PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Rodina Singh, kabado sa pagsali muli sa film festival

Direk Rodina Singh, ipinagmalaki ang pagiging Transpinay na filmmaker.
by PEP Troika
Published Oct 27, 2025
rodina singh dreamboi multwoh
Transpinay director Rodina Singh (center) expresses gratitude yet shares her worries about joining another film festival following her CineSilip entry Dreamboi starring Tony Labrusca (left). Her latest work, Multwoh, featuring Sassa Gurl (right), has been selected as one of the official entries to the 2026 Puregold CinePanalo Film Festival.
PHOTO/S: Instagram / Fracebook

JERRY OLEA

Labinlima ang semi-finalists sa Puregold 2026 Cine Panalo Film Festival (CPFF).

Sa reveal ng pitong finalists noong Oktubre 25, 2025, Sabado, sa Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City, unang inihayag ang Wantawsan ni Joseph Abello.

Sumunod ang Mono No Aware ni BC Amparado; Apol of My AI ni Thop Nazareno; Patay Gutom (Dead Hungry) nina Carl Papa at Ian Pangilinan; Beast ni Lawrence Fajardo; at Stuck on You ni Mikko Baldoza.

Huling ini-announce ay ang Multwoh ng transwoman writer-director na si Rodina Singh.

Kasama ni Direk Rodina na umakyat sa entablado upang tanggapin ang certificate ng PHP5M grant sina Sassa Gurl at Migs Almendras.

Read: Ellen Adarna laughs off rumor linking Sarah Lahbati to marital woes with Derek Ramsay

multwoh cine panalo
Director Rodina Singh (in shades) with Multwoh cast members Migs Almendras and Sassa Gurl reeive the P5M certificate grant from Puregold Cine Panalo.
Photo/s: Puregold CPFF
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Direk Rodina: “Unang-una, salamat po sa Puregold, sa Cine Panalo. Kasi, pinapanalo niyo po yung mga kuwentong katulad ng Multwoh.

“Sobrang daming kaba na nararamdaman. Kasi, unang kaba, dahil yung mga 15 po na napili, sobrang galing po.

“Mahuhusay po. Lalo na yung anim. Nung in-announce na yung anim, parang andoon na ako sa, ‘Halika na, umalis na tayo!’

“Pangalawang kaba, kasi hindi ko po alam ano ang sasabihin ng mga tao sa pagkaka-include namin dito.

“Kung meron man na magdududa, sasabihin na — puro lalaki na naman ang kasali. Bahala na.

“Pangatlong kaba, kasi… andito po yung MTRCB. Charing!”

DREAMBOI RATED X BY MTRCB TWICE

Kabilang ang MTRCB sa mga katuwang ng Puregold CPFF, pero walang kinatawan nitong umakyat sa entablado.

Dalawang beses na-X ng MTRCB ang pelikula ni Direk Rodina na Dreamboi, isa sa mga kalahok sa ongoing CineSilip Film Festival, bago nabigyan ng R-18.

Pagpapatuloy ni Direk Rodina: “Yung pang-apat na kaba ay syet, kabaklaan po ito! Kabaklaan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At ang simple lang po ng kuwento ng Multwoh. Ang Multwoh, katulad po ng naging journey namin dito, ay ‘Some Stories Refuse To Die.’

“At ang kuwento nito ay tungkol sa kuwento ng karakter ni Sassa na bago pa man niya masabi ang katagang ‘I love you,’ namatay siya.

“Ang tanong niya, paano niya sasabihin yung ‘I love you’ sa taong mahal na mahal niya kung multo na siya, tapos yung lalaki, matatakutin.

“So, yun lang po ang premise ng Multwoh. Bahala na po! General Patronage sana pero OK na rin kung R-13! Ha! Ha! Ha!

“Joke lang po! Maraming salamat po! Let’s go!”

Read: Dreamboi, dalawang beses na-X ng MTRCB bago nabigyan ng R-18

Nag-photo op ang pitong finalists ng 2026 CPFF kasama ang festival director na si Chris Cahilig at si G. Jim Baltazar ng CMB Film Services Inc.

After ng photo op ay nagkukumahog nang umalis sina Migs at Direk Rodina papuntang Trinoma para sa talkback session ng Dreamboi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpaiwan si Sassa Gurl para magpainterbyu.

