JERRY OLEA
Sobrang saya si Denise Esteban nang mapanood sa big screen ang erotic horror film na Haplos sa Hangin, kung saan tampok sila nina Martin del Rosario, Angelica Cervantes, Vincent Pajara, at Jorrybell Agoto.
“Ang ganda! Sobrang ganda!” bulalas ni Denise matapos ang premiere screening ng pelikula noong Oktubre 22, 2025, Miyerkules, sa Market! Market!, Taguig City.
“Tapos ang galing nung mga kaeksena, sina Martin, Angelica, Vincent, si Ate Jorrybell. Ang gagaling po!”
Read: New Minstrels singer Louie Reyes passes away

RATED X BY MTRCB ON FIRST REVIEW
Na-X ang Haplos sa Hangin sa unang review ng MTRCB. Marami bang naputol na eksena?
“Hhmmnn medyo, medyo, medyo.”
Sabi-sabi, napaiyak ang direktor nilang si Mikko Baldoza nang ma-X ang kanilang movie.
“OK lang naman kasi kahit siguro mag-cut kami ng konting mga eksena, buo pa rin siya, e,” saad ni Denise.
“Andoon pa rin yung kuwento. Naayos naman. Mabuti naayos.”
Sa programa bago ang premiere screening, mangiyak-ngiyak si Direk Mikko.
“Opo! Sobrang tuwa rin po, kasi, pinaghirapan po naming lahat itong film,” sambit ni Denise.
“Sobrang nakaka-proud this since first film ni Direk Mikko.”
May kasunod nang film project si Direk Mikko. Pasok sa pitong finalists ng Puregold 2026 Cine Panalo Film Festival (CPFF) ang project niyang Stuck On You.
FROM MOVIE TO STAGE
Ang co-stars ni Denise sa Haplos sa Hangin na sina Martin at Vincent ay ka-work din niya sa dulang Anino sa Likod ng Buwan, na palabas mula Oktubre 17 hanggang Nobyembre 9, 2025 sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.

“Nakakatuwa ring dalawang beses ko silang ka-work. Komportable na kami sa isa’t isa.”
Saan mas mapangahas sina Martin at Vincent, sa pelikula o sa teatro? Paano niya pagkukumparahin?
“Sa stage play kasi, live siya. Walang magka-cut. Walang ibang anggulo,” tugon ni Denise.
“Parang same lang sa movie iyong pagiging daring nila sa stage.”
Sa Haplos sa Hangin, halimaw sa kama ang karakter nina Martin at Denise. E, sa totoong buhay?
Ngumiti si Denise, “Siguro. Parang. Hi! Hi! Parang secret na lang! Hi! Hi! Hi!”
Read: Archie Alemania, hinatulang guilty sa acts of lasciviouness case ni Rita Daniela
GORGY RULA
Masaya rin siyempre si Martin del Rosario na inaprubahan ng MTRCB on its second review ang erotic horror film nila na Haplos sa Hangin.
“Gusto ko ring mapanood yung original cut. Siyempre, in-edit, iniklian ang ibang eksena,” lahad ni Martin.
“Buo naman ang kuwento. Actually, happy ako sa film.”
Totoong may eksena sa Haplos sa Hangin na first time niyang ginawa. Sa mapangahas na eksena ay nakatali siya. Nahirapan ba siya sa eksenang iyon?
“Opo, sobrang daring. Sobrang daring. Kasi kung medyo papanoorin mo yung film, sobrang erotic,” sey ni Martin.
“Erotic siya. Kumbaga, nabighani kasi ako dito kay Althea [karakter ni Denise Esteban], yung neighbor.
“Nagsimula sa naawa, hanggang sa may desire, hanggang sa na-obsess na at nabaliw siya sa taong iyon.”
Sa totoong buhay ba, siya ay halimaw sa kama?
Doon sa dulang Anino sa Likod ng Buwan, pinukaw ng Joel character niya ang hayop sa kaibuturan ni Emma (Elora Españo, Denise Esteban).
Napangiti si Martin: “Lahat naman tayo, may halimaw sa loob natin. Naniniwala ako diyan. Kanya-kanyang version lang iyan ng kahalimawan.
“Pero oo naman, meron. Meron talaga.”
Siyangapala, si Martin ang leading man ni Sassa Gurl sa horror comedy na Multwoh na isa sa pitong kalahok sa Puregold 2026 Cine Panalo Film Festival (CPFF).
Read: Direk Rodina Singh, kabado sa pagsali muli sa film festival
NOEL FERRER
Ang Haplos sa Hangin ay isa sa pitong kalahok sa inaugural CineSilip Film Festival kung saan bumida ang VMX stars.
Ang anim pa ay Pagdaong, Dreamboi, Salikmata, Maria Azama: Best P*rn Star, Ang Lihim ni Maria Makinang, at Babae sa Butas.
Ang awards ceremony ay gaganapin ngayong Oktubre 27, Lunes ng gabi, sa Viva Café, Cubao, Quezon City.
Ang mga kategorya ay Grand 1st Prize Best Film, Second Best Film, Third Best Film, Best Director, Best Screenplay, Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, Best Music, Cinematography, Sound, Production Design, Editing, at Audience Choice Award.
Siyempre, llamado na sa Audience Choice Award ang Dreamboi nina Tony Labrusca, EJ Jallorina, Jenn Rosa, at Migs Almendras, sa Rodina Singh.
Naso-sold out ang mga screening nito. Most likely, ito lang sa CineSilip 2025 entries ang may additional screenings outside the festival.

CONTENDERS FOR ACTING CATEGORIES
Ang mga posibleng contenders sa Best Actor ay sina Martin del Rosario, Gold Aceron, Tony Labrusca, Aerol Carmelo, Albie Casiño, at Van Allen Ong.
Para sa Best Actress, andiyan sina EJ Jallorina, Angela Morena, Denise Esteban, Aliya Raymundo, Aiko Garcia, Vern Kaye, at Dani Yoshida.
Para sa Best Supporting Actor, andiyan sina Migs Almendras, Jeric Raval, Chester Grecia, Vincent Pajara, VJ Vera, Leandro Baldemor, Aldo Cuervo, Mikey Andres, at Archi Adamos.
At para sa Best Supporting Actress, andiyan sina Jorrybell Agoto, Astrid Lee, Angelica Cervantes, Iyah Mina, Christy Imperial, Mercedes Cabral, Arah Alonzo, Skye Gonzaga, Meann Espinosa, Chloe Jenna, Ashley Lopez, at Rinoa Halili.
Ang tatlong hurado ay sina Erik Matti, Joy Aquino, at Tito Valiente.
Ang festival director ay si Ronald Arguelles.
Read: Descendant of Manuel Quezon confronts director Jerrold Tarog and actor Jericho Rosales
