salvi na nag-VMX.
If ever, papasukin ba niya ang industriyang iyon?
“Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko masabi pero hindi. Hindi. Hindi!”
Bakit? Bakit hindi niya gagawin?
“Hindi ko siya gagawin dahil siyempre ano, parang… for content purposes? Hindi. Hindi… hindi pa rin! Hindi pa rin.”
Nananabik pa naman ang iba na mapanood siya…
“Ha! Ha! Ha! Sa VMX, panoorin ninyo ako. Download the app, subscribe now. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: Salome Salvi not in exclusive relationship with bf Emil Sandoval