Present sa Dreamboi talkback ang mga bidang sina Tony Labrusca at EJ Jallorina. Nasa cast din ng Dreamboi si Migs, at may cameo roon si Sassa Gurl.

rodina sing ej jallorina migs almendras
Direk Rodina Singh with Dreamboi stars EJ Jallorina and Tony Labrusca
Photo/s: CineSilip Film Festival Facebook

Sina Sassa Gurl at Martin del Rosario ang mga bida sa Multwoh, na ang teaser ay naka-post sa Facebook page ni Sassa noon pang Hulyo 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Aquino, First Lady Liza Marcos spotted together

NOEL FERRER

Nag-emote si Direk Rodina Singh sa Facebook noong Oktubre 26, Linggo ng hapon.

Aniya: “Some Stories Refuse to Die

“After the success of Dreamboi — the great reviews, the packed cinemas, and even after being held twice by the MTRCB and given two X ratings before finally being approved — here comes another reason to celebrate.

“Our film Multwoh just made it to the Top 7 finalists of CinePanalo. We’re one of the recipients of the P5 million Puregold grant, and I’m deeply, deeply grateful.

“Pero sa totoo lang po, hindi lang po saya ang nararamdaman ko ngayon. Dahil bago po ang lahat ng ito, iba’t ibang klase ng kaba ang pinagdadaanan ko.

“Kaba because there was the fear of expectations. The fear of not living up to what people expect after Dreamboi. Kaba because there was the fear of competing with such talented filmmakers, most of them men, and all of them brilliant. And kaba because deep down, there was also the fear that maybe… I didn’t deserve to be here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“A few days before the announcement, I almost quit. I almost pulled out from CinePanalo. Because when I saw comments asking ‘why are there no women?’ it made me question my own place. Especially when those words came from people I looked up to — people I respected, people who, I thought, would know better.

“And yet here we are. At kahit ngayon, kami pa rin po yung mali. Mas masakit, karamihan ng nagsisita mga lalaki rin po. At meron ding isang babae na nirerespeto ko. Kaya mabigat sa dibdib.

“Kasi alam ko, projection din po yan — the kind of system that taught us to fight over the same plate. Ang sistemang nagtuturo sa atin na magsuntukan, imbes na magtulungan. Na imbes na kalabanin ang gatekeeper, mag-aaway tayo sa gate.

“I don’t want to have to prove my womanhood. My womanhood is mine. Hindi ko po inaagaw ang pagkakababae ng kahit sino, nakikibahagi lang po ako. Hindi ko rin po siya ginagamit para makapasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But I hope that even if you can’t accept my womanhood, you can accept that this fight is mine too. That you can’t separate your struggle from ours. Just because I don’t have a vagina doesn’t mean I don’t bleed.

“Because the truth is weaponized naman po ang katawan nating lahat. Ang ari, ginawang dahilan para maabuso. Ang katawan ng trans, ginawang dahilan para saktan or worse, patayin.

“Pareho lang naman po tayong ginagawang target. And it hurts, because the ones who should understand, are often the first ones who look away.

“That’s why I’m thankful to Puregold CinePanalo for choosing to believe in us, for letting our stories live, for letting queer stories win.

“Ang Multwoh ay ginawa ng isang filmmaker na pagod na pagod na sa isang mundo na paulit-ulit siyang pinapatay sa pelikula. Ito po ay literal na pelikulang sinusubukan naming buhayin.

“Kasi minsan, parang mismong industriya na ang gustong pumatay sa amin. Hindi lang po oportunidad sa paggawa ng pelikula ang pinapatay nila, pati po ang aming kalayaan na maipalabas ito sa mga sinehan, kasama na rin po ang danas ng aming pagkababae na para bang hindi na rin dapat mabuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And yet when cis men make trans stories, no one ever asks ‘why are there no trans directors?’ Walang nagtatanong. Walang nanggagalaiti. Tahimik ang lahat.

“Pero kapag may ganitong pagkakataon, kapag kami naman ang nandoon, sila rin ang unang magtuturo kung bakit wala sila. Parang hindi nila makita na ang puntirya nila, ay kapwa nilang lumalaban.

“At yung pagdududa, hindi lang sa mga komento. May mga pagdududang nanggaling sa mga taong nirerespeto ko rin. Yung tipong magtatanong ‘Bakit mas maraming nanonood ng Dreamboi kaysa sa isang historical film?’

