JERRY OLEA
Emotional si Van Allen Ong bago at matapos ang premiere screening ng Babae sa Butas noong Oktubre 24, 2025, Biyernes ng gabi, sa Cinema 3 ng Market Market, Taguig City.
Hindi ito ang first time na nagbida sa pelikula si Van. Napanood na rin siya sa Kalikot, na nag-streaming noong Marso 12, 2024 sa VMX.
Kabilang pa sa VMX projects niya ang Sponsor, Puri for Rent, Higop, Salawahan, Mahal Mo ang Mahal Ko, Lamas, Ligaw na Bulaklak, High on Sex 2, at ang Mamasan, na nakatakdang mag-streaming sa Oktubre 31, 2025, Biyernes.
Bidang-bida si Van sa Babae sa Butas.
Apat na babae ang “binutas” dito ng karakter niyang si Kaloy—sina Vern Kaye, Arah Alonzo, Karen Lopez, at Skye Gonzaga.
Si Rhance Anonuevo-Carino ang direktor ng pelikula.
At first time napanood ni Van ang sarili sa big screen.
“To be honest, cringey po talaga panoorin pala ang sarili sa big screen at first,” sambit ni Van.
“Pero like I appreciate naman po, kasi ang galing po talaga nina Direk. Like ginawa ko lang po ang tungkulin ko, pero sila po ang nagbigay-buhay po sa pelikula.”
Bago ang premiere screening, sinabi niyang nahirapan siyang gawin ang pelikula, bakit?
“Feeling ko po ito, ito iyong pinakamahirap kong project dahil punung-puno po siya ng emosyon,” gumagaralgal na tugon ni Van.
“Saka, ah, ito po ang pinakamahirap kasi, medyo nakaka-relate po talaga ako sa karakter ni Kaloy.
“Lahat po ng pinagdaanan niyang hirap. Lahat po ng naramdaman niya sa pagmamahal po sa kapwa and sa girlfriend niya.
“Ganoon din po kasing magmahal po yung si Van Allen Ong, and so, nakaka-relate po ako dun kay Kaloy.”
Van Allen Ong is single
May girlfriend ba siya ngayon?
“Ah, so far ngayon, wala po. Kaka-single ko lang.”
Bakit sila naghiwalay? Kagaya ng nangyari sa movie or something to that effect?
Natawa si Van.
“Ay! Hindi naman po! Hindi naman po, pero like iyon. Ah, so marami rin po kaming pinagdaanan nung past relationship ko.
“Pero hopefully, maayos po lahat iyon.”
Nahihirapan pa ba siya sa mga eksenang kailangan siyang maghubad?
“Ah, actually mas nahirapan po ako umarte kaysa maghubad. Yun po talaga iyong totoo doon.”
Read: Tweetie de Leon and Christine Jacob talk about aging gracefully

NOEL FERRER
Nagsabi si Direk Rhance Anonuevo-Carino na kesyo super ganda ng katawan ni Van Allen Ong kaya't pinantasya niya ito sa set.
Sabi ni Van, “Hindi naman po. Like nagbibiro lang siya. Yun ang way niya to boost my confidence.
"Kasi, mahiyain po talaga ako. And minsan, nai-insecure pa rin po ako.
"So, na-appreciate ko si Direk. Kasi Direk is really pulling out the best in me, giving me confidence, giving me the freedom to act it out, kung ano po iyong makakaya ko.
“So I really appreciate Direk for giving me the confidence po.”
VAN ALLEN ONG ON INSECURITIES
Nai-insecure pa siya sa katawan niya? Ang ganda-ganda na nga, e!
“Yes pero siyempre, may mas magaganda pa rin po. Pero like I try to hide my insecurity,” saad ni Van.
“Kasi ayoko po siyang ipalawak. Kasi, pangit po na ugali iyong pagiging insecure. May konti pa rin siya, pero like napipigilan ko naman.”
Sa sarili lang ba niya iyong insecurity o dahil andami na ring bagong hubadero sa VMX? Maraming kakumpetensya, kumbaga.
“Yes po. Ah, to be honest, talaga pong maraming mas magaling sa akin,” pahayag ni Van.
