GORGY RULA
Malaki ang nagagawa ng magagaling na artista para mapaganda ang isang pelikula o drama series.
Ito kaagad ang napansin namin sa bagong teleserye ng ABS-CBN Studio na What Lies Beneath na nagsimula na sa free TV noong Lunes, October 20, 2025.
Sinimulan namin ang What Lies Beneath sa Netflix kung saan nauna itong nag-streaming bago sa free TV.
Read: Krystal Mejes, Heath Jornales named as PBB Celebrity Collab 2.0 housemates
Mapapansin mo agad ang galing ng mga artistang kasali, kahit medyo masalimuot ang takbo ng kuwento.
Magagaling ang mga lead actress ditong sina Janella Salvador, Sue Ramirez, Charlie Dizon, at Kaila Estrada.

Sa kanilang apat, pinakagusto ko sina Charlie at Kaila.
Malalim ang hugot ni Kaila, at napakanatural lang ng atake ni Charlie rito bilang isang titser na si Beth.
Pero lumalaban din naman sina Sue at Janella, lalo na’t interesting ang mga karakter na ginagampanan nila.
Malalim din ang karakter na ginagampanan ni Jake Cuenca, at mukhang pinag-aralan niya talaga ito.
Read: LOOK: What Lies Beneath Celebrity Premiere Night

THE YOUNGER CAST MEMBERS
Hindi lang sila ang magaling rito.
Pati ang younger characters nila na pasulput-sulpot ang flashback scenes sa kuwento ay talaga namang magagaling din.
Ito ay sina Krystal Mejes as young Kaila, Allyson McBride as young Charlie, Eliza Borromeo as young Janella, at si Reich Alim as young Sue Ramirez.
Lutang na lutang dito ang batang si Krystal at Eliza.
Kahit si Andrez del Rosario na gumaganap bilang young JM de Guzman ay napakagaling din.

Kung mahina-hina kang veteran actors, puwede kang lamunin ng mga magagaling na kabataang artistang ito. Maaring hinasa sila nang husto sa workshop ng Star Magic.
Read: 2NE1's Park Bom agency clarifies post vs YG founder over unpaid profit

CURRENT NO. 1 TV SHOW ON NETFLIX, WHAT ABOUT ON FREE TV?
Sinusubaybayan ko na ang What Lies Beneath na naka-limang episodes na sa Netflix.
Nananatiling No. 1 trending pa rin ito sa Top 10 TV shows in the Philippines. Pero hindi nga lang umalagwa nang husto ang ratings nito sa free TV.
Ang What Lies Beneath ang pumalit sa timeslot ng katatapos lang na It’s Okay To Not Be Okay, kung saan nakakatapat nito ang Sanggang Dikit sa GMA-7.
Nananatiling rater pa rin ang action-comedy series nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Sa pilot episode ng What Lies Beneath noong Lunes, naka-5.1% ito. Ang Sanggang Dikit ay 8.2%.
Nung Martes, Oktubre 21, naman ay medyo tumaas ang What Lies Beneath na naka-5.2%. Pero tumaas din ang Sanggang Dikit sa 8.5%.
Bahagyang bumaba ang What Lies Beneath noong Miyerkules, na naka-4.6%, at ang Sanggang Dikit naman ay 8.4%.
Tingnan natin kung kaya nitong talunin o kahit dikitan man lang ang Sanggang Dikit ng mag-asawang Dennis at Jennylyn.
Read: Former Pinoy Dream Academy contestant Davey Langit dies
JERRY OLEA
Magagaling naman talaga ngayon ang mga kabataang artista.
Pinag-aaralan talaga nila ang karakter na ipinagkatiwala sa kanila at maaring hinahasa talaga sila ng kanilang management team.
HAMONADONG AKTOR
Kaya dapat mag-aral nang mabuti at galingan nitong aktor na marami na ang nakakapansin sa hamonado niyang acting.
May drama series siya ngayon at magagaling ang co-actors niya.
Pinagsabihan na raw siya ng malalapit niyang kaibigan na mag-workshop pa siya para makasabay sa mga kaedaran niyang artista when it comes to acting.
Pero deadma raw itong si aktor.
Bukod sa pagtatrabaho niya bilang actor-TV host, busy pa siya sa kanyang girlfriend.
Sobra raw kasing maka-focus itong si actor sa girlfriend niya lalo na’t sobrang in love ito.
Mukhang sobrang confident pa raw itong si actor dahil magagaling kasi ang magulang niya, lalo na ang kanyang ina.
Ang yabang daw tuloy ng dating nitong aktor na ito.
Pero hindi siya dapat makampante at baka mapasabak siya sa mga magagaling na young actors, mahuhuli siya talaga!
Read: Now Showing: Quezon, Walong Libong Piso, CineSilip movies
NOEL FERRER
Matindi rin ang labanan sa primetime ng Sang'gre at Batang Quiapo.
Consistent na mataas pa rin ang telefantasya ng GMA-7, pero ngayon ay medyo humahabol ang teleserye ni Coco Martin.
Noong Lunes, October 20, ay 11.6% ang Sang’gre at bahagya itong tinaasan ng Batang Quiapo na naka-11.7%.
Noong Martes, October 21, naman ay bumawi agad ang Sang’gre na naka-11.9%, at ang Batang Quiapo ay 11.3%.
Pagdating nung Miyerkules ay lamang pa rin ang Sang’gre na 11.7%. Pero dumikit si Batang Quiapo na may 11.6%.
Ang saya ng tapatan ng dalawang programang ito na parehong sinusubaybayan ng taumbayan.
Read: VMX actor Jhon Mark Marcia, "medyo" nagsisi sa video scandal