“As if success, when it happens to people like us, suddenly becomes a problem. As if queer joy, queer stories, or queer desire are not supposed to be celebrated.

“Sana po, kahit hindi niyo maibigay ang suporta, maibigay niyo man lang ang pananahimik. Hayaan niyo muna kaming lumaban.

“Hindi niyo na nga po kami sinasamahan sa laban, nangunguna pa kayo sa pamumuna. Kung ganun, kalaban po ang tingin ko sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But still, I choose to celebrate this win. Because this victory isn’t just mine. It belongs to everyone who dreamed, who fought, who was silenced but refused to disappear.

“Because some stories really do refuse to die. And when the system tries to silence us — we learn to haunt it back.

“Isa po akong Transpinay sa industriya.

“Isa po akong filmmaker na babae sa puso at diwa, sa danas at sa paniniwala. Hindi ko po inaangkin ang salitang 'babae.'

Nakikibahagi lang po ako rito dahil ang laban ninyo ay laban din namin po.

“Hindi po ako token.

“Hindi po ako diversity slot.

“Magaling po ako.

“Magaling po kaming mga queer.

“At pinaghirapan po namin ‘to, four times harder sa industriyang ginawa para hindi kami tanggapin.

“Kaya kung sa tingin niyo po ay ‘walang babae,’ ang hiling ko po ay sana magkaroon pa ng iba. Kasi nandito naman din po ako —lumalaban, gumagawa, at umaasang magtagumpay, gaya ng bawat babaeng nangangarap at lumalaban nang patas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa isang SINEng MALAYA, ang mga kwentong tulad ng Dreamboi at Multwoh ay hindi lang siniSILIP — pinaPANALO.”

Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates

GORGY RULA

Bakit mas may pila ang erotic film na Dreamboi na tungkol sa fantasy ng isang transwoman kaysa sa Quezon na isang historical film?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SRO (Standing Room Only) ang premiere screening ng Dreamboi noong Oktubre 22, Miyerkules ng gabi, sa Cinema 3 ng Market! Market! at nadagdagan afterwards ang screenings nito.

Unfair pagkumparahin ang kita sa takilya ng Quezon at Dreamboi.

Naunang ipalabas ang Quezon. Nag-open ito sa 260 sinehan nationwide noong Oktubre 15, Miyerkules.

Pagdating ng first weekend ay 300+ na ang sinehan ng Quezon, at umabot sa PHP30M ang hinamig nito sa first five days.

On its second weekend ay mahigit 200 pa ang sinehan ng Quezon.

Samantalang ang pitong kalahok sa inaugural CineSilip filmfest, hati-hati sa apat na sinehan — Cinema 3 ng Trinoma, Cinema 3 ng Market! Market!, Cinema 2 ng Ayala Malls Manila Bay, at Cinema 4 ng Ayala Malls Circuit Makati.

Isa ang nadadagdag na sinehan ng Dreamboi, sa Market! Market!

Good news sa Team Dreamboi na may screenings ito beyond the festival run.

Sa Ayala Malls Circuit Makati, dalawang screening sa Oktubre 29, at dalawa ring screening sa Oktubre 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Ayala Malls Legazpi, isang screening sa Oktubre 29.

Samantalang ang Quezon, raratsada na ang worldwide screenings!

Sa Oktubre 30, palabas ang Quezon sa Australia at New Zealand.

Labing-isang sinehan sa Australia, at anim sa New Zealand.

Sa Oktubre 31, raratsada ang Quezon sa USA at Canada.

Dalawampu’t apat na sinehan sa USA, at walo sa Canada.

Reaksiyon nga ng direktor ng Dreamboi na si Rodina Singh: "Apat lang po sinehan namin kaya po siguro laging puno haha but please support pinoy films!

"pwede tayong maging maalam at maging malibog nang sabay.

"Pwedeng tungkol sa kasaysayan ang isa, tungkol naman sa pag-gawa ng kasaysayan ang isa pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet the Cast of Shake, Rattle & Roll: Evil Origins

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Transpinay director Rodina Singh (center) expresses gratitude yet shares her worries about joining another film festival following her CineSilip entry Dreamboi starring Tony Labrusca (left). Her latest work, Multwoh, featuring Sassa Gurl (right), has been selected as one of the official entries to the 2026 Puregold CinePanalo Film Festival.
PHOTO/S: Instagram / Fracebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results