GORGY RULA
Sumakit ang ulo ng writer ng isang drama series nang pinapalitan ng kilalang veteran actor ang title ng kanilang palabas.
Nakapanayam pa namin noon si Veteran Actor at sinabi niyang may gagawin siyang isang drama series, pero pag-uusapan pa lang daw.
Nang inalok na ang project kay Veteran Actor, tatanggihan na sana siya. Gusto kasi niya, kasama siya sa mga bida at nasa title din.
Ang unang title ay nabanggit ang karakter ng dalawang lead actress, wala ang karakter ni Veteran Actor.
Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates
NO TO SUPPORTING ROLES
Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, hindi raw tumatanggap si Veteran Actor ng project kung suporta lang siya.
Ang gusto ni Veteran Actor ay bida pa rin siya.
Nawindang ang writer ng serye.
Pinalitan ang title at nabanggit na ang karakter ni Veteran Actor.
Kailangan din nilang i-revise ang script para swak sa ipinalit na title.
Originally, ang kuwento ay naka-focus talaga sa dalawang lead actress.
Maingat si Veteran Actor sa mga tinatanggap na projects. Kailangang siya ang bida at hindi lang basta susuporta.
Karamihan sa kilalang veteran actors ay tanggap kung ano na ang status nila.
Tanggap nilang mga kabataang artista na ang bida dahil sa dami ng fans at supporters ng mga ito.
Hindi na panahon ngayon ng kilalang veteran stars, pero nandiyan pa rin ang respeto at nakakatulong sa isang project ang major-major support nila.
Pero hindi ito ubra kay Veteran Actor dahil feeling niya, kaya pa niyang magdala ng isang film o TV project.
Pero hindi naman gaanong nag-hit ang serye kung saan bida siya. Hindi ito na-extend.
Read: Netizens ask: Is Vice Ganda throwing shade at Heart Evangelista?
NOEL FERRER
Karapatan ni Veteran Actor na mag-demand ng kung ano ang gusto niya.
Nasa network at creative team ang desisyon kung pagbibigyan nila ang hinihiling ni Veteran Actor, o papalitan na lang ito.
Dito na-test kung gaano kalakas pa ang power ni Veteran Actor.
Nag-give in sa kanya ang network, at pinalitan ang title ng drama series.
Nag-adjust ang network sa kahilingan ni Veteran Actor.
JERRY OLEA
Alam ng ibang beteranang artista kung paano pag-ingatan ang kanilang sarili pagdating sa billing, title, o istorya ng proyektong iniaalok sa kanila.
Hindi ba’t sobrang mapili rin ang isang beteranang aktres sa project na ini-o-offer sa kanya?
Sa tuwi-tuwina’y bida ang beteranang aktres at hindi basta-basta suporta sa kung sinong bida.
Ang isa pang beteranong aktor, prinotektahan naman ang kanyang anak sa isang malaking proyekto nito.
Alam ng mga beteranong artista ang laro sa showbiz.
In fairness kay Veteran Actor na nagpapalit ng title sa drama series, wala tayong narinig na reklamo sa kanya habang tine-taping ang palabas. Nagpaka-professional siya.
Unfair na isisi sa kanya na hindi na-extend ang drama series. Andiyan ang dalawang lead actress, 'no?!
Read: Kuya Kim at kapatid na si Alessandra, parehong nawalan ng anak sa mental health issue
