PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Archie Alemania, tahimik pa rin matapos mahatulang guilty

Archie Alemania, pasok sa cast ng FPJ's Batang Quiapo?
by PEP Troika
Published Oct 30, 2025
archie alemania rita daniela case
Archie Alemania has yet to issue a statement after being found guilty of acts of lasciviousness in a case filed by former co-star Rita Daniela.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nag-follow up ang PEP Troika sa legal counsel ni Rita Daniela na si Atty. Maggie Abraham-Garduque kung meron na bang aksyon ang kampo ni Archie Alemania, pagkatapos mahatulang “guilty” ang aktor sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita laban sa kanya.

So far, wala pa raw nakukuhang balita si Atty. Garduque.

Hindi naman namin ma-contact ang lawyer ni Archie na si Atty. Noel Gracilla.

Sa pagkakaalam namin, may 15 days ang kampo ni Archie para mag-apela o kaya'y mag-file ng motion for reconsideration.

Pero wala pa raw natatanggap si Atty. Garduque na copy furnished mula sa kampo ni Archie.

Read: Archie Alemania, guilty sa isinampang kaso ni Rita Daniela

NO STATEMENT YET FROM ARCHIE ALEMANIA

Kahit sa social media account ni Archie ay wala itong inilalabas na statement.

Ang huling nakita naming post ni Archie sa Instagram Story ngayong Huwebes, October 30, 2025, ay tila nasa taping siya at nakasuot ito ng orange T-shirt ng isang preso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw nakakulong talaga si Archie, sabi ng isang kaibigan ng aktor.

Maaring kuha ito sa set ng FPJ’s Batang Quiapo.

archie alemania batang quiapo set
Archie Alemania, wearing a prisoner's uniform, on the set of FPJ's Batang Quiapo.
Photo/s: Instagram

Nasa loob ng kulungan ang set, at may isa pa siyang kuha kasama si Albert Martinez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
albert martinez archie alemania batang quiapo
Albert Martinez and Archie Alemania take a selfie on the set of their teleserye.
Photo/s: Instagram

Ilan sa mga kaibigan ng aktor ang nabahala noon kay Archie dahil nawalan siya ng trabaho pagkatapos siyang kasuhan ni Rita. Ano pa raw kaya kung matalo ito sa kaso?

Mabuti at nagkatrabaho ulit si Archie at sana raw ay tuluy-tuloy na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang kuha si Archie sa kanyang IG story na nasa isang golf course naman siya.

Wala siyang pahayag kaugnay sa pagkatalo niya sa kaso.

Read: Bulusan mayor clears Heart Evangelista of blame over Vice Ganda’s “bulok” school remark

JERRY OLEA

Si Rita Daniela naman ay nagpapasalamat sa Panginoon sa ibinabang desisyon ng korte.

Inalay niya ang hustisyang nakamit sa lahat na mga kababaihan at kalalakihan na nakaranas ng harassment, abuso, at pagmomolestiya.

Bahagi ng IG post ni Rita kamakailan: “The justice I received today is not just for me. This is also for all the women and men who were abused, harassed and molested that didn’t have the voice and platform to fight for their own rights.

“So, I am celebrating this justice with you. Today, we all won. We won.

“God loves us.”

Read: Rita Daniela dedicates court victory to other victims of abuse

RITA HAS NO COMMUNICATION WITH CLAUDINE

Nung sandali naming nakatsikahan si Rita sa taping ng All-Out Sundays, natanong namin kung meron pa ba silang communication ni Claudine Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong pumutok ang balitang ito, naging vocal si Claudine sa pagsuporta niya kay Rita.

Marami ang nagulat dahil sa pagkakaalam nila ay hindi naman ganoon ka-close sina Claudine at Rita.

Sa ngayon daw ay wala na silang komunikasyon ni Claudine, sabi ni Rita. Hindi na raw sila nagkakausap.

Ngayong nakuha ni Rita ang hustisya, wala na bang komento si Claudine?

Wala na ba siyang pahayag sa pagsuporta niya sa ipinaglalaban ng Kapuso singer-actress?

Read: Inday Barretto warns Jodi Sta. Maria about Raymart Santiago

NOEL FERRER

Nasa balita si Rita Daniela dahil sa pagkamit ng hustisya, at nataon namang hurado siya sa isang musical portion sa All-Out Sundays.

Ibang level si Rita, hurado na ngayon!

Iba naman si Claudine Barretto na may gag order sa sitwasyon nila ni Raymart Santiago.

Nagtatanong tuloy ang mga tao kung si Mommy Inday ba ang boses nito sa lumabas na isyu?

Nataon nga ba ang pag-iingay na ito na promo na ng palabas ni Claudine na Totoy Bato?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makatulong kaya ito sa manonood ng serye?

Sana naman — dahil tiyak na hindi nakatulong ito para maisaayos ang pamilya at samahan nila ni Marjorie.

Iba-ibang klase talaga ang gamit ng mga balita.

Read: Marjorie Barretto laments mom Inday Barretto's statement against her

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Archie Alemania has yet to issue a statement after being found guilty of acts of lasciviousness in a case filed by former co-star Rita Daniela.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results