“Maliban lang po sa ganda ng katawan, marami po diyan, napakahusay po umarte. Napakahusay pong gumanap ng karakter.
“So doon po ako nai-insecure talaga, to be honest, sa acting skills ko. Pero I really continue to learn, to do my best, and to absorb whatever the director, the producer is trying to teach me, or my co-actors trying to teach me.
“Lahat po iyon, ina-absorb ko, maganda man po o pangit, ina-absorb ko kasi, baka po in the future, magamit ko po siya sa aking pag-arte.”
Read: Meet the Cast of Shake, Rattle & Roll: Evil Origins
GORGY RULA
VAN ALLEN ONG'S HUGOT SA BUHAY
Marami na ba siyang hugot at bubog sa mga pinagdaanan niya sa buhay?
“Yes po. Actually, yung buhay ko po, hindi po siya perpekto. Kaya marami po talaga akong napaghuhugutan sa sarili kong buhay,” lahad ni Van Allen Ong.
“Marami na rin po akong napagdaanan sa pamilya, sa love life, sa partner, and sa relationships ko po.
"Sa industry, sa work, sobrang dami ko na pong napagdaanan.
"“So, dami ko na rin pong napaghuhugutan sa buhay.”
Nakatatlo o apat na seryosong girlfriend na raw ang 27-anyos na VMX hunk actor.
“Hindi naman po ako magmamalinis. May mga playtime din po ako.”
Mabigat sa loob ang pakikipaghiwalay ni Van sa mga naging kasintahan niya.
“Ah, may mga time po na ako ang hiniwalayan. May mga time po na ako yung humiwalay,” sabi ni Van.
“Pero lahat po sila, magkakaibang sakit. Pero lahat po sila, masasakit po iyong hiwalayan namin.”
Ano ang reaksiyon ng pamilya niya sa pagbi-VMX niya? Nakapanood na ba ng pelikula niya ang mga kapamilya niya?
“To be honest, patay na po ang daddy ko. And yung mommy ko is like living away from me,” pagtatapat ni Van.
“Pero iyon nga, pag napapanood ng mommy ko, sabi ko na lang, i-fast forward niya iyong mga sexy scenes.”
Nasa Legazpi City, Albay, ang mommy ni Van. May apat na kapatid siya, isang babae at tatlong lalaki. Breadwinner ba siya?
“Ay! Hindi po! Actually, ako ang pinakamahirap sa pamilya. Lahat po sila, okay na.”
Naniniwala si Van na proud ang mga kapatid niya sa kanyang pag-aartista.
“I appreciate naman din po sila sa kanila na very supportive po sila pagdating po sa pag-arte ko,” sabi ni Van.
“Kasi alam nila na pangarap ko po ito ever since po na makatuntong ako sa industriya, na pangarap ko talaga na maging artista, sumikat, and maging inspirasyon po sa mga tao.
“Iyon po talaga ang pangarap ko.”
Tinalakay sa Babae sa Butas ang virginity. Ano ang pananaw niya sa virginity ng lalaki?
“Ako kasi, I grew up po talaga with a religious family,” pagtatapat ni Van. “So naniniwala po kasi ako na you really have to really do it like after marriage.
“Pero iyon nga po, aaminin ko sa inyo, parehas lang din kami ni Kaloy na parehas pong matukso.
"Kasi, iba po yung sarap na naibibigay po nung alam niyo na. So iyon po, natutukso rin po ako kahit na ayoko po, hindi ko rin po siya mapigilan na makipagtalik kahit hindi pa po ako ikinakasal.
“So feeling ko, doon po ako nakakahugot dahil same challenge po kami ni Kaloy.
“Gusto namin ng one girl lang or to marry muna before we do it, pero same kami na may urge or may gigil or may libog na hindi po namin mapigilan.”
Pero noong mag bata-bata siya, ayaw rin daw niya talaga sa premarital sex, kaya nga he lost his virginity raw "when I was in college pa po.”
Meron na ba siyang na-encounter na gaya ng Babae sa Butas, iyong one-night stand?
“Meron naman po, meron naman po. Hindi ko naman po ide-deny.”